Extra Task In Baguio

1.1K 16 2
                                    

Chapter 7 | Flashback07

***

CHELSEA's Pov

"Ano nakaready na lahat ng kailangan mo?" Paige asked. Nasa kabilang linya siya ngayon, kausap ko ng two o'clock ng madaling araw.

Tumango naman ako. "Oo, kagabi pa." sagot ko habang isa isa parin chinecheck kung tama ba na nandito na nga lahat sa bag ko yung mga kailangan ko para sa dalawang araw na bakasyon namin.

"Jacket?"

"Meron na," sagot ko. Hindi ko yon makakalimutan noh. Taglamig parin kaya dun ngayon, kahit sabihin natin na patapos na ang February.

"Condom?"

"Siraulo ka talaga!" Napasigaw ako. "Ang landi mo!"

Rinig na rinig ko yung malalakas na tawa niya sa kabilang linya. Walangya talaga 'tong babaeng 'to!

"Bastos ng bibig mo talaga!" naiinis na sabi ko.

"Kidding!" She's laughing so hard, sarap siguro 'to batukan kapag nasa harapan ko lang siya.

"Excited na ako! Hindi na nga ako nakatulog eh!" Natawa siya sa sinabi niya. Natawa din ako kasi parehas na parehas talaga kami.

"Hala! Ako din!" Pang-amin ko.

Masyado kaming excited na pumunta ng Baguio. Ang tagal namin plinano 'to. Mabuti nalang talaga pinayagan ako nina Mama na sumama sa kanila. Botong-boto naman kasi sila kay Dwayne eh. Parang siya tuloy yung anak.

Last weekend, pinakilala ko na siya sa mga magulang ko. Ang akala ko magagalit sila pero kabaliktaran ang nangyari, sobrang natuwa pa nga sila kay Dwayne. Si Papa, parang si Dwayne ang anak niya. Hays.

Minsan unfair na din sila sa sarili nilang anak.

"Uy nandiyan na sila!" Excited na sabi ko kay Paige nung marinig ko nang bumusina sina Dwayne sa labas. Rinig na rinig ko yung tili ni Paige.

"Bilisan niyo kumilos ha! 'Wag na muna kayo magharutan ni Dwayne para madaanan niyo na din kami kaagad." sabi niya.

"Oo na. Sige na bruha, sunduin ka na namin agad. See you!" sabi ko habang inaayos na ang mga gamit ko saka tuluyang binaba ang tawag.

Sumulyap muna ako saglit sa salamin na nasa kwarto ko. Napangiti ako habang tinitignan ang itsura ko. Nakasuot ako ng yellow longsleeve turtle neck, maong na skirt saka rubber shoes. Naglagay din ako ng konting make-up sa mukha, yung saktong pampa-fresh lang tignan..

Isinakbit ko na din sa balikat ko yung maliit kong back pack na dala saka binuhat na yung isa ko pang bag. Dami kong dala.

Nagpaalam na ako kina mama at papa bago lumabas ng bahay. Sinalubong agad ako ni Dwayne sa gate nung makita niya ako. Siya na ang nagbitbit ng bag na hawak ko, medyo mabigat yon kasi nandun lahat ng kailangan ko para sa dalawang araw.

Inilagay niya yon sa likod ng black van na gamit namin. Sa kanila 'to. Nung nalaman niya kasing plano namin mag-baguio ni Paige nag-offer agad siya ng masasakyan, na syempre kasama siya.

QUALITY TIME (Bitch 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon