Chapter 11 | Flashback11
***
PAIGE's POV
Napapaisip ako kung anong unang gagawin ko kay Chelsea. Ngayon din kasi ang kuhanan ng mga credentials sa school kaya pumunta ako ngayon dito.
Sana naman magpakita na din sakin si Chelsea ngayon. Hay! Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na yung dating Chelsea sa laging sumasalubong sakin at lagi kong sinesermonan.
Sabi ko tutulungan ko siya para maka-move on mula kay Dwayne, pero hindi ko naman siya nakakausap nang matagal. Nagmumukmok kasi siya palagi sa loob ng kwarto niya. Hindi ko na alam kung paano ko pa ibabalik yung dati kong bestfriend.
To: Chelsea
Kukunin mo na din ba ang mga credentials mo ngayon?Ibinalik ko na sa bag ko yung phone ko siyang i-text. Alam ko naman na hindi siya mag-re-reply eh. Pero atleast alam niyang kailangan niya din bumangon dun para gawin ang mga dapat niyang gawin.
Hindi titigil ang mundo dahil lang nasaktan ka. Dapat go parin. Iyon ang lagi kong tinetext sa kanya simula nang makalabas siya ng hospital. Ako at si Tita nga lang kinakausap nun eh. Si Tito hindi masyado.
Napabuntong hininga nalang ako. Naisip ko na naman si Dwayne. Nakakainis siya! Kung hindi niya 'to ginawa edi sana happy happy pa?
Malandi ako pero hinding-hindi ako magpapaloko sa mga kagaya ng mga Rivera na yan.
Ang boring tuloy. Madami naman tao pero mga hindi ko kaclose. Saka mahaba ang pila sa registrar. Nakakabagot maghintay.
What if..
Puntahan ko nalang kaya si Chelsea sa kanila?
Napaisip pa ako saglit kahit na wala naman akong isip. Tama, pupuntahan ko nalang siya sa kanila. Hayaan ko nalang muna mga card na yan, sabay nalang kami ni Chelsea kumuha ng mga importanteng yon.
Papalabas na ako ng gate nang makita kong paparating yun kotse ni tita Grace, mama ni Chelsea. Napatigil ako at hinintay ko siyang makarating sa harapan ko.
Bakit kaya siya napapunta dito? Hala! Baka may nangyari na naman kay Chelsea, 'wag naman sana!
Nang huminto siya sa harapan ko. Nakita ko agad na may kasama siya na isang tao sa likod ng driver seat. Lumapit ako kay Tita tapos bumukas naman yon bintana niya sa gilid.
"T-Tita bakit po kayo nandito? May nangyari na naman po ba kay Chel—"
Naputol ang pagtatanong ko nang makita kong pababa si Chelsea mula sa likuran. Nagulat ako, totoo ba 'to?
Tinitigan ko siya mula ulo, pababa sa kanyang mga talampakan. Totoo nga siya! Pinakaba pa ako!
"Anong klaseng tingin yan?" Biglang nagsalita si Chelsea.
Napangiti ako, actually napasigaw pala.
"Waaaaah! Ikaw nga." Sabi ko tapos pinaghahawak-hawakan ko siya sa lahat ng parte ng katawan niya para mapatunayan na totoo nga na siya ang nasa harap ko.
Yinakap ko siya ng mahigpit.. sobrang higpit yon na dahilan para mapa-ubo siya sa sobrang higpit.
"Tumigil ka nga! Para ka naman baliw niyan eh," Pagsasaway niya sakin.
Natawa ako. Medyo pumayat siya pero nagkunwari nalang akong hindi napansin yon.
"Gosh, I miss you!" Sabi ko saka yinakap ulit siya. "Payakap pa huh," bulong ko sa kanya.
"Ayoko nga," sabi naman niya pero wala na siyang magagawa kasi yakap-yakap ko na siya.
Kapansin-pansin talaga ang ipinayat niya ngayon kasi ang dali nalang niya ipitin sa mga braso ko kumpara noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/87643673-288-k272816.jpg)
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
Genel KurguTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...