Chapter 8

190 3 0
                                    

(Angel’s POV)

One week na akong di pinapansin ni Nathan. Hindi pa rin siya makaget over sa ginawa ko sa kanya. Sus naenjoy nya naman yun. Padeny deny pang nalalaman. Lumabas muna ako sa apartment nya para maglakad lakad. Nandito ako parang jogging place dito. Walang mga bahay at daan lang talaga meron. Madamo din yung paligid. Perfect place to para mag wander. Nakakarefresh ang ambiance ng place.

Nasa bandang dulo na ako ng jogging place at pabalik na dun sa entrance. Naiihi na ako pero hindi ko alam yung gagawin kasi 2 km mula sa entrance yung pwesto ko. Pinagpatuloy ko ang paglalakad. 1 km na ang lakad ko. Another 1 km na lang makakaihi na ako. Konting kembot na lang! pero tinraydor ako ng sarili kong pantog. Feeling ko sasabok na sya. Dahil sa tawag ng pangangailangan wala na akong magawa. Tumingin ako sa paligid. Nilinga linga ko ang area kung safe ba. Walang tao. Pumunta ako sa may damuhan banta para maisakatuparan ang lahat.

Nasa kalagitnaan ako ng pag ihi ko. Ramdam na ramdam ko yung refreshing feeling habang nilalabas ang kanina ko pa pinipigilan. Nagulat ako ng may biglang gumalaw sa may right side ko. Sa sobrang pagkagulat ko naitaas ko ang pants ko. Naputol tuloy ang pagihi ko. Tumayo na ako para tignan kung ano yung gumagalaw sa right side ko. Automatic ang paglaki ng mata ko ng makita ko ang isang lalaking may hawak na carema at may malapad na ngiti sa mukha.

“Gotcha!” sabi nito habang winawagayway ang camera nito.

“Hoy! Ano bang problema mo ha!” singhal ko sa kanya

“Oh. You’re high tempered dear. Can you just relax”

“Relax?! FYI, binobosohan mo ako noh! Yung mga taong tulad nyo dapat nawawala na sa mundo. Ang sakit nyo sa ureter!”

“So harsh ah. Be honored that you became my entertainment dear”

“Entertainment pinagsasabi mo?! Ano ako strip dancer? Dun ka sa club tumambay! Saka ano ka President ng United State of America para aliwin ko? Duh! Kahit dulo ng daliri ni Barack Obama di makakadampi sa balat ko noh! Sino ka bang lapastangan ka?!” pagmomonologue ko sa harap nung lalaki. Gwapo pa naman manyak nga lang.

Bakas sa mukha nung lalaki ang pagkagulat ngunit mabilis din nitong pinalitan ng ngiti. “You don’t know me?” pagtatanong nito sa akin. Halatang amazed sya na di ko sya kilala.

“Tatanungin ba kita kung kilala kita?! Saka sino ka ba para makilala ko. Assuming ka masyado ah” nakakainis si Kuya masyadon assuming. Makaalis na nga dito. Nasasayang ang mahalaga kong oras. Naglakad na ako palayo kay Kuya. May 1 km pa akong lalakarin noh.

“San ka pupunta?” sigaw nya sakin nung makarecover na sya at naisip na papaalis na ako.

“Sa lugar malayo sayo! Nasasayang ang gintong oras ko sa isang manyak na tulad mo!”

Pagkapasok na pagkapasok ko sa apartment ni Nathan nakita ko syang nakaupo sa sofa at naglalaptop.

“I’M HOME!”

“HOY! ANG INGAY MO NANONOOD YUNG TAO OH! BASTUSAN LANG!”

“SUNGIT!” hindi na ulit nagsalita si Nathan. Patuloy lang sya sa panunuod sa laptop nya. Umakyat na lang ako ng kwarto at nagbihis. Haaay. Nakakapagod itong araw na ito. Ilang kilometro din kaya nilakad ko. Pero ok na din at least exercise. Sesexy ako nito lalo eh. Hahaha. Matutulog na nga muna ako.

Biglang nagvibrate yung phone ko. Ayun na eh! Nakatirik na yung mata ko oh. Epal naman to.

|Done eating. Gm|

IMBYERNA! Sana naman kung mag ggm sya yung worth it sa pag gising ko. Hindi yung papaalam nya lang na tapos na sya kumain. Nakakainis naman tong si Sandra. Nilagay ko na sa side table yung phone ko at nahiga ulit. Sa sobrang lakas ng vibration ng cp ko, kahit sa kama dama ko yung magyanig ah. Tinignan ko yung text. Last mo to Sandra! Last na to! Sasabunutan na kita bukas! Pagtingin ko sa cp ko unknown number.

A Gay's Love Story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon