19. Reunited

491 7 4
                                    

****

Zian's PoV

Naalala ko rin, bago maganap ang pag patay kay Freya, pinuntahan ako nung babaeng scientist. Tinanggal niya yung mask niya at tinignan ako ng mabuti. Huminga siya ng malalim at niyakap ako. Ramdam ko yung pag gapang ng kamay niya papunta sa batok ko. Parang meron siyang pinipindot dun, na para bang may keypad. Maya maya pa ay inalis niya yung pagkakayakap sa akin at tinignan ako. Napansin kong walang imik yung katawan ko. At maya maya pa ay nagagalaw ko na yung hintuturo ko.

Nang makarecover ako, napatingin ako sakaniya.

"B.. bakit?" Tanong ko

Naguguluhan ako. Bakit niya ako tinulungan? Bakit niya ako pinalaya?? Anong rason? Hindi ba't kasabwat talaga siya ng dad ko? Anong nangyayari?

Nginitian niya ako.

"Nakita ko kung gaano kasama yung lalakeng pinagtatrabahuhan ko. At naging aware naman ako dun. Alam kong masama pero ginusto kong ituloy dahil hawak niya ang mga magulang ko. Pero nang makuha na niya ang gusto niya, tinigilan na niya ako at pinakawalan rin ang mga magulang ko. Masaya ako dahil may naka-appreciate sa na-imbento ko. Pero kung gagamitin ito sa pag patay sa isang tao, mas bali nang ako nalang yung mamatay kaysa sa makapatay ang imbensyon ko. Sa kasalanang ginawa ko, sa isang device na ginawa ko, magkakaroon ako ng isang napakalaking kasalanan. Kaya... kahit sa last minute lang, maitama ko ang pagkakamali ko." Sabi niya habang nakangiti.

"Kaya.. please.. save Her.. and here.. BB01, natanggal ko yan sa katawan mo kanina." sabi ni Amber sabay bigay niya sa'kin yung napakaliit na pabilog na device. For sure kapag na tapakan ito, madudulas yun. Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Okay." Nakangiti kong sabi. Maya maya ay tumunog ang alarm niya.

"Got to go, actually, tumakas lang ako. Kailangan ko nang bumalik sa may base ng sin." Sabi niya.

Aalis na sana siya nang biglang lumingon siya sakin at sinabing.. "goodluck."

"Wait!" Sigaw ko.

"Paano si Zyra?!" Tanong ko pero nakaalis na siya. Hindi na niya siguro narinig yung tanong ko.

Maya maya pa ay may narinig ako galing sa labas. Isang sigaw. Boses ni Zach.

[ZIAN LUMABAS KA DYAN!!!!!!! IBALIK MO SAKIN ANG ASAWA KO!!!!!!!!]

Napangiti ako sa boses niya.

He's here.

Sasalubungin ko ba? Nang maalala ko kung bakit nandito si Zach, Agad akong tumakbo papunta kay Freya. Hanggang sa ilang minuto ang nakalipas,

*BANG!!!!!!!!*

Napahinto ako. Shit Zyra..

She's dead. Napaluhod ako at nabitawan yung device. This is all my fault... kinabahan ako nang marinig ko yung yapak ng paa ni Zach papasok sa loob. Napalunok ako. A-anong sasabihin ko??

Nang makapasok siya, agad niya akong tinignan.

"Zian." Matigas niyang tawag sa akin. Lumingon ako sakaniya ng may takot sa mukha ko. Pero sumeryoso rin agad ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon kaya mas mabuti nang mag seryoso..

"Ano?" Tanong ko.

"Asan si Freya?" Tanong niya. Sasagot sana ako nang bigla siyang nadulas. Sht! Yung device!!

"Zach??" Natama yung ulo niya sa semento. Sht. Masakit yun. Hindi nakapagtataka kung hindi siya mawawalan ng malay.

At yun nga, nawalan nga ng malay. Haist.. Ayokong pumunta kay Freya. Dahil kapag pumunta dun, may chance na wala dun si Zyra. At baka mapatay niya si Zach. Hindi ko pwedeng iwan si Zach.

Her Revival (BOOK 2 Of TML)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon