(Angel's POV)
“Anong gagawin natin ngayon?” problemadong tanong ko kay Keith. ‘review’ kasi namin ngayon at ang goal niya ay makapasa na susunod na exam na next week na. Kaya ito nandito ako ngayon sa library ng bahay nila. Akala ko nga National Library yung napasukan ko eh.
“Malay ko.”
“MALAY MO?! Samantalang kanina halos ngumawa ka na dahil ayaw mong madisappoint ang nanay mo. Pati tuloy ako madadamay sa kaengotan mo sa buhay. Aral-aral din!”
“Hoy! Hindi ako ngumawa at hindi rin ako en---“
“Wala nang matutulong yang pag-eexplain mo. Kung di kasi puro bagsak yung mga dati mong exam edi sana hindi ka nadedehado ng ganito.” nakita kong napabuntong hininga ito. Yumuko pa ito.
“Tulungan mo ako. Please kung hindi—“ iniangat nito ang ulo niya sabay ngiti nang nakakaloko. Napataas naman ang isa kong kilay .
“Babagsak ka.” pagtapos ko sa pabiting sinabi niya.
“Hindi. May ipagkakalat lang naman ako.” mas lalong lumaki ang ngiti na halos aabot na sa tenga niya ang dulo ng mga labi niya. Pinasok niya yung kamay niya sa loob ng polo shirt niya. Pag labas ng kamay niya ay may hawak na itong usb na nakakwintas sa kanya. Naningkit ang mga mata ko.
“Are you trying to blackmail me?”
“Hmmm. Pag-iisipan ko pa.” nilagay pa nito ang index finger sa baba niya sabay tingin sa taas.
“Aray!!” binatukan ko nga.
“Pag-iisipan eh ginagawa mo na eh!”
“Alam mo naman pala eh. So it leaves you no choice.”
“Oo na!” pumayag na lang ako hindi dahil sa blackmail kahit medyo part nun oo. Pero kasi nakita ko kung gaano kahalaga sa kanya na hindi madisappoint yung mama niya eh. Wala lang. Hindi ko maimagine na may ganito pala siyang side.
“5 PM ka pupunta dito para after class. Bukas na tayo magsimula.”
“Bukas pa? Eh bakit mo pa ako pinapunta dito kumag ka? Sayang pamasahe!” halos lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Arrrggggggh.
“I want to see you.” yung dugo sa ulo ko pakiramdam ko pumunta lahat sa pingi ko. Pakiramdam ko ang pula pula na ng mukha ko. Hindi ko kasi maiwasan. Ngayon lang kasi may nagsabing lalaki sa akin na gusto niya ako makita. Pwede na rin dagdag factor na may itsura naman siya. Tabo nga may itsura diba. Kidding aside, may itsura nga! Hindi naman yan magiging teen superstar kung si Budoy kamukha niya. Ano yun trending sa showbiz ang autistic shows?
“ Aalis na ako.” tumalikod na lang ako sa kanya nang hindi niya makita ang mukha ko. Tumayo na ako sa upuan pero bigla niya akong hinawakan sa braso. Napalingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko. Nakangiti naman ang loko.
“Ano nanaman ba?!”
“Labas tayo.”
“Lalabas na talaga ako.”
“I mean, punta tayong mall para sulit punta mo. Libre ko.”
“Libre ba kamo? Game!”
“Tumigil ka nga!” sigaw ni Keith dahil tawa ako ng tawa.
“Sorr—HAHAHA. Di ko kasi ma—HAHAHAHA!” napahawak na ako sa tyan ko kakatawa. Feeling ko hindi na ako makahinga kakatawa. Pano ba naman naka jacket siya na nakahood pa sa ulo niya tapos may shades pa. Yung malaki. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun yung attire niya kasi baka pagkaguluhan siya ng mga tao sa loob ng mall.
“Okay naman ah.” umikot pa to sa harapan ko.
“Oo. Kamukha mo si Kokey. HAHAHA!”
“Halika na nga!” bigla na lang ako nito hinila palabas ng bahay nila.