Chapter 2

440 8 1
                                    

Naglalakad na ako ngayon ng parang nagutom ata yung sapatos ko. Syempre sadyang matalino ako, hinubad ko na yung sapatos ko at nilagay sa bag ko. Nagkamedyas lang ako habang nilalakad ang gilid ng highway. May pamasahe naman ako kaso nga lang mas enjoy kaya maglakad. Exercise din yan tsaka natutuwa ako sa pagmasid sa paligid habang naglalakad. Naglalakad ako ng may makasalubong akong batang lansangan. Sakin pala sya papunta.

“Ate, pwede po bang makahingi ng makakain. Gutom na gutom na po kasi ako eh, Parang awa nyo na po.” Sobrang payat nung bata. Mukha pang sakitin. Parang onting hangin lang liliparin na sya.

“Wait lang ah.” Sabi ko sa bata habang kinakalkal yung bag ko.

“Ayun!” Saktong pagkasabi ko nun sumabay ang malakas na ulan. Edi syempre nilabas ko narin yung payong ko. Sinilong ko rin yung bata sa payong ko.

“O bata san ka ba ha?” Tanong ko dun sa bata at tinuro naman yung isang puno ng balete.

“Doon nyo na lang po ako dalhin. Maghihintay na lang po ako dun ng pagtila ng ulan.”

“Naku wag na.” Iniabot ko sa kanya yung payong ko.”Dalhin mo na tong payong ko. Baka magkasakit ka pa dito kung magtatagal ka dito sa labas.”

“Naku po ate salamat po dito sa pagkain saka sa payong”

“O sige na umuwi kaya. Abutan ka pa ng mas malakas na ulan eh”

“Salamat po talaga ate!”

(Nathan’s POV)

Nagdadrive na ako pauwi galing kila Sandra ng may mataan akong baliw na naglalakad. I mean si Angel pala. Ano nanaman kayang trip ng demonyitang to at naisipang maglakad ng nakamedyas lang. Ganun ba sya kaproud dyan sa Striped colored socks nya para ipangalandakan sa kahabaan ng highway. THE HELL.

Gusto ko na syang lapitan dahil ako na ang nahihiya sa kanya pero a part of my mind told me not to do so. Kaya ito ako ngayon na parang shungang sinusundan sya. May batang lansangan pang lumapit sa kanya. Mukhang nanghihingi ng pagkain at mukhang bibigyan nitong demonyitang to. Sa sobrang kupad nya maghanap sa bag nya, inabutan tuloy sila ng ulan. Pinayungan nya naman yung bata. Pero bago nya iwan yung bata ay binigay nya yung payong dun sa bata. Nagyakapan pa sila nung bata doon ah. Ano to MMK? Magpakaylanman? At aba naman naligo sa ulan ang demonyita. At mukhang may balak pang mag catwalk ah. Bahala na nga siya dyan sa buhay nya.

At una sa lahat, bakit ko ba yun sinundan? Siguro akala ko gagawa nanaman sya ng skandalo. Lalagpasan ko na sana sya at uuwi ng bigla na lang bumulagta ang demonyita sa gilid ng highway. Napapreno tuloy ako ng biglaan. Buti na lang at nakaseatbelt ako kung hindi naka lips to lips ko na yung manibela ko. Binuhat ko sya papasok sa kotse ko at mabilis na pinaharurot yung kotse. Dinala ko sya sa apartment ko. Since kakababata ko naman to kaya kilala sya ni mama kaya agad kong tinawagan si mama na nandito siya sa apartment at nawalan ng malay. Mabilis namang nakarating si mama. Pinupunasan nya na ang noo ni Angel na nakahiga sa sofa.

“Nakauwi na pala itong si Angel mula sa Paris. Bakit hindi mo man lang nabanggit sakin Nathan?”

“Halos kakadiscover ko lang din ng fact na yun Madir noh.”

“O sya dito mo muna siya patuluyin dahil mukhang di mo naman alam kung saan siya nagsestay. Bantayan mong mabuti si Angel Ah.”

“NO WAY!! Hindi ako-“

“Dito sya magsestay  Nathaniel  sa ayaw  o gusto mo! Di ka man lang naawa sa kanya nakita mo may sakit eh.” 

“Maawa sa kanya? Dapat nga sa akin kayo maawa! Baka rape-in ako nito dito. Madir, Ayoko ko pang isuko ang perlas ng silanganan.

“OA much? Ewan ko sayo Nathan! Dito sya magsestay this night kung ayaw mong isumbong kita sa Daddy mo na baklita ka” Badtrip! I’m hopeless. Wala na akong magawa kasi ang matriarch na ang nagsalita, wala na akong magawa. Grabe gagawin pa akong caregiver ng lukaret ah. Hayaan na nga. For this night lang naman eh.

A Gay's Love Story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon