Incident For A Reason

149 3 0
                                    

CHAPTER 20

* * *
AC's POV

Ang init.

Napasimangot ako ng makita kong mahaba ang pila sa grocery store. Gosh. Kung may laman lang sana ang refrigerator ko, hindi ako magaabalang mag-grocery ngayon at pumila sa pagkahabang-habang pila dito sa cashier.

Alos dos na ngayon ng hapon.

Nagising ako kanina ng ala una. Dahil naiwan ko ang susi ko sa condo ni Ace kagabi, hindi na din ako pumasok sa school, bukas nalang siguro bahala ng si Paige kung sesermunan na naman niya ako.

Nang matapos ako sa grocery, ibang pila na naman ang sa taxi. Ugh. Ang init init pa. Kasalanan 'to ng Ace na 'yon eh. Nang dahil sa mga pinagsasabi niya kagabi, nakalimutan ko ang susi ko. Kainis talaga.

"Saan po kayo ma'am?" Tanong ng dispatser sakin na bigla nalang akong linapitan. Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa mga hawak ko saka ko sinabi kung saan ako magpapahatid. Ako na kasi ang susunod sa pila, taxi nalang ang kulang.

Nakakunot na ang noo ko habang hinihintay ang taxi na dumating nang may biglang sasakyan na tumigil sa harapan ko.

Hindi ko na sana 'to papansinin ng biglang bumama naman ang bintana nito sa mismong harapan ko.

"AC," Nakangisi nitong tinawag ang pangalan ko.

Naging blanko agad ang mukha ko. Si Ace na naman.

I rolled my eyes. Ano na naman ginagawa niya dito?

Hindi ako nag-abalang sagutin siya. Panira siya ng araw! Siya nga ang may kasalanan kung bakit ako pumipila dito ngayon eh!

"Pauwi ka na ba? Hatid na kita." he said.

Hindi parin ako sumasagot. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang mga mata ko. Nagkunwari akong hindi ko siya kilala pero bigla naman akong kinalabit ng nasa likuran ko.

"Sasakay ka ba sa kanya o hindi? Nandiyan na ang taxi.." sabi niya, tinuro niya ang taxi sa likdo ng sasakyan ni Ace. "Kung plano mo mag-inarte ngayon miss 'wag dito, ang init." Mataray pa na sabi nito.

Napasimangot ako. Tsk. Kasalanan ko ba kung bakit mainit ngayon?

Napatingin ako sa nakangising mukha ni Ace na nasa loob ng sasakyan niya. Nakakagigil talaga 'tong lalaking 'to.

Mas sariwa naman ang aircon ng sasakyan ni Ace kaysa sa mga taxi no'... kaya mas pinili ko ang sasakyan niya kahit na labag 'yon sa loob ko.

"Naiwan mo ang susi mo kaga—"

Napatigil siya  sa pagsasalita nang padabog kong sinara ang pinto ng sasakyan niya. Ugh! I hate hearing his voice!

"It's okay." Biglang sabi na naman nito. "Hindi naman agad-agad yan masisira.." sabi nito habang sa daan nakatingin.

Hindi ako umimik.

"Saan ang sasakyan ko?" I asked him in an angry voice.

"Sa parking lot ng condo ko... probably?"

I groaned. Alam ko naman. As if naman pwede niyang itabi 'yon sa pagtulog niya. Sarkastik masyado!

Hindi na ako nagsalita pa. Wala din naman siyang kwentang kausap, e. Mas mabuting manahimik nalang ako dito.

"Hindi ka pumasok?" he asked me.

Napahalukipkip ako. "Obvious ba?"

He chuckled.

I rolled my eyes.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya na naman. Hindi ako sumagot.

Hindi siya matigil sa kakadaldal. Hindi nalang siya mag-drive diyan ng tahimik.

QUALITY TIME (Bitch 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon