Kinakabahan ako ngayong araw. Bakit? Ngayon na kaya play namin! Wooooh! Hindi pa naman ako sanay sa mga play play na ganito. Kinakabahan talaga a-
“Debs anong tsura yan? Natatae lang?”
Naputol ang mga thoughts ko dahil kay Nathan. Debs daw tawag nya sakin kasi para short cut sa devil girl.
“Eh sa gusto ko magmukhang natatae eh. Pakialam mo ba?”
“Sungit ah. Kinakabahan ka lang eh”
“Hindi ah! Umalis ka na nga dito dugs”
Syempre papayag ba ako na sya lang may tawag sa akin,? syempre hindi. Ganda nga ng tawag ko sa kanya eh. Dugs for dugyot. Hahahaha
“Okay ka lang Angel?”
Yan si Jericko. New friend namin ni Nathan. Oi lalaking lalaki to ah. Kasama din kasi siya sa play ngayon.
“Oo naman. Medyo kinakabahan lang ako” with mathching shake ng kamay yung parang sa mga kinakabahan.
“Wag kang kabahan. Kaya mo yan!” Haay sana nga. Ngumiti na lang ako sa kanya bilang response. Nakakapagod kayang dumaldal.
Ilang sandali ay nagsimula na yung play. Sila Nathan yung una. Magaling siyang umarte. Nakakahanga nga eh. Natapos na din kami sa scene namin. Sila Nathan na at Danica. Maayos naman yung flow ng story hanggang sa may kaguntang gulantang na balak gawin tong bruhildang to. Balak niyang I kiss si Nathan! Hindi naman kasama yun sa prinactice namin. Si Nathan nanglalaki ang mata at halatang hindi alam ang gagawin.
Kailangang iligtas ko siya. Hindi ako papayag na yung bruhang yun ang unang makakatikim sa lips ni Nathan noh. Dapat ako! Ako lang! Kailangang may gawin ako. One inch na lang ang pagitan ng lips nila. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.
(Sandra’s POV)
Bestfriend ako ni Nathan diba tas wala ako dito. Syempre hindi ako papayag nun diba. So ito ako ngayon watching their play. Kaso mahadera ata tong isa nyang kaklase. Balak ikiss si Nathan. Ito namang si Nathan parang bongol lang ah at too shocked para magresponse. Malapit na yung lips nila. Tinakpan ko na din yung mata ko. Like DUH. It’s gross kaya noh.
Nakapikit parin yung mga mata ko kasi baka mamaya may SPG akong makita. LOL. Pero habang nakapikit ako may biglang nagsalita sa stage. Tapos na? Nagkiss na sila? Yuck ah!
“Basilio! Crispin! Mga anak ko asan kayo? Basilio?! Crispin?!”
Si Angel nasa stage at todo iyak. Pang best actress ah. Pero diba tapos na yung part niya. Ay lukaret talaga to. Agaw eksena sya ah. Si Nathan naman halatang gulat din sa pag extra nitong si Angel. Itong babaeng to talaga basta para kay Nathan gagawin lahat. Pang phamas(ganun ba spelling nun?haha)yung acting ni ateng. Halos gapangin na niya ang stage mahanap lang si crispin at basilio niya. Nung matapos na dumaan si Angel sa stage, unti-unting bumaba na yung tela. It means new scene na. I think malaki ang pagkakautang ngayon ni Nathan kay Angel ah. Dahil sa kanya patuloy pa ring birhen ang garabutchong labi ni Nathan. Joke lang yung garabutcho ek ek. Kissable kaya lips niyang si Nathan. Hoy! Pero kahit minsan di ko inatempt na mahagkan yun noh. For me kasi it’s so kaderder lang ah.
(Angel’s POV)
Nasa backstage na kaming lahat ng cast.Nagbibihis pa si Nathan sa loob at hinihintay ko naman siya dito sa may pintuan. Bigla na lang akong inakbayan ni derek.
“Good job Angel! Ang galing mong mag adlive dun ah”
Nginitian ko na lang si derek. Duh hindi naman para sa kanya o para sa play yung ginawa ko noh. It’s for my future. Syempre gusto ko naman na pareho kami ni Nathan na virgin ang lips noh. Hahaha. Naku po! Madami pa lang oportunista dito na nagnanasa na masubsob ang lips nila kay Nathan. Kahit naman baklers yan eh malakas hatak eh. Badtrip nga eh. Dami ko pa rin kaagaw. I have to Make move na at baka maungasan pa ako ng iba eh. Muhahahaha
“Hoy debs! Para ka dyan baliw. Ngumingiti sa kawalan” Nginitian ko lang siya. Kung alam mo lang Nathan ang iniisip ko.
“Umuwi na nga tayo! Nakakapagod kaya” yaya ko sa kanya
Habang palabas kami sa auditorium ay nakasalubong namin si Danica. Nagsmirk lang ako sa kanya. Aba! Inirapan ba naman ako. Well, pagbibigyan ko sya ngayon dahil naungasan ko siya. Kala nya ah.