CHAPTER 21
***
ACE's POV
Worried vanished my face when I saw AC. At ng marinig ko 'yung hagulgol niya? Damn. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanginginig siya sa sobrang takot.
Wala akong ibang alam gawin kundi hayaan nalang siyang yakapin niya ako. Sobrang takot 'yung itsura niya kanina 'nung makita ko siya.
Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit ang dumi niya? Ang dami niya din gasgas.
Nang maramdaman kong medyo kumalma naman na siya, maingat kong iniangat ang mukha niya para ma-ipantay ng tingin sakin.
"AC," tawag ko sa pangalan niya. Tinignan naman niya agad ako pero hindi siya nagsasalita. "Kaya mo pa bang maglakad? Balik na tayo sa condo para doon ka nalang magpahinga." nakangiting sabi ko.
Blanko ang mukha niyang nakatingin sakin. Walang kahit na anong ngiti o kahit sana pagsusungit nalang ang ipakita niya sakin ngayon... kaso wala. Walang kahit na ano maliban sa pangamba sa muka niya.
"You need to rest, AC.." I said in a careful voice.
Pansin na pansin ko 'yung pag-iwas niya sakin agad ng tingin ng magtama ang mga mata namin dalawa.
Wala naman na siyang dapat ikahiya sakin.
Maya-maya pa, tumango na siya.
"Okay...let's go?" ani ko. Tumango na naman siya.
Hindi parin siya nagsasalita. Fuck. Nag-aalala na ako.
Humiwalay na siya mula sa pagkakayakap sakin pero hindi niya parin binibitawan ang isang kamay ko, mas humigpit pa ang hawak nito sakin.
Nginitian ko siya ng tumingin siya sakin sandali.
Hindi siya okay... based on my observation, may nangyari sa kanya kaya takot na takot siyang humiwalay sakin. Hindi naman ganito ang AC na kilala ko eh.
The one thing that I know.. ayaw na ayaw niyang malapit siya sakin. What happened now?
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa condo ko. Wala parin siyang imik. Palingon-lingon lang siya sa paligid na parang may hinahanap siya doon.
Wala sa sarili akong napa-akbay sa kanya to feel her more safer.
Wala ng kahit na sinong makakalapit pa sa kanya dahil nandito naman na ako. I want to assure her that everything will be fine pero parang hindi ko mahanap 'yung timpla ng dila ko para i-comfort siya. That's not my thing. Fuck!
Nang mapakasok kami sa loob ng condo, dun lang din siya tumigil sa pag-iyak. Pinunasan niya ang luhang natitira sa mga mata niya. Napansin ko 'yon kahit na tinatago niya sakin kanina pa.
"Maupo ka muna... kuhanan lang kita ng tubig." sabi ko.
Naupo naman siya sa sofa habang yakap-yakap niya ang sarili niya.
Iniwan ko na muna siya sandali para kumuha ng tubig.
Pagbalik ko, napatigil ako sa paglalakad ng makita kong umiiyak na naman siya.
Ano ba talagang nangyari sa kanya?
Tangina, hindi siya magkakaganyan kung walang malalang nangyari sa kanya.
Napapunas siya agad ng luha niya ng mapansin niya ang mga yapak kong papalapit na sa kanya. Akala ko mawawala na 'yon ng pinunasan niya kaso mas lalo naman itong lumakas ng pag-agos sa mata niya.
Umupo ako sa tabi niya. I smiled to her.
Hindi ko alam kung para saan 'yon. Ginawa ko ang alam kong dapat gawin sa mga oras na 'yon.
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
قصص عامةTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...