Happy reading! -nems
CHAPTER 25
-
AC's POV"AC, may naghahanap sayo,"
Napa-tingin kaagad ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ng isa sa mga kaklase ko.
"Hinahanap ka kanina pa.." ulit niya.
Saglit akong napa-hinto sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Sino naman kaya 'yung naghahanap sakin? Kung kailan na wala ako sa mood saka may susulpot.
"Sino daw?" Tanong ko sa kanya ng magtama ang mga mata namin.
Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko dahil gusto ko ng umuwi sa condo agad. Kailangan kong mag-beauty rest for tomorrow's event.
"Hindi niya sinabi pangalan niya, eh. He's in the parking lot." she replied.
Kumunot ang noo ko.
Sino naman kaya 'yon?
Bukod kay Ace... sino pang mag-aabalang guluhin ang araw ko?
Si Ace siguro 'yon. I'm pretty sure about that.
What is he wants from me this time? Ghad. Sana naman tigilan niya muna ako ngayon. I need a break. Kahit pa pogi siya, hindi ibig sabihin na hindi na ako naiinis kapag pinapadalhan niya ako ng bulaklak lagi sa condo.
But then again, kung si Ace 'yon, sasabihin nila pangalan niya. Sa araw-araw ba naman na nandito si Ace posibleng hindi pa nila siya kilala.
Napaisip ako bigla.
Sino kaya 'yon?
"Okay, thank you." sabi ko nalang saka binitbit na ang bag ko at lumabas ng room.
Kung bakit ba kasi hindi pumasok si Paige ngayon e, edi may kasama sana akong naglalakad ngayon para kitain 'yung sinabi niyang naghahanap sakin.
Hindi ko tuloy mapigilan na hindi kabahan. Paano kung si Harold na naman 'yon? Ghad.
Hindi ako pwedeng ma-haggard ngayon. Bukas na ang Junior Ball. I need to be there... I want to be there!
Panay ang hinga ko ng malalalim habang tinatahak ko ang daan papunta sa parking lot kung saan nandun daw 'yung lalaking naghahanap sakin.
I am nervous!
Dahan-dahan ang paglalakad ko nang palapit na ako ng palapit sa parking lot. When I step inside... sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. I don't know why!
Pakiramdam ko hindi ko na ma-kontrol kung bakit ganito kabilis tumibok ang puso ko. Hindi na ako makahinga. Bakit ba ganito?
Nang makita ko ang lalaking nakatayo malapit sa sasakyan ko, mas lalo akong kinabahan. He's wearing a black tuxedo and black pants. Ang porma niya tignan mula sa likuran habang nakapamulsa pa.
Pinakatitigan ko ang likuran niya. Kasing tangkad niya si Ace pero hindi si Ace 'to! Mas malapad ang likuran ng lalaking nakikita ko ngayon dito sa harap ko kaysa kay Ace. Of course, alam ko ang hubog ng katawan ni Ace! We had past.
Ghad! Who is he?
Napakapit ako sa hawak kong libro. Hindi ko mapigilam ilibot ang buong paningin ko sa buong paligid ng parking lot. May mga tao naman, medyo maingay din kasi pauwi na talaga mga estudyante kaya kung masamang tao man 'to hindi ako mahihirapan na kumuha ng atensyon sa paligid.
Naka-ilan ulit pa akong napabuntong-hininga ng makapagpasya akong lapitan pa siya ng konti.
Fuck.
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
General FictionTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...