CHAPTER 27
***
AC's POV
Paano ba kami napunta dito?
Bakit niya ba kasi ginawa 'yon? Hindi ko maintindihan!
"You disappointed me this time, Ace."
Narinig kong sabi ng Daddy ni Ivan. Kalmado ang boses niya pero alam kong may pagkakadiin ang bawat salitang binitawan niya kay Ace.
"Dad, hindi naman sinasadya—"
"Sinadya man o trip lang. Still, pangalan ng school ang dala-dala niya!"
"They're right, son. Let's just face the consequences for this mess."
Katahimikan.
Walang ng sumagot pa. Kahit si Ace na alam kong nandoon din... wala akong narinig na kahit na anong ingay niya.
Ni kahit man lang sana sorry na galing kay Ace wala akong naririnig. Ano nangyayari sa kanya? Anong nangyayari sa loob? Bakit wala akong naririnig na kahit man lang sana paghingi niya ng tawad sa ginawa niya?
Mula dito sa labas ng office ng Dean, dinig na dinig ko kung paano pagalitan ng mga prof si Ace sa loob, kasama na doon ang mga Daddy ni Paige at Ivan.
"Malaking gulo 'to Rivera, alam mo ba 'yon?!"
Napapikit ako sa lakas ng boses na iyon. Simula ng dinala nila si Ace sa loob hanggang ngayon, nagdadasal parin ako na kahit man lang sana ipaliwanag niyang wala siyang kasalanan sa nangyari.
Kaso.
Wala. Walang kahit na anong boses na lumabas sa bibig niya.
Damn, Ace! Say something! Napasinghap nalang din ako. Gusto ko pumasok dun para ipagtanggol siya pero hindi ko magawa.
Nakaupo lang ako dito sa labas ng office, tulala habang nakikinig sa bawat sermon nila sa kanya. Alam ko hindi niya intesyon na magkaganon si Harold at alam ko may rason siya. Kung ano man 'yon, I want to know!
Sa sobrang pagkabigla ko sa mga nangyari kanina sa restroom hindi ko din alam kung paano ako napunta dito. Sobrang natulala ako sa nangyari na kahit kanina nang may mga security nang lumapit sa amin sa loob ng restroom e hindi ko na magawang gumalaw.
Hindi parin ako makapaniwala na nagawa ni Ace 'yon kay Harold. Isa din siya sa anak ng may-ari dito sa school! I can't believe this. Hindi talaga mag-sink in sa isip ko.
Maya-maya pa may narinig akong tumunog na cellphone galing sa loob.
Napa-tingin agad ako sa may pinto ng office ng may biglang lumabas doon saka sinagot ang tawag.
One of the board of CU. Nakamasid lang ako sa bawat galaw niya habang nakatingin sa cellphone niya na walang tigil sa pag-ilaw.
I heard him groaned.
Nakamasid lang ako sa gawi niya hanggang sa nakalayo na siya sa akin. Hindi niya siguro napansin na nandito ako sa labas.
Wala pang limang segundo ng may marinig ulit akong pagbukas ng pinto.
Unang lumabas si Ace na nakatulala.
Sumunod si Ivan na halatang stress na sa nangyayari. I feel sorry for him kasi siya ang naiipit sa Daddy niya at sa pinsan niya.
"Ace, sorry wala akong nagawa." malungkot na sabi ni Ivan.
Para silang pinagsakluban ng langit at lupa habang nanghihinang naglalakad palabas ng room na 'yon.
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
General FictionTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...