CHAPTER 19
Present: Tissue* * *
AC's POV
Napakunot ang noo ko ng magsalita na naman si Paige sa likod ko.
"Bakit ba lapitin ka ng mga Rivera na yan! Nakakainit ng ulo! Hay."
Hindi ko nalang siya pinansin. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagpili kung ano ang isusuot ko ngayon para puntahan si Ace. Kailangan maganda ako kapag pumunta ako dun. Kailangan malaglag 'yung panga niya kapag makita niya ako.
"I'll be fine," ani ko.
"No." Hindi parin siya tumitigil sa kakalakad-lakad sa loob ng kwarto ko. "Wait, are you aware that he's also a Rivera?"
Napatigil ako sa pagpili ng isusuot ko saka hinarap si Paige.
"Seriously? Of course! Gosh. Hindi naman na ako tatanga-tanga na kagaya dati, Paige. Stop it!"
Paige chuckled. "I know," aniya.
Napasimangot ako lalo ng makita kong hindi parin siya tumitigil sa pag-aalala sakin.
"Si Ace lang 'yon, ano ka ba. 'Wag kana magalala sakin."
Napabuntong-hininga siya saka matatalim ang matang tumingin sakin.
"Hindi mo ba talaga maalala kung paano mo siya nakilala? My god, AC!"
"Sa café, ang alam ko dun ang una at huling beses na nakita ko siya bago niya ako guluhin sa university. Promise, hindi ko pa talaga 'yon nakakausap ng matagalan. Hindi ko talaga 'yon kilala."
Nakakainis naman kasi talaga 'yon eh! Pati ako napapabuntong hininga na din matapos kong maalala ang sinabi niyang kilala na niya daw ako. Ang nag-iisa kong tanong. Paano?
Hay. Napapaisip nalang talaga ako kung anong pakulo ang gusto ng lalaking 'yon. Pati tuloy si Paige nababahala dahil sa mga ginagawa niya.
"Una si Ivan, kiniss mo siya 'nung lasing na lasing ka sa bar. Hindi mo parin ba 'yon maalala?" tanong ni Paige.
Nasapo ko ang ulo ko saka dahan-dahan na naupo sa kama. Mamaya ko nalang itutuloy ang pagpili kung anong isusuot ko.
"Hindi talaga, e." sagot ko.
Napapaisip na din ako eh. Bakit ang bilis ko makalimot kapag lasing ako? Hindi ko na matandaan mga nangyayari kinabukasan.
"Tapos ngayon si Ace naman? Ano ba talaga yan Chelsea! Baka magpadala ka sa mga patibong nila ah. Tandaan mo nalang 'yung nangyari sa inyo ni Dw—"
"Hindi ko 'yon nakakalimutan, Paige." singit ko. Matalim ko siyang tinignan dahil sa pagpapaalaala niya sakin ng nakaraan.
She smiled, 'yung halatang pilit na ngiti.
"Sorry. Nagaalala lang ako sayo," Malambing na sabi niya. Linapitan niya ako sa pagkakaupo sa kama saka yinakap ako bigla.
"Sigurado ka na ba talaga diyan? Baka malasing ka na naman, may pasok pa tayo bukas."
"Hindi ko naman 'yon aakitin." sabi ko. Natawa ako. "Pupunta lang ako dun kasi nagyaya siya ng dinner, sayang naman." Pagbibiro ko.
Napalo agad ako ni Paige sa braso. "I can also invite you for dinner, if that the case."
Natawa ko sa sinabi niya. I know she can, mayaman sila, e. But this is not like a normal dinner like she knows.
Ayaw niya lang talaga magpatalo. Hindi ko tuloy alam kung kay Ace ba ako makiki-dinner o sa kanya. Pero syempre biro lang. Kailangan ko din makausap 'yung isang 'yon para tigilan na niya ako.
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
General FictionTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...