Nakatingin lang ako sa labas ng pinto ng sasakyan ko na parang walang naririnig mula sa labas nito kahit na panay pa ang sigaw nila.
Para bang biglang nablanko ang isip ko at ayaw na niya lahat i-proseso ang mga nalaman ko.
"Chelsea buksan mo 'tong pinto!" Bakas sa mukha ni Dwayne yung takot at kaba pero hindi ko pinansin.
"AC, pakinggan mo naman muna ako!" Kagaya ni Dwayne, ganon din ang nakikita ko sa mga mata ni Ace ngayon habang tinititigan ko siya.
'Do I deserve this kind of shit?' Tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko namalayan nang bigla nalang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan na buhumos. Gulong-gulo na yung isip ko.
Here we go again, Chelsea... sabi ko sa sarili ko.
Nasaktan na naman ako... at hindi nalang dahil kay Dwayne ngayon.. kundi pati na din sa kapatid niya.
Tangina! Bakit ba ang tanga-tanga ko? Hindi man lang ako nag-research? Hindi man lang ako nakinig kay Paige! Para akong pinaglalaruan ng mundo! Leche!
"Chelsea, buksan mo 'to!" That was Dwayne, again.
Hindi ko na din mawari sa mukha niya yung sobrang pagmamakaawa niya na pagbuksan ko siya pinto.
"Babe, please, listen to me first.." And that was Ace on the other side.
Napatingin ako ulit sa dalawang lalaki na nasa labas ng sasakyan ko.
Sa kanan, nandun si Dwayne na nagpupumilit na pagbuksan ko ng pinto.
Sa kaliwa, nandun naman si Ace na nagpupumilit na pakinggan ko.
Hindi ko na alam kung sino sa kanila ang papaniwalaan ko pagkatapos ng lahat.. hindi ko na alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.
"Tangina niyo! Lubayan niyo na ako!" Sigaw ko kahit na alam kong hindi naman nila ako naririnig.
Panay parin ang katok nila sa bintana ng sasakyan ko.
Napahagulgol nalang ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko... napayuko ako sa manubela na kanina ko pa hawak.
Ayoko na silang makita pa. Ayoko na silang pakinggan pa.
Binuhay ko yung makina ng sasakyan ko. Nakita ko kung paano magpanic sina Dwayne at Ace sa labas.
The first thing that I know in that very moment is to escape.... escape from Ace.. from Dwayne... from everything. Gusto ko nalang lumayo mula sa kanila. Hindi magsink-in sa isip ko ang lahat ng mga nalaman ko...
What will I choose?
No.
Who will I choose?
'Yung lalaking.. dahilan nang pagbabago ko dahil sinaktan at iniwan niya ako noon—na nagbabalik ngayon at sasabihin mahal niya pa ako?
O, 'yung lalaking dahilan nang pagbabago ko ulit dahil sa pagmamahal na binibigay niya ngayon—pero linoloko lang din pala niya ako?
What the fuck!
Iyak parin ako ng iyak habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga nalaman ko.
Galit na galit ako sa kanilang dalawa... sobra!
Sa sobrang galit ko, bigla kong pinaharurot nang mabilis yung sasakyan ko sa kagustuhan kong makawala sa kanilang dalawa."Argh! Tangina niyo!" I shouted. Ang sikip na nang paghinga ko.
Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa kabilang upuan ng biglang umilaw ito. Tumatawag si Dwayne.. hinayaan ko lang ito. Maya-maya pa, si Ace naman.
Napamura nalang ako sa sobrang stress sa kanilang dalawa. Bakit ba ayaw muna nila akong tantanan?
Bawal akong mastress ngayon pero anong magagawa ko? Pagkatapos ng labat ng narinig ko, anong aasahan nilang magiging reaction ko?
'Isipin mo yan nasa tiyan mo, Chelsea!' sermon sakin ng isip ko.
I just.. I just want to escape... from everything... but, how can I escape when there's already a little dimsum in my tummy? Parang ayaw ng tadhana na takasan ko ang lahat ng 'to.
Parang gusto niyang nakikita na lagi akong nasasaktan.Shit.
Inihinto ko kaagad yung sasakyan sa gilid ng hi-way. Panay parin ang daloy ng mga luha sa mga mata ko. Wala sa sarili akong napahawak sa tiyan ko.
"Steady ka lang diyan. Uuwi na ako." Pagkausap ko sa tiyan ko.
Nagpakalma muna ako bago ko naisipan na mag-u turn para umuwi na sa bahay. Gusto ko nalang mahiga sa kama ko at magpahinga.
She or he may not deserve any of this.
Uuwi na ako.
Yon ang gusto kong gawin.
Pero....huli na ng may bigla sumalpok sa sasakyan ko.
Sobrang lakas na parang umikot ng paulit-ulit yung sasakyan ko dahilan para mahilo ako.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari...hindi ko na alam kung saan ako nahulog...at bigla nalang akong walang makita,
...saka maramdaman.
Fuck! Yung baby ko....
***
Facebook: Smithy Villanueva
Quality Time | July 2020
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
General FictionTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...