Chapter 4 | Flashback04
***
CHELSEA's Pov
"Mabuti hindi nagtaka si Tita nung pinasok mo lahat ng 'to dito sa kwarto mo?" Tanong ni Paige habang busy siyang pakainin yung mga lovebirds na regalo ni Dwayne sa akin nung friday.
Umayos ako ng upo mula sa kama saka humarap sa kanya.
"Hindi naman niya nakita," Nakangiting sabi ko.
Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin.
"Eh paano mo naipasok lahat ng 'to kahapon?" Tanong na naman niya. Nginitian ko siya.
Linggo na ngayon at tinext ko siyang pumunta dito ngayon sa bahay. Wala na din siyang sinayang na oras at pumunta na siya kaagad dito.
Tuwang-tuwa siya sa mga ibon na bigay ni Dwayne. Ang cute daw, brown kasi saka white yung mga kulay nila."Tinulungan ako ni Dwayne bes," Sabi ko at kusang napangiti yung mga labi ko nung magflashback ulit sa isip ko yung mga efforts na ginawa niya para lang hindi namin magising sina mama nung inuwi niya ako ng madaling araw.
"Dwayne. Dwayne." She tsked. Umikot bigla ang kanyang mga mata saka ako hinarap na nakahalukipkip ang mga braso.
"What?!" Singhal ko nung nakatitig lang siya sa akin.
Yakap-yakap ko yung stufftoy na bigay ni Dwayne sa akin saka inaamoy amoy pa yung palanta nang bulaklak na binigay niya din saakin nun.
"Anong nakain ng lalaking yon to treat you like that?"
"Like what?" Balik kong tanong sa kanya.
"Like.. a princess," Paige said, napatigil siya saglit. Napangiti na naman ako dahil doon.
"Mukhang nagbago na si Dwayne ngayon, Paige. " sabi ko, tryinhg to convince her. Yon kasi talaga ang napapansin ko sa kanya. Nagbabago na siya.
Inirapan niya naman ako nung marinig na ang sinabi ko. Hindi maialis sa mukha niya yung pagaalala... at pagdududa sa hindi ko malaman na kadahilanan.
"Paige naman," Masyado na siyang nagiisip sa mga bagay bagay na wala naman na siyang kontrol eh. "Pwede magbago yung tao, you know." Sabi ko.
"I know.. but knowing Dwayne? Parang ang labo naman kasi eh. Once a playboy, always a playboy."
Napasimagot nalang ako dahil sa mga sinasabi niya. Grabe na siya kay Dwayne. Alam ko nagaalala lang siya sa akin.. Pero bakit, hindi ba pwedeng magbago yung tao?
"Chelsea naman kasi.. subukan mo naman akong pakinggan," Malungkot na sabi niya. Linapitan ako nung mapansin niyang hindi na ako kumikibo. "Nagaalala lang ako sayo,"
"Alam ko naman yon," sagot ko.
Nagalala siya, sige. Pero yung ayaw niyang bigyan ng pagkakataon na bigyan ng oras para makita niyang nagbago na si Dwayne? Yon ang hindi okay sakin.
"Just try to consider him now," sabi ko. Napabuntong hininga ko nung umismid na naman siya.
"Parang hindi na siya yung dating Dwayne na walang pakialam sa nararamdaman ko. Malayong-malayo na siya sa Dwayne na nakasanay natin nun." Paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
Aktuelle LiteraturTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...