Chapter 1 | Flashback01
***
CHELSEA's Pov
Normal bang yung ganito? Na parang biglang gusto ko na din itong gawin?
No Chelsea! Don't you dare think about that!
I'm already in senior high pero kahit ni isa wala pa akong nagagawa o nararanasan kagaya ng ibang kabataan ngayon.
Wala pang first kiss.
Wala pang first hug.
And definitely, wala pang first sex.
Akala ko nga tatanda na akong kahit ni isa wala man lang akong mararanasan sa mga tatlong iyon eh. Akala ko tatanda na akong virgin kasi wala pa naman naglalakas loob na magyaya sa akin ng mga ganon.. pero nagkamali pala ako.
Isang araw habang nasa room na kami ni Paige, my bestfriend. Sinabi ko sa kanya ang malalim kong iniisip na problema—kung problema nga ba itong maituturing.
"Wait. What?! Potangina! " Halos mabingi ako sa lakas nang boses niya. Naagaw tuloy agad niya yung atensyon ng mga classmate namin.
"Ano ba Paige! Pwede hinaan mo naman yan boses mo. Nakakahiya oh!" Suway ko, nagsorry din siya agad.
Pero lalo lang akong nabahala nung napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga classmates namin. Halos ayaw na tuloy nilang ibaling sa iba yung mga atensyon nila dahil sa lakas nang boses ni Paige.
Ang lakas kasi talaga nung boses niya. Kung makasigaw parang kami lang ang tao dito sa loob ng room samantalang napaka-dami kaya namin. Hindi pa naman din nagsisimula ang una naming subject kaya kumpleto pa kami.
Malungkot akong napayuko.
"Yon agad ang hinihinga niya sayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Oo," Malungkot na sabi ko ulit.
Pinag-uusapan namin ngayon yun kasulukuyan kung boyfriend ngayon. May malalim kaming problema, malalim na napakalaki nang dating para sa akin. Kasi gusto niyang kunin yun pinaka-iingatan ko.. yun pinaka-iingatan ng lahat ng mga babae.
My virginity..
Hindi ako pumayag kaya nagaway lang kami.Hindi pa ako handa para ibigay yon. Mahal ko siya, oo, at alam kong mahal niya rin ako dahil yon ang sabi niya sa akin.
Mahal namin ang isa't-isa pero tama ba na pilitin yung babaeng ibigay yung kaisa-isang meron siya?
Sobrang laking favor sa akin yung hinihingi nya. Ayoko sanang sabihin 'to kay Paige dahil alam kung magagalit siya pero wala na din kasi akong mapagsabihan.
"Sabi ko na sayo diba, kilalang playboy yan boyfriend mo dito sa school naten! Di ko nga alam kung bakit mo siya nagustuhan eh." Napabuntong hininga siya. "Bes mag-isip ka naman kasi muna minsan." Pagpapatuloy niya. Napabuntong hininga na naman siya.
Napahilamos nalang din ako sa akin mukha. Hindi ko na din alam ang gagawin ko.
"Akala ko kasi—"
"Kasi ano?! Mapagbabago mo siya?!" Singit niya.
Tumango lang ako kasi galit na galit na din siya. Sino ba naman kasing hindi magagalit 'di ba?
"Naku Chelsea, hindi na yan magyayari. Okay?! Pwede ba gumising kana sa katotohanan."
"Pero Paige sabi niya.. m-mahal niya ako."
"Letcheng pagmamahal yan!" Singhal niya. "Tignan mo nga, ganyan ba ang sinasabi mong pagmamahal? Huwag ka naman magpakatanga sa lalaking yun bes, maraming mas deserving na lalaking para sayo hindi yung ganyan."
BINABASA MO ANG
QUALITY TIME (Bitch 1)
General FictionTahimik ang mundo ni Chelsea bago pumasok sa buhay niya sina Dwayne at Ace. Dwayne is her first love. Akala niya sila na hanggang huli... pero akala niya lang pala yon, kasi iniwan din siya ni Dwayne ng walang matinong paalam. Chelsea moved on. Y...