(Angel’s POV)
Filipino namin ngayon and as usual kasama ko si Nathan. Pinag-uusapan ng buong klase namin ang gaganapin naming role playing ng Noli Me Tangere. Gaganapin daw yung performance namin sa auditorium ng university at papanoorin ng lahat ng estudyante. Ano kaya trip ng prof namin at kami pa ang napiling pag ganituhin.
Namimili na pala ng mga characters yung mga kaklase ko. Actually, wala naman akong pakialam sa pinag uusapan nila. Pang propswomen lang ang powers ko. Hahaha. Maya maya ng onti inanounce na kung sino sino yung mga casts.
Nakuhang Crisostomo Ibarra si Nathan. Nabadtrip nga yung katabi ko eh. Mas gugustuhin pa nyan maging si Maria Clara kesa maging si Ibarra. Syempre badtrip din ako kasi Ibarra si Alex tas si Danica si Maria Clara. Nakakafrustrate. Bigla na lang akong tumayo sa upuan ko at sumigaw habang ginugulo yung buhok ko. May ibang makakapartner si Nathan!
“Nice Angel. Ganyan dapat kagaling ang performance nyo tulad ni Angel ah” Sabi nung nagoorganize ng play. Napangiti naman ako ng bongga. Syempre ako na si Maria Clara eh. Ipapakita namin sa buong university ang pagmamahal namin ni Nathan. Iniimagine ko palang kinikilig na ako.
“ Okay aalisin na natin si Monica bilang Sisa. Si Angel na”
Gumuho lahat ng pangarap na binubuo ko ng marinig ko yun. Paano na kami ni Ibarra? Ang pagmamahalan namin? Dahan-dahan akong napaupo habang nakatulala sa kawalan. Hindi ito maari!
( Nathan's POV)
Naglalakad ako ngayon sa Trinoma. Strolling lang. Biglang nagvibrate yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino nagtext. Wala naman pala. May reminder lang.
Movie marathon @ 6 PM! Don’t foget to buy fries and popcorn. :D
Secretary ko ba to? Pati practice sa play may reminder dito. Ano ba yan.
Pumunta na ako ng supermarket at bumili ng pinag uutos ng demonyita. Nag grocery na rin ako kasi paubos na din pagkain sa bahay. Lamon kasi kumain yung babaitang yung eh. Sakit nya sa bangs ah.
(Angel’s POV)
Nagpapractice kami ngayon para sa play namin. Kami ngayon ng dalawa kong dwarf na kaklase yung nagpapractice. Scene na kasi namin. Yung kaklase ko naman si Danica todo pacute kay Nathan. As if namang papansinin sya ng baklitang yon. Nakakainis ah! Ang sarap nyang hampasin ng tubo. Tapos todo buntot pa tong dalawa kong kaklase sa kin. Mukha tuloy Snow White and the two dwarf kami.
“Angel san ka ba nakatingin ha?” Patay. Sermon aabutin ko nito ah.
“Sorry”
“Sige. Okay ulitin natin itong scene na to. Angel focus naman”
“Sorry po”
Natapos na yung practice namin. Naglalakad na kami pauwi ni Alex sa may gate ng campus.
“Aray!” T.T Ang sakit! Natapilok kasi ako eh. Ang tanga kasi nung bato hindi umiwas.
“Anyare sayo? Bilisan mo! Gagabihin tayo nito eh” Napaka caring talaga nitong Nathan na to. Nakitang hindi makapaglakad yung tao eh. Anubanamanyan! Sakit sa paa ah. T.T
Sinusundan ko pa rin si Alex. Mukha talagang seryoso kasi sya sa pag iwan sakin eh. Bigla na lang sya huminto. Sumusunod ako sa kanya kaya nabangga nung ulo ko yung likuran nya. Ano ba naman yan! Pati ulo? Arrrrrrrrgh!
Nagulat ako nung bigla na lang siyang lumuhod eh nakatalikod sya sa akin.
“Hoy! Anong drama toh ha? Talagang gagabihin tayo dyan sa kaartehan mo” pero hindi siya tumayo. Nakaluhod pa rin siya. Yung luhod na isang paa lang.
“Sakay” O_O Hanudaw?!
“Baliw mabigat ako noh”
“Ano pang magagawa ko eh aabutin tayo ng bukas dyan sa lakad sagala mo eh”
“Che! Ito na.”
One week na kaming nagpapractice para sa play na gagawin namin. Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa auditorium. Tapos na kasi klase ko saka magpapractice na kami ng play. Malapit na ako sa pintuan ng may biglang yumapos sakin mula sa likuran tapos tinakpan pa yung bibig ko. Kidnapping sa school? OH NO! Marami pa akong pangarap sa buhay ko. Wala ng ina ang mga future children ni Nathan. Oh my! Oh my! Kalurkey naman to. Nilapit nung nakayapos sakin yung bibig nya sa tenga ko. Damang dama ko yung paghinga nya. Nagsisitaasan na yung mga balahibo ko sa leeg.
“Ang dugyot mo talaga noh” yan ang unang sinabi nung kidnapper. Ako dugyot? Excuse me lang ha. Nagkukuskos kaya ako ng bato. Pagsinisipag may scrub pang kasama tas dugyot? Wow lang ah! Pero syempre hindi ako makapagsalita kasi nga tinakpan ng lapastangang ito yung kissable lips ko.
Nung medyo kumalma na ako, inalis na nya yung pagtakip sa bibig ko pero nakayapos pa rin sya sa akin
“Chansing ka kuya ah!”
“Kapal mo demon girl ah” Si Nathan pala. Oh my! Wag na pala syang kumalas sa pagkakayakap nya. Nangingisay na yung eyeballs ko sa kilig.
“Oi alam kong huggable ako pero yung totoo teh? Unli lang?”
“Punta tayo ng CR” Tayo? Cr? O_O
“A-anong gagawin na tin sa C-cr?”
Hindi na nya ako sinagot. Naglakad na lang sya papuntang Cr habang yakap yakap ako mula sa likuran. Problema nito?
“Ayusin mo yung palda mo dugyot” sabi nya bago ako tuluyang pumasok sa Cr ng girls
Anong problema nya sa palda ko? Tinignan ko naman. At ayun. May tagos pala ako. Patay ako nito. Wala pa naman akong extrang dala. Lumabas muna ako ng Ladies’ room para kausapin si Nathan.
“Oi, wala akong extrang dala. Anong gagawin ko?”
“No! Not me! Ayoko!”
No choice pa rin si Nathan. Ayun siya bumili ng (alam nyo na) ko. Pagdating niya agad naman niyang inabot sa akin syempre ako naman pasok na sa ladies’ room at alam na. Hahaha
“Dugyot mo teh” pambungad niya sakin paglabas ko ng cr
“Oi sino kaya mas dugyot satin ha?”
“Ikaw”
“Ako pa! Eh ikaw ata yung umutot habang naghahapunan tayo nung isang araw”
“Aba-“
“Dugyot!”