Chapter 17

206 6 4
                                    

Break

Nakatingin lang ako sa mga ulap habang hinihintay ang pagbaba ng eroplano. Yung katabi ko namang si Keith ay kwento ng kwento pero wala akong maintindihan. Sabay kasi lumilipad yung eroplano at utak ko. Iniisip ko ang nasayang na opportunity ko para makaninja moves kay Nathan. Baka mamaya nilalandi na siya doon ni Danica ah. Pag malaman laman ko lang na nilalandi niya doon si Nathan hindi ako magdadalawang isip bumalik ng Manila para i-lotion sa kanya ang Katinko ng mabawasan ang kakatihan niya. Hindi ko tuloy mapigilan na makasimangot. Ako lang ata ang magboboracay na busangot ang mukha.

“Boracay po pupuntahan natin. Hindi Manila North Cementery.” tumingin ako kay Keith.

“Alam ko. Hindi ako tanga.”

“Alam siguro ng isip mo pero hindi ng mukha mo.” tinaasan ko siya ng kilay.

“Alam mo ang mukha hindi yan reflection ng pupuntahan natin. Reflection yan ng nasa isipan natin. Kaya kahit gaano man kasaya sa Boracay, eh sa hindi nakakatuwa yung iniisip ko eh. Paki mo ba.”

“Sungit natin ah. Meron ka ba?”

“It’s not your business.”

“So, meron nga?” inirapan ko na lang siya at ibinalik ang tingin ko sa bintana. Hinawakan niya yung balikat ko saka ako hinarap sa kanya.

“Meron nga?” ano bang pakialam nito kung meron ako o wala. Big deal na big deal masyado ah. OA na.

“Wala!” binalik ko na lang yung tingin ko sa mga ulap sa labas. Hindi naman na siya ulit nagsalita. Nakaramdam na siguro na wala ako sa mood makipagkulitan sa kanya.

Pagbaba namin sa airport ay may van na sumundo sa amin. Doon ko lang sa van naramdaman yung antok. Hindi pa naman ako nakatulog kagabi kasi naki-overnight si Sandra sa bahay. Ayun nag videoke na lang kami buong gabi. Natigil lang kami nung nagsimula ng magbato ng mga bato yung mga kapitbahay. Kaya nagdecide na lang kami magmoviemarathon. Sumandal na lang ako sa may bintana ng van para makaidlip kaso tumatalbog naman yung ulo ko kaya inangat ko na lang yung ulo ko. Nagulat na lang ako ng hawakan ni Keith yung right side ng ulo ko. Nasa kaliwa ko kasi siya. Pinatong niya yung ulo ko sa balikat niya. Aalisin ko na sana yung ulo ko kaso ibinaon niya lalo yung ulo ko sa balikat niya.

“Sige na. Mahihirapan ka pa.” hindi na ako pumalag. Diba masamang tumanggi sa grasya kaya go lang ng go.

Buong biyahe ako nakatulog. Paggising ko nasa tapat na kami ng hotel na pagchecheck-in-an namin. Sabi sa akin ni Keith na magpahinga muna ako kasi mamaya nang hapon magsisimula na kami mag shoot. Maagap talaga yung lalaking yun. Tumapat muna ako sa salamin. Biglang nanglaki ang mga mata ko.

Ma-ma-makikita ako ni Keith na nakabikini? Hindi ito maari! Nakakailang kaya kapag kakilala mo yung kukuha sayo. Okay lang sana kung swimming kaso hindi. Photoshoot ito eh.  Hindi hindi. Professional ka Angel! Kaya mo yan. Woooooh.

Ilang sandali ay may kumatok na sa pinto. Magsisimula na daw. Nagsuot muna ako ng dress na see through. Galing noh. Nagdress pa. Tumalon talon muna ako bago lumabas para pakalmahin ang sarili ko. Nasa may hallway ako nung may mabangga akong babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Gay's Love Story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon