CHAPTER 16
Present: Unexpected Second Encounter***
ACE's POV
"Halika na," sabi ni Gez. Hinila na niya ako papasok sa loob ng bar nang hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
Natawa si Ken sa kabilang gilid. "Bar 'to, dude. Hindi sementeryo." he said.
"Wala akong gana gago. Lilipat na din ako bukas sa condo, ang dami ko pang gagawin tapos dito niyo lang pala ako dadalhin?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Sabi nila, may dadaanan lang kami.
Gez shrugged. "Minsan na nga lang tayo magsama-sama eh. Tsaka wala ka naman ng gagastusin dito. Libre 'to ng baskteball team."
Napakunot ang noo ko. That's not my point. Gusto ko na mag-hagot ng mga gamit ko ngayon gabi para bukas katawan ko nalang dadalhin ko sa condo.
"Hindi na masasagad credit card mo," natatawang sabi ni Gez.
Natawa na din kami ni Ken. Naalala ko na naman nang lumabas kaming tatlo 'nung pagkadating ko. Muntikan na akong tawagan ni Daddy para pagalitan sa sobrang dami niyang binayaran sa credit card ko.
"Ang kj mo naman, Ace." Ken said while bumping his elbow to mine.
Napailing-iling nalang ako habang naka-tingin sa mga taong pumapasok sa loob ng bar.
"'Wag mo na nga akong hawakan," Naiinis na sabi ko kay Gez.
Binitawan naman niya agad ako.
"Lets go," anunsyo ko.
Napa-ngiti ang dalawa. Natatawa nalang din ako sa sarili ko. Mukhang madami-dami pang party ang mapupuntahan namin, lalong-lalo na ngayon na dun na ako sa university mag-aaral.
Ngiting-ngiti si Gez na naglalakad dito sa tabi ko. Habang si Ken, napa-tigil ng may biglang tumawag sa kanya.
"Who's that?" I asked.
Nagkibit balikat lang siya saka sumenyas na mauna na kami sa loob ni Gez.
"Pasok na tayo, Ace."
Tumango ako saka nakapamulsang pumasok sa loob.
Pagkapasok namin, madami ng tao sa loob. Mukhang nagkakasiyahan na ang lahat. May DJ sa taas ng stage at may mga tao na din nagsasayawan sa dance floor.
"Mga taga Christian University ba lahat ng mga nandito?" pasigaw kong tanong kay Gez.
"No. May mga kaibigan din sina Luke sa kabilang University. Halika pakilala kita sa kanila."
Naglakad na kami ni Gez kung nasaan ang sinasabi niyang mga basktetba team. When we reach them, he politely introduced me to them.
"Gez, mabuti at nakapunta ka. Where's Ken?" One of them asked Gez.
"Outside. He's talking to someone," Gez replied. "By the way, this is Ace Rivera."
Isa-isa nilang inabot ang mga kamay nila sakin to do the bro shake hands.
"Nice seeing you here, bro." sabi nung isa.
Nag-kwentuhan lang kami doon habang busy din sila sa pagbigay sakin ng iba't-ibang shots.
"So, you're also a basketball player in your former school?" they asked me.
I nodded. Tinungga ko 'yung shot na binigay nila sakin.
"Nice. Sali ka sa team," alok nila sakin.
I laughed while shooking my head. Nakalimang abot na yata sila sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/87643673-288-k272816.jpg)
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
Ficción GeneralTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...