Junior Ball

142 6 0
                                    

Hi, just wanna say thanks for those who's still reading my works and keep on commenting on every chapters. Thank you! Your comments and votes are my motivations. -nems

-
CHAPTER 26

AC's POV

What's he doing here?

Ilan beses pa akong pumikit ng paulit-ulit para lang masiguradong tama ang nakikita ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

Siya 'yon.

Hindi na ako nananaginip ngayon kaya alam ko na kung ano ang totoo o hindi sa mga nakikita ko. At ngayon, malinaw na siya iyon.

Oh, my god!

Kung siya nga iyon... bakit naman siya nandito? Hallucination ko lang siguro lahat ng 'to.

"AC, okay ka lang?"

Bumalik kaagad ang wisyo ko ng marinig ko ang boses ng lalaking nasa tabi ko. Agad ko siyang binalingan saka nginitian.

"Bigla kang natulala diyan," Ace said.

"I'm okay, medyo masakit lang ulo ko." I said. Nakatingin na din siya sa labas ng resto at nagtatakang bumaling sakin. "Wala 'yon. Tara kain na tayo, nagugutom na ako." sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya.

Hindi parin mawala 'yung pagtataka sa mga mukha ni Ace habang naglalakad na kami papunta sa nag-iisang table na naka-set up doon na para talaga sa amin.

"You prepared all of these? Grabe kinutsaba mo pa si Ivan." sabi ko saka sumulyap na naman sa labas ng resto.

Hindi pwedeng mahalata ni Ace na may nakikita akong nakamasid sa amin mula sa labas. Baka masira ang mood niya.

"Ngayon ko lang 'to ginawa." Ace said.

Nakangisi akong tumingin sa paligid. Grabe ang effort niya.

"Hindi ko ma-imagine na may ganito ka palang side." Biro ko.

Ace chuckled. "Mabuti nga hindi ko natyempuhan ang kasungitan mo eh. Kundi, baka iniwan mo na ako dito."

"Grabe ka," Napalo ko tuloy siya sa braso dahil dun.

Nagtawanan lang kaming dalawa habang nauupo na din sa upuan. Nagsimula na din ihain sa amin ang mga pagkain. Ghad, parang mas lalo lang akong nagutom.

"Let's eat." Excited na sabi ko.

Kaso napatigil ako nang imbes na kumuha si Ace ng pagkain niya ay nakatingin lang siya sakin.

"Stop staring, Ace." Natatawang biro ko para gumaan ang tensyon ng paligid kaso wala parin.

I sighed. I know he's worried again.

"I'm okay ano ba... let's just eat," sabi ko pero alam kong hindi parin siya kumbinsido.

Bumuntong-hininga siya.

Anong iniisip niya? I want to know. The way how he look at me, parang may iba eh. Sana kahit papano mabasa ko man lang ang ansa isip ng lalaking 'to para alam ko kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Are you sure you're okay?" He asked me again and I nodded. "Gusto mo pagkatapos natin kumain, hatid na kita sa condo mo?"

"Sige kung diyan ka matatahimik." Mahina akong natawa. Kumunot naman ang noo niya. "Sa init lang siguro to." I said, trying to assure him that I am really fine.

Nag-aalala niya akong tinignan saka tumingin na naman sa labas ng resto.

"Kumain na tayo. Tapos bumili na din tayo ng gamot para sa ulo mo bago kita ihatid sa condo mo." He softly said.

QUALITY TIME (Bitch 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon