“I’m baaaaaaack!” magiliw kong sigaw pagkatuntong ko dito sa airport. Nakuha ko ang atensyon ng halos buong paliparan. Nakatindig ako ng tuwid sa harapan ng escalator. Lahat ng mga mata ay mariing nakatingin sa akin.
“Ma’am, nasa labas na po yung kotse na pinadala ng daddy niyo” bulong sa akin ng kakarating lang na body guard.
“Susunod na ako. At maari bang wag ma’am ang itawag mo sa akin. Tunog losyang kasi sa pandinig ko po eh” pabalik na bulong ko sa body guard. Nakita ko ang lihim na pagngiti nito.
Pagkarating ko sa aming bahay ay mahigpit akong niyakap ni daddy. Hindi na ako halos makahinga sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.
“Daddy, mapipisa mo ako nyan eh”
“Pasensya na namiss lang naman kita eh”
“Hindi naman masyadong halata sa pagkakayakap mo pa lang eh”
“Hahaha. Pasensya naman. Sige magpahinga ka muna doon sa taas. Sigurado akong pagod ka mula sa byahe” sinunod ko naman siya. Agad akong nakatulog buhat ng pagod sa mahabang byahe.
- - - - - -
Nakaharap ako ngayon sa laptop ko na nanlalaki ang aking mata. Tinititigan ang litrato ng isang babaeng galanteng nakatayo sa harapan ng escalator at matamis na nakangiti habang nakalahad ang kanyang kili-kili buhat ng mataas na pagkakawagayway ng kanyang kamay. Sinasabi sa artikulo ng balitang ito mula sa internet ang muling pagbabalik sa Pilipinas ng anak ng isang tanyag na negosyante. Siya si Angel Haven Buenavista. Kung anong ganda ng pangalan, yun namang kairita-irita ng prisensya nya.
Medyo matagal na panahon na rin kong pinaghandaan ang muli nyang pagbabalik. Malaki ba syang parte ng buhay ko? Sa totoo lang hindi. Isang peste lang sya na ang hilig gawin ay iritahin ako. Pinipilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi naman ganoon ka big deal ang pagbabalik nya. Babalik lang sa dati ang lahat. Iiritahin nya ako, babarahin ko. Magpapapansin siya, babaliwalain ko. Babalik lang sa dati. Yung paulit-ulit kong routine bago SIYA dumating at siguro ganun pa rin ngayon matapos NIYA akong iwan.