(Nathan’s POV)
Nandito ako ngayon sa ospital. Nagpageneral check up kasi ako ngayon. Feeling ko kasi may hindi tamang nangyayari sa akin ngayon. Sigurado akong kagagawan ito ni Angel. Siya ang may sala, salarin, suspek at dahilan ng lahat ng ito. Parang zombie akong naglalakad ngayon palabas sa ospital. Hindi ko pa rin matanggap ang masakit, magulo at karumaldumal na pahayag mula sa mga doctor. Pilit nila akong ginigising sa mga bagay na hindi naman totoo. Hindi ko matanggap ang mga sinabi nila.
Flashback
Nagpapapalpitate ako kapag nakikita ko siya. Mas tumitindi pa kapag lumalapit sya. Yung puso ko parang gusto na kumawala sa ribcage ko. Feeling ko nga naggigimme yung heart ko sa loob eh. Isang tangke na ata ng dugo yung napump nya dahil kala mo may karera sya sa pabilisan ng pagpump. Ano kayang klaseng heart problem to. Baka cancer na itong sakit ko. Hala! Sana hindi pa stage 4. Sana magamot pa to. Kailangan pa ako ng lipunang to. Tapos yung tyang to parang may lumilipad sa loob kapag ngumingiti siya. Nung una akala ko diarrhea lang eh. Kaya mga tatlong araw din akong suki ng banyo pero wala namang lumalabas. Siguro hyperacidity to. Pero di naman nangangasim. Para lang nagtayo ako ng Butterfly Garden sa tyan ko. Nafufustrate na ako. Baka kasi may taning na tong buhay ko. Baka mamaya bumulagta na lang ako db.
“Wala kang sakit” sabi sa akin ng family doctor namin ng makarecover na sya mula sa pagtawa. Kinwento ko na kasi ang sakit ko. I can’t fight this feeling anymore. Syempre lahat naman ata gusting maagapan yung sakit db. Sino ba yung super excited mamatay? Duh! Hindi naman ako emo noh. I love myself!
“How could you say? Hindi mo nga ako tinest eh. I- CT scan nyo ako. I-ECG nyo ako. Blood test. Urine test. I-ultrasound nyo ako! Yung pregnancy test! Baka magpositive ako doon. Baka pwede pa ako sa new born screening. Magpapaulit ako! Anong walang sakit?! Baka mamamatay na ako bukas! Jusme naman” mas lalong lumakas yung pagtawa ni Doc. Nagagawa pa nyang tumawa habang yung pasyente nya ay nasa bingit na ng kamatayan. Anong klaseng Doctor ito?!
“You’re just inlove”Nakangiting pahayag nito. Luh. Inlove daw. Napanganga ako literally. At yung eye balls ko malalaglag na ata sa socket.
“Hindi! Hindi maari! Hindi nyo naiintindihan!” naghihisteriacal na ako ngayon sa opisina ni Doc
“Calm down Nathan. You’re just inlove. What’s the big deal with that?”
“Not a BIG deal?! Big deal yun! Hindi mo alam ang lahat. Demonyita siya! Saka hindi ako naiinlove at higit sa lahat HINDI SA KANYA!”
“Someday you’ll gonna realize it. Hope it’s not too late” ani niya at umalis na sa office nya. Dumating kasi yung secretary nya. Meron daw sya meeting kaya naiwan nya ako sa office nya. Dumbfounded.
End of the Flashback
Naglalakad ako ngayon sa gilid ng highway. Nung mapagod na ako sa kakalakad ay naupo muna ako sa may gutter. Nagulat na lang ako ng may dugyuting bata na tumabi sa akin. Kinapa ko yung bulsa ko at may nakuha akong limang piso inabot ko naman yun kaagad sa kanya. Ineexpect ko naman na aalis na sya sa tabi ko pero nanatili lang sya sa kinauupuan nya.
“Binigyan na kita ah. Oi ang bata-bata mo pa naghahangad ka na ng higit sa lima. Aba’y mali ata yan!” reklamo ko sa kanya. Ano ineexpect nya. May bibigay ako ng limang daan? Hindi ako si Willie Revillame na namimigay ng jacket at CD noh.
“Hindi po ako nanghihingi pa. Gusto ko lang po tumabi” hindi na lang ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siya sa tabi ko. Pinanuod ko na lang yung mga dumadaan na sasakyan ditto sa highway.
“Iniisip mo sya noh” biglang sabi nung dugyuting bata. Ano ba naman tong batang to. Aatakin ako sa puso sa bigla biglang entra niya sa moment eh. Pero yung sinabi niya di ko na gets kaya binigyan ko lang siya ng nagtatakang look.
“Yung babaeng binuhat mo dati. Dito rin banta yun nung hinimatay siya”
“Ah. Ikaw pala yun kayakapan niyang pulubi nun. Pa MMK effect pa kayo dito sa kahabaan ng highway. Muntik ko na kayo isulat sa Wish Ko Lang ah” sarcastic na sabi ko
“So? Iniisip mo nga sya ngayon?” pagbabalik nya ng topic at pagsasantabi nung sarcastic kong sinabi. At pa so-so pa sya. Umi-english ah. Ano to high standard pulubi?
“Utot! Hindi noh!”
“Sus. Padeny deny pa. Halata naman. Tsk”
At umalis na sya sa tabi ko. Ano bang problema ng mga tao ngayon. Ang hilig nila ako walk out-an ah. YOU DON’T DO THAT TO ME!