Chapter 3

320 7 0
                                    

One week na ang nakalipas nung dito nag stay si Angel sa apartment ko. Sunday night na ngayon and I’m preparing to sleep na. Naglalagay na ako ng face mask, malamang sa mukha diba. At ayun, mapayapa naman ang aking pagtulog hanggang sa may ng imbyerna na pinagtitripan ata yung doorbell ko! Leche naman sarap na tulog ko eh.

 Tinignan ko yung orasan sa side table ko. What the heck! 2:10 pa lang ng umaga. Bumangon na ako dahil mukhang yung nag dodoorbell eh ngayon lang yun nadiskubre. Kung makadoorbell wala ng bukas ah. Di na ako nag abalang alisin sa pagmumukha ko yung face mask at dumiretso na ako sa pinto ng mabigwasan yung nagdodoorbell sa labas. Joke lang. Hahaha. Binuksan ko na yung pintuan. At ang tumambad sa akin ay yung demonyitang pagmumukha ni Angel. Sinabi ko bang joke lang na bibigwasan ko yung nagdodoorbell? Pwede bang bawiin?!

“What the hell!  Anong problema mo Angel ha?! Madaling araw nambubulabog ka.And FYI, hindi keyboard yang doorbell ko. Leche naman oh.”

“Nathan.. Ano.. Pwede bang makitulog dito? Ano kasi.. Ano.. Lumayas ako sa amin” Wow! May pahiya hiya effects pa yung pagpapaalam eh pagtulog lang naman sa bahay ko yung pinapaalam nya. Ano?! Pagtulog?!

“NO WAY! At bakit naman kita patutuluyin ha? Lalayas ka tas mang aagrabyado ka ng iba. Ano ka chix? FYI. Hindi noh. So get lost!”

“Pero wala akong matutuluyan” At may acting pa ito na maiyak iyak ah

“Just for old times’ sake” Dagdag pa nya. Aba nangosenya pa ah.

“Pumasok ka nga muna! Sabihin pa ng mga kapitbahay nag iiskandalo tayo dito. Lechugas ka talaga” Aba at si ateng eh dire-diretso sa sala ko. Nagtimpla pa ng kape. Buti at dalawa yung tinimpla nya. Aba baka hambalusin ko sya noh. Magtitimpla na lang, iinggitin pa ako. Binigay nya na sakin yung kape ko at umupo na sya sa sofa sa tapat ko.

“Umuwi ka na sa inyo. Baka bukas makita ko yang dugyot na pagmumukha mong nagkalat dyan sa mga poste na nakasulat na missing ah. Knowing Tito Gerald I’m sure nagpapasearch and rescue na yon ngayon.”

“Hindi yon!” Sabay ngiting nanalo sa lotto. Biglang iba ng expression? Masaya si ateng? Bipolar lang?

“Wow lang teh ah. Ano gusto mong gawin ng magulang mo? Paparty sila kasi nawawala yung only daughter nila? For pete’s sake Angel gamitin mo naman yang utak mong slightly used!” Sabi ko sabay inom ng kape na tinimpla nya. Infairness masarap ah.

“Don’t worry Nathan. Nagpaalam naman ako kay Daddy na maglalayas ako and I even told Tita Marie na I’m going to stay here.” Sabay ngiting pang colgate lang. Ako naman nabuga ko yung kapeng iniinom ko.

“WHAT? ARE YOU INSANE?! Haaaay. I’ll call Mama about this. Maybe your just making stories. Si mama papayag? No way!”

*Dialling Mama*

“Hel-“

“Ma, what the hell is this?”

“Calm down son, so nakarating na pala dyan si Angel. Take care of her ha. Malalagot ka kay Tito Gerald mo. Knowing him. Too protective father.”

“Ma, I can’t believe yo-“

“Oww come on Nathan. Parang di kayo magkakabata ah. May tiwala ako sayo. Alagaan mo yan ah.”

“Ma, I just can’t cause-“

“Nathan I’m sleepy na. Talk to you later. Bye!”

Ang saya diba. So ganyanan? Pagkaisahan ba naman ako. Badtrip yun ah. After 5 minutes nung binaba ni Mama yung call biglang may tumawag sa akin. At guess who. The overacting father of this Devil Girl. Syempre sinagot ko. Bastusan lang?

“Hel-“

“Take care of my daughter or I’ll kill you”

Then he hung up. So di na mahalaga side ko dito? Do I have a choice? Syempre WALA! Tinignan ko ang demonyita at aba todo ngisi pa. Kinuha nya yung trolley nya at umakyat papunta sa kwarto ko.

“Hoy! Kwarto ko yan!”

“As if there’s other room.” At nagtuloy tuloy na sya sa pagpasok sa kwarto ko. Isa lang kasi kwarto ko dito. Syempre ako lang naman nakatira diba. Nakakastress naman tong buhay na to. Masasayang beauty ko dito eh.

(Angel’s POV)

Monday today! Ang cute noh. Para kaming nagsasama diba. How sweet! Oh sya, oo na, Ilusyunada much na ako. Nandito kami ngayon ni Nathan sa klase. Magkatabi kami syempre. Papayag ba akong magkahiwalay kami. Of course not! At ang baklita ang sarap ng tulog sa klase. Ako naman patagong nagzozombie tsunami dito. Hehehe.

Halos kakadiscover ko lang nung game na to kaya ayun tig adik. 30 na yung zombies ko. Kailangan na nilang tumalon kaso nalate ako ng pindot. Sa sobrang panic ko napatili ako sa classroom. Napatigil si Ma’am sa pagsasalita. Yung mga kaklase ko naman nakatingin sakin lahat. Kasama si Nathan na nakatingin sa akin na sinasabing ano nanaman bang katangahan tong ginawa ko. Yeah kasama sya sa mga kaklase kong nakatingin sa akin. Nagising kasi sya dahil dun sa pagtili ko.

“What’s the matter Ms. Buenavista?” di pa nagreregister sa utak ko ang mga pangyayari. Una sa lahat nakatingin silang lahat sa akin. Pangalawa may tanong si ma’am at ang pang huli NAUBOS YUNG ZOMBIES KO! T.T

“Ma’am hindi ko po alam” Malungkot na sabi ko. Yung mga zombies lang ang nasa isip ko ngayon.

“Are you alright?” Tanong ni Ma’am. Atribida naman toh. Nakitang nagluluksa yung tao eh.

“Hindi ko po alam”

“Do you find the lesson hard?”

“Hindi ko po alam”

“NAPOLES IS THAT YOU?!” Sigaw nung isa kong kaklase sa may bandang likod. Nagtawanan lahat ng kaklase ko pati si Ma’am. Pati ba naman si Nathan tinatawanan ako? T.T Pinagkakaisahan nila ako. Ang sama nila!

“Pati ba naman ikaw Nathan tinatawanan ako. Di mo man lang ako ipagtanggol”

“Hahaha. Ang shunga lang kasi ng mga sagot mo eh. Laughtrip much! I invoke my rights lang ang peg natin teh? Haay minsan ang talino mong tanga”

“Che! Naubos kasi yung mga zombies ko eh” Sabay simangot. Nagpatuloy na ulit yung klase namin. Ako ito yamot the whole class.

“Hoy devil girl! Halika na. tapos na yung klase natin.” Sigaw nung baklita sa akin.

“Hoy anong devil girl ka dyan? I’m not a devil and I’M NOT A GIRL ANYMORE! “

“Not girl anymore ka pa dyang nalalaman eh kung makaasta parang kinder garten. Damulag ka nga eh!”

“Che! Pasalamat ka crush kita!”

“Yuck! Onting pasintabi naman dyan. Kinikilabutan ako dyan sa tabas ng dila mo.”

“Asus. Kilig ka naman eh”

“Earth to Angel! Layo ng pangarap mo ah. Lagpas earth na. Gumora na nga tayo. Naantok pa ako. Leche ka kasi! Di ako nakatulog kagabi”

A Gay's Love Story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon