(Angel's POV)
“Star City!” maligayang sigaw ni Sandra habang winawagayway ang mga tickets.
“Sandra parang bata” komento ni Nathan kaya napapout naman si Sandra.
Nandito ngayon si Sandra sa apartment ni Nathan. At yan kaagad ang bungad niya sa amin pagpasok na pagpasok niya.
“Angel. Pleeeeeease” nakayakap si Sandra sa hita ko habang nagpapacute. Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa bang magagawa ko.
“Fine!”
“Yehey~” nagtatatalon pa si Sandra sa sobrang tuwa. Ito talagang babaeng ito napakaisip bata kahit kelan. Mahilig pang mangdamay. Nagbihis na lang kami sabay alis. Masyado kasing nagmamadali si Sandra eh. Sa sobrang excited nga ni Sandra handa niya na akong isugo sa Star City na nakapajama lang.
“Ang lameeeeg~” nanginginig na sabi ni Sandra habang yakap yakap ang sarili. Naglalakad kami dito sa Snow World. Ito kasi ang gusto niya so anong choice namin diba. Siya kaya nagyaya.
“That’s what you want so deal with it.” supladong sabi ni Nathan habang sinusundan kaming dalawa ni Angel. Nasa likuran kasi namin siya.
“Slide!” nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Sandra sabay takbo doon sa hindi kalayuang slide na gawa sa yelo. Nilingon ko si Nathan at nakita kong tinitingnan niya yung ibang sculptures na gawa sa yelo. Ganun din yung ginawa ko. Nakakamangha pala yung mga sculptures dito. Ang gaganda. Siguro mahirap gawin ang mga ‘to. Ang alam ko lang kasi gawin sa yelo ay ipukpok sila sa pader para sa juice. Nakita ko yung parang angel na sculpture. Hahawakan ko na sana ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran.
“B-bakit?” Shemay! Nakakautal. Hindi ko pa nililingon alam ko na kung sino ‘to. Amoy pa lang niya alam ko na eh. Masculine pero hindi masakit sa ilong kundi ang sarap singhutin. Baliktad sa personality niyang bakla. Paglingon nang makita ko si Nathan na nakapikit pa.
“Wag kang magulo. Malamig kasi” feeling ko kasama na ako sa mga sculptures dito. Halos hindi kasi ako makagalaw dito eh. Nakahang pa din yung kanang kamay ko na dapat hahawak sa angel na sculpture. Hindi ako makagalaw. Nakakainis naninigas ata ako.
“S-sana pala laging malamig. H-hahaha” biro ko sa kanya. Pati yung tawa ko utal utal na. Namilog yung mata ko ng hawakan niya yung kamay kong nakahang sabay dahan-dahan itong binaba. Akala ko pagbaba ay bibitawan niya na yung kamay ko pero hanggang ngayon nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Sinandal pa niya yung baba niya sa kanang balikat ko.
“I’m starting to like you.” feeling ko talaga kasama ako dito sa mga sculpture dahil ngayon parang natutunaw yung mga binti ko. Parang unti-unting nawawalan ng lakas.
“Weh? Sure ba yan?”
“Yes.”
“Sana matapos na yung processing niyan. Para naman next time ‘I’m starting to love you’ na ang masasabi mo.” ngumiti lang siya. Napabunting hininga naman ako.
Some nights I stay up cashing in my badluck
Some nights I call it a draw~
Grabe may background music pa kami. Napapikit ako sa sobrang paglasap sa moment na to kahit parang hindi bagay yung background music namin. Keri lang ‘yan.
Some nights I wish that my lips could build a castle
Some nights I wish they just fall off~
Nagulat ako ng kumalas ito mula pagkakayap sa akin. No! Napakunot pa ang noo ko nang humarap sa kanya. Bakit mo tinigil! Feel na feel ko na oh!
“Someone’s calling you.” doon ko lang narealize na ringtone ko pala yung tumutunog kanina.
“Hintayin mo na lang kami ni Sandra sa labas. Hahanapin ko lang siya.” tumango na lang ako. Nireject ko yung tawag nang makita kong si Keith lang pala. Sinilent ko na din yung phone ko kasi pinagtitinginan na ako habang naglalakad. Pagkalabas ko ng Snow World ay tinawagan ko si Keith.
“ANO NANAMANG PROBLEMA MO?!” bungad ko sa kanya pagkasagot niya sa unang ring pa lang.
“You don’t need to shout.”
“I NEED. Dahil sinira mo yung magandang moment ko!”
“Pumunta ka dito. Ngayon na.” sabi nito nang binabaliwala yung sinabi ko. Aba matapos sirain yung magandang moment ko kanina biglang mang-aabala pa.
“At bakit naman ako susunod sayo?” nilagay ko pa yung kaliwang kamay ko sa bewang ko sabay taas ng kilay. Yung kanang kamay ko naman yung may hawak sa cellphone ko.
“You’re my tutor. My mom is finding you.”
“Sabihin mong wala ako. Simple. Pati gagawin mo sasabihin ko pa sayo? Malaki ka na. Kaya mo na yan!” binaba ko na yung tawag. In-off ko pa yung phone ko. Alam ko kasing tatawag yun eh. Nakita ko si Sandra at Nathan na papalapit sa akin. Nakasimangot pa si Sandra. Halatang ayaw pang lumabas doon.
“Saan na tayo?” tanong ko kay Sandra na mukhang malapit ng umiyak. Nagulat ako nang bigla na lang kami hilain ni Nathan. Ako yun nasa kanan niya samantalang si Sandra naman yung nasa kaliwa. Huminto kami sa tapat ng isang ice cream parlor. Kitang kita ko kung paano unti-unting nagliwanag ang itsura ni Sandra. Kabisado talaga ni Nathan si Sandra. Napapa iling na lang ako sa reaction ni Sandra.
“Ako na bibili.” sabi ni Nathan pagkaupo namin sa loob ng ice cream shop.
“Strawberry!” medyo pasigaw na sabi ni Sandra habang nakataas ang kamay na parang bibong estudyante sa isang recitatation. Medyo napatingin ang ibang tao sa loob ng ice crean shop dahil sa ginawa niya. Napayuko naman ako dahil sa tingin ko hindi dapat pinagmamalaki na may ganitong kang kasama sa isang pampublikong lugar. Tumalikod na si Nathan. Hindi man lang ba niya tatanungin kung anong gusto ko. Sabagay bestfriend niya kasi Sandra eh. Eh ako? Wala lang naman sa kanya eh. Sa ngayon. Oo, sa ngayon dahil sisiguraduhin kong next time, something na ako sa kanya. Kahit yun lang. Kasi para sa akin siya ang everything.
Nakitang kong papalapit na sa amin si Nathan. Napanguso ako ng makita kong dalawang ice cream lang ang dala niya. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Sandra.
“Di ka kakain?” bungad ni Sandra kay Nathan nang makaupo na ito.
“Kakain.”
“Eh bakit dalawa lang? Pano na si—“
“Bibili na lang ako ng akin.” putol ko kay Sandra sabay tayo sa upuan pero isang hakbang palang may humawak na sa braso ko. Si Nathan.
“Share tayo. Upo.” nagliwanag naman ang mukha ko. Syempre sumunod ako sa kanya.
“Say ahh.” sabi ko kay Nathan habang nasa tapat ng bibig niya yung kutsara kong puno ng ice cream. Tinabig niya ‘to. Napapout tuloy ako.
“Sinubo mo na yan noh. Kaderder ka!” napairap na lang ako sa sinabi niya. Pabebe naman masyado eh balang araw mahahalikan ko pa siya. Mas malala naman yun dito.
“Arte naman. “ kainis gusto share kami sa ice cream pero ayaw niyang share kami ng kutsara. Wala talaga siyang logic. Eh yung kutsara na sinubo ko eh dadampi din naman sa ice cream na eventually ay kakainin niya. Ganun din naman yun diba, indirect lang. Indirect lang. Napangiti ako sa mga munting ideya na tumatakbo sa magaling kong utak.
Bumalik ako sa katinuan nang biglang tumayo si Sandra sa upuan niya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin din sa akin habang nakasimangot. Napakunot tuloy ang noo ko. Binalingan niya ng tingin si Nathan na tapos ng ubusin yung ice cream namin.
“Uwi na tayo. Mukha ng tanga si Angel eh.”