Chapter 12 | His Pov
***
Nakapamulsa ako habang tinitignan si Mommy na nakahiga sa hospital bed.
Kasalanan ko 'to eh!
Nagsisisi ako sa nangyari pero tapos na.. nandito na kami. Kung hindi lang sana ako nakipagtalo sa kanya kanina siguro hindi kami aabot sa ganito.
Tangina!
Napahilamos ako sakin mukha sa sobrang takot kasi hanggang ngayon hindi parin nagigising si Mommy.
Napabalikwas ako sa paglalakad sa loob ng kwarto ni Mommy nang may biglang kumatok sa pinto.
Pinagbuksan ko yung doctor na tumingin kay Mommy kanina.
"Who's my Mom, doc?" Tanong ko agad, kinakabahan ako.
Gusto ko na malaman kung ano ang nangyari kay Mommy, kung bakit siya biglang nawalan ng malay kanina.
Sandali niyang linibot ang kanyang tingin sa buong kwarto na para bang may hinahanap pang ibang tao na nandito bukod samin ni manang.
"Where's the husband?" Kapagkuwan tanong niya sakin. "Your... father?"
I sighed. Hindi niya ba makitang wala dito? Bakit ba kung sino pa ang wala, sila pa ang hinahanap?
"He's not here po, doc." I replied. Ako lang nandito saka si manang na kanina pa hindi mapakali sa tabi ni Mommy. "Anak niya po ako," Sabi ko ulit, nagbabakasaling sabihin na niya sa akin kung ano ang nangyari kay Mommy.
"This is serious situations, Dwayne." He began. "Can I talk to your Dad instead?" Tanong na naman niya.
Napakunot na ang noo ko. "Ako nga lang po nandito, doc. Ano po bang nangyari kay Mommy? Makikinig po ako. Sakin niyo nalang po sabihin." Sabi ko, pinipigilan na hindi maging bastos sa harapan nila.
Huminga ng malalin yung doctor na nasa harapan ko.
"Maselan ang pagbubuntis ng Mommy mo. Kailangan niya mag- bed rest kasi kung ipagpapatuloy niya lang 'tong ginagawa niya, malalaglag yung bata sa sinapupunan niya. That's the reason why I need to talk to your Dad because he's responsible about this," He explained.
Ako, napanganga sa sobrang gulat. Parang nalaglag yung panga ko sa sobrang gulat dahil sa mga narinig ko.
Pregnant? How?
Matagal na silang hiwalay ni Daddy, kaya paano nangyari yon?
"She's too much stressed.. I suggest you to avoid her from any stress. Hindi yon makakabuti sa kanya," Sabi pa ng doctor.
I just nodded. Yon lang ang alam kong isagot matapos ng lahat ng sinabi niya.
Hindi parin ako makapaniwala. Nakatulala parin ako nang tapikin ni Doc ang balikat ako saka nagpaalam ng umalis.
Naiwan parin akong nakatulala. Hindi alam kung anong ire-react sa nangyari. Hindi ko mapapatawag ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanila ni Mommy.
Tanginang buhay 'to!
Hindi ko na maintindihan kung sino ang uunahin ko. Trace needs me... and Mommy need me too. Sino sa kanila ang uunahin ko?
Linapitan ako ni Manang na nasa kabilang gilid ng kama ni Mommy saka yinakap ng mahigpit.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko manang.." Bulong ko sa kanya. Sobrang nahihirapan na ako sa mga nangyayari.
Graduation na namin bukas pero parang malabo nang maka-attend pa ako. Hindi ko naman pwedeng iwan nalang si Mommy dito.
Hinagud-hagod lang ni manang yung likuran ko. Nakatulong sakin yon, parang naramdaman kong hindi ako nag-iisa.
![](https://img.wattpad.com/cover/87643673-288-k272816.jpg)
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
Narrativa generaleTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...