“Idelete mo!”
“Ayoko”
“Idelete mo na nga sabi eh!”
“Ayoko nga db”
“Magwawala ako dito!”
“Magwala ka”
“Idelete mo na. PLEASE”
“Idedelete ko na”
“Talaga” nagliwanag ang mukha. Todo smile pa ako
“Sa isang kundisyon”
“Oo na. Ano bay un? Arte arte naman”
“Date me”
“Nababaliw ka na ba?! Ayoko nga!”
“Madali naman akong kausap eh. No date, No picture deletion”
“Luh. Oo na nga. Pisti naman. Uwi na nga ako. Naimbyerna na ako”
“Hatid na kita”
“Kasama sa deal? Kasama sa deal? Tigilan mo ako ah. Uuwi ako mag-isa” naglakad na ako ng mabilis palayo sa kanya. Buti naman at hindi ako sinundan nun. Nasestress ang beauty ko. Bwiset talaga yung lalaking yun. Ipang blackmail ba naman sakin ng picture ko habang umiihi. Hoy hindi scandal yung picture ah. Nakaside view lang ako doon tas nakaupo. Wala naman nakikitang malaswa dun pero HELLO naman db. Ano bang ginagawa ng babae sa damuhan at nakaupo pa na parang tumatae. Nagjajackstone? Hindi naman diba. Pagpasok ko sa apartment ni Nathan ay puno ng usok.
“NATHAN?! ANJAN KA BA?” may narinig akong umuubo sa loob. Siguradong si Nathan yun dahil dalawa lang kami sa bahay.
“WAG KANG MAG-ALALA. ILILIGTAS KITA!” wala akong makitang tubig sa palagid. Pumunta muna ako sa tindahan ni Ate Bebang at bumili ng Wilkins na 1 liter. Dali dali akong bumalik sa apartment at pumasok. Winisikwisikan ko ang paligid. Isang litro lang yung tubig kaya kailangang tipirin. Nang maubos na yung tubig, unti-unti na ring naglalaho yung usok. Nakita ko si Nathan nakaplakda sa may sofa. May hawak hawak syang parang brass balance pero isa lang. may laman yun na bato bato na ewan at dun galling yung usok.
“Okay ka l-“
“Wag kang lumapit sa akin! Kampon ka ng kadiliman! Kinulam mo ako!”
“ANO?! Ang ganda ko naman ata masyado para maging witch noh. Pwede pa si Danica na todo pacute sayo”
“Umamin ka na! Pinabarang mo ba ako?” inaalog alog nya na ako
“Anong pinagsasabi mo?”
“It’s useless” bigla ka na lang umupo sa sofa na parang nawalan ng lakas.
“Okay ka lang ba?”
“Hindi” sabay labas sa apartment. Iniwan ako? Ayos yun ah. May maid sya?! Pano tong mga tawas tawas dito sa bahay.
“Arrrrrrrgh. Bakit ba sa bading pa ako nagkagusto. Ang arte! Shemay” sigaw ko. Malapit na ata ako mabaliw at kinakausap ko na ang sarili ko. Inayos ko na lang yung kinalat nya dito.
*kring* *kring*
“Hello?” hindi ko na tinignan kung sino yung tumawag. Mag eefort pa ako.
“Hi Sweetie” napatingin ako sa tumatawag. Si Keith pala. Oo. Nakasave na yung number nya sa phone ko. Sya yung tangang nagtext sa akin. Nakakainis lang.
“Sweetie your face. Anong problema mo?”
“I’ll pick you up at 7”
“Hoy! Anong pinagsasabi mo dyan. Ano ka boss? Sinuswe-“
“The date. Remember?”
“Tss. Oo na.” binaba ko yung tawag. Baka mamaya magwala nanaman ako at di ko pa matapos tong paglilinis ko. Pagtingin ko sa ilalim ng sofa meron pang mga dahon ng bayabas.
“Debs san punta?” bati sa akin ni Nathan pagpasok nya. Nakita nya kasi akong nagsusuot ng sapatos.
“Dyan lang”
“Saang dyan?”
“Dami mong tanong”
“Pakialam mo ba. Ginusto ko to eh”
“Tsss. Makikipagkita lang dun sa gunggong na Keith” tumungo na ako sa pinto ngunit bago pa ako makalabas ng tuluyan nagsalita ulit si Nathan.
“Bakit?”
“Date”
Paglabas ko ng apartment ni Nathan ay saktong nandoon na sya sa labas. Nakalean sya doon sa kotse nya. Aba sosyalin ah. May pakotse kotse na. Oo nga pala Teen Superstar DAW ito. Aba malay ko. Hindi naman ako madalas manood ng TV saka ang gulo kaya ng Showbiz puro chimis. Tahimik lang kaming dalawa sa kotse. Ayoko may aksaya ng laway sa isang hampaslupa. Hahaha. Ilang sandal ay hininto na nya yung kotse sa tapat ng isang bar.
“Champion Bar?! Sa bar tayo magdedate? Seriously?”
“Wag ka mag-alala may VIP room naman dyan”
“Pumasok na nga tayo ng matapos na tong kalokohan na ito”
Sa isang VIP room nga kami pumasok. Halatang sikat nga itong Keith na to. Halos hindi na kami makagalaw sa kinatatayuan namin pagpasok namin sa bar dahil kinukumog na sya ng mga fans nya. Naginuman lang kami at nagkakwentuhan. Masaya din naman pala itong kausap. Actually, I feel comfortable with him. Down to Earth din kahit na sabihing sikat sya. Hindi nya pinagyayabang yun.
“I like you. Iwan mo na yung bading na binubuntutan mo”
“At bakit naman?”
“Cause I’m here for you” sabay wink sa akin
“Loyal ako kay Nathan noh”
“Staying with someone who doesn’t appreciate you is not loyalty. It’s stupidity”
“Tanga na kung tanga pero dito ako masaya. Anong magagawa ko? Wala naman diba ito kasi yung nagbibigay sa akin ng kaligayahan. Siguro hihintayin ko na lang yung araw na itong ginagawa ko hindi na saya yung binibigay kundi sakit. Siguro yun na yung time para bumitiw ako dahil di ko na kaya. Pero ngayon, masaya pa ako eh kaya go lang. Malay mo balang araw matutunan nya din akong mahalin”
“Tanga ka talaga. Basta kapag masakit na nandito lang ako ah” sabay gulo sa buhok ko. Tinignan ko yung orasan at nakita kong late na. Tumayo na ako.
“Alis na ako. Baka hinahanap na ako ni Nathan. Saka yang nararamdaman mo, crush lang yan. Lilipas din yan”
“Let’s see”