I Miss You

199 2 2
                                        

CHAPTER 22

***

AC's POV

Huh?

Bakit naman ako malulungkot? Tsk. Hindi ako nalulungkot na umalis na ako sa condo ni Ace. Hindi ko siya namimiss.

Ghad, miss ko na agad siya...

Wala lang naman sakin kahit na iwanan ko mag-isa si Ace, dati. Wala din akong nararamdaman na ganito noon. Bakit ngayon parang nag-iba na ang ihip ng hangin sakin?

What the hell is happening to you, AC!

"Yes ma'am, ano po kailangan niyo?"

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang sumulpot si Kuya na may-ari ng petshop na pinuntahan ko. Wala sa sarili akong napatingin sa mga ibon na nag-iingay sa tabi ko.

Doon ko naalala kung ano ang sadya ko dito.

"Uhm, may available ba kayong pagkain ng mga ibon?" tanong ko sa kanya.

"Meron po,"

"Pwede patingin?" I asked. Tumango naman agad si kuya saka naglakad  patungo kung nasaan ang sinasabi niyang pagkain ng mga ibon.

Sinundan ko nalang ng tingin si kuya habang naglalaho sa paningin ko.

"Bakit ba ako nandito?" I asked myself.

Kasuluyan akong nandito sa loob ng isang petshop bumibili ng pagkain ng mga ibon para sa bahay. Hindi ko din alam kung paano ako napadpad dito. Basta kanina pag-gising ko natagpuan ko nalang 'yung sarili ko na nag-aayos saka nag-drive pauwi sa bahay hindi sa condo ko.

"Ma'am eto lang po available.."

"Magkano yan?"

"Isang kilo po, 350." sabi ni kuya.

"Sige po, kunin ko na po yan." sabi ko.

Binayaran ko na 'yung sa cashier saka umalis na sa lugar na 'yon.

Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan pa ng pera at oras ang mga ibon na 'yon? Hindi biro 'yung pagka-mahal ng pagkain nila ah.

Kakaasar... ano ba talagang nangyayari sakin? Hindi na ako natutuwa.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko. Hindi ko na naman alam kung anong nangyari sakin dahil ng mailapag ko ang binili ko sa katabi kong upuan, wala na naman ako sa sariling napatitig doon.

Takte Ac! Sinayang mo lang 350 mo!

Marahas akong napabuga ng hininga 'nung maalala ko na naman ang mga alala na matagal ko nang kinalimutan.

Napatitig ako sa reflection ko sa salamin.

This can't be! Hindi ako pwedeng bumalik kung saan ako nanggaling! Nandito na ako! Matagal ko ng kinalimutan ang nakaraan!

This is the new me now... wiser and braver.

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Sinagot ko agad ito ng makita kong si Mama 'yung tumatawag.

"Yes, Ma? I'm on my way," sabi ko agad, inayos ko na 'yung sarili ko saka binuhay na din ulit 'yung makina ng sasakyan.

Sana hindi nila mapansin ang mga gasgas ko sa katawan.

"Magiingat ka, 'wag masyadong mabilis magmaneho, Chelsea.." bilin ni Mama. Tumango ako.

"Opo,"

"Hinihintay ka na namin ng Papa mo dito sa bahay," sobrang excited na sabi ni Mama.

Napangiti agad ako.

QUALITY TIME (Bitch 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon