(Angel's POV)
“Class kailangan ko ng representative para sa photo competition. Alam niyo naman na kilala yung university natin sa pagiging all-time champion sa larangan ng photography diba. Nakakuha na sila ng photographer sa ibang class. Sa tingin niyo sino ba dapat maging model?”
“Ma’am si Havenl! Diba dapat babae yung model this year.” suggest ni Oasis. Walang ibang Haven sa amin kundi ako. Ayoko talagang ginagamit yung second name ko. Ang baho!
“Diba naging model ka ng isang sikat na clothing line sa Paris?” narinig kong nagbulong bulungan yung mga kaklase ko. Yung iba halatang gulat sa narinig nila. Ako din naman gulat eh. Paano nalaman ni Oasis na naging model ako sa Paris samantalang wala naman akong pinagbanggitan nun.
“H-ha? M-ma’am, si Hyacinth na lang po. Diba ikaw yung model ng Forever21.”
“Hindi ako pwede eh. Loaded na yung schedule ko.” sagot ni Hyacinth.
“Okay class. Si Miss Buenavista na ang magiging model.”
“H-hala Ma’am. Umo-oo na po ba ako?” ayoko. Mahihiwalay ako kay Nathan. Kahit ilang araw lang yun sayang noh. Diba magdodoubletime pa ako para mahalin niya. Hindi ito maari! Paano na yung mga plano ko.
“I’m not asking you Ms. Buenavista. I’m stating it in front of the class. So it leaves you no choice.”
“NO!” umalingawngaw yung boses ko sa buong kwarto. Nakataas pa yung kamay ko na nakabuka habang nakatingin ako sa taas.
“By the way sa Boracay yung shooting tutal malapit na rin daw ang summer. Paki paalala kay Ms. Buenavista class ha. Sabihin niyo na lang ‘pag tapos na siya mag inarte. Goodbye class.” lumabas na si Ma’am. Nagsitayuan na yung iba kong kaklase. Narinig ko pang naguusap-usap sila. Nagbu bulung bulungan pero naririnig ko naman.
‘Boracay. Sosyal!’
‘Grabe! Model pala siya sa Paris.’
‘Sana nagvolunteer na lang ako. White sand yun noh!’
‘Di pa ako nakakapunta sa Boracay. Ikaw ba?’
‘Ang baho ng katabi ko kanina! Yung totoo, imburnal ba pangligo niya?’
“Sometimes you should give others a chance to prove themselves. Boracay daw sabi ni Ma’am if you don’t know. Enjoy yourself there.” hindi ko mabasa yung expression sa mukha niya. Parang ang daming nakatago sa poker face niya na mukha. Parang ang daming gustong sabihin ng mga mata niya pero para ding may barrier na nagsasabing wag kong alamin. Bigla na lang siyang umalis sa harapan ko.
‘Sometimes you should give others a chance to prove themselves’ ano bang gustong i-mean ni Oasis sa sinabi niya? Pa english english pa siyang nalalaman. Siguro binibigyan niya lang ako ng quote para may ma-gm ako. Syempre wala namang connect sa akin yung sinabi niya. Siguro mayma yung taong yun. May masabi lang. Siguro yun nga.
“Waaah! Grabe ka. Ang aga ng bakasyon mo!” halos magwala na si Sandra dito sa loob ng mall. Bibili kasi kami ng swim suit ko. Yun daw kasi yung soot ko. Okay lang naman sa akin yun kasi nagawa ko na rin dati yun sa Paris.
“Umayos ka nga Sandra. Nakakahiya ka!” nagpout lang siya. Pumasok na kami sa isang boutique na puro swimming attires yung laman. Binili ko na lang yung leopard printed bikini. Sabi din naman ni Sandra na bagay sa akin yung napili ko.
“Ano ‘to?” bigla kasi may inabot na cellphone si Sandra sa akin.
“Hoy! Wag mo ako isama sa mga illegal mong gawain. Hindi ako tumatanggap ng naka—Aray!” binatukan ako bigla ni Sandra.
“Gagi. Cellphone ‘yan ni Nathan. Naiwan niya sa bahay nung tumambay matapos mag-walking for fitness siya.” binuksan ko ito kaso may password. Si Katrina pa yung lockscreen niya. Ewan ko pero hindi ko mapigilang masaktan eh. Masama ba, mahal ko eh. Ganun naman diba, kapag nagmahal ka masasaktan ka rin. Kungbaga pag nagpurchase ka ng love may free pain ng kasama. Tumingin ako kay Sandra.
“Anniversary nila.” yung password yung mini-mean niya. Tinaype ko yung ‘0303’. Bumukas naman at isa nanamang picture ni Katrina ang sumalubong sa akin. Nakapeace sign siya sa may beach na background. Nakawhite t-shirt lang siya at shorts pero ang ganda niya pa rin. Para siyang angel. Samantalang ako Angel nga pangalan, demonyita naman sa paningin ni Nathan. Pero wala na siya magagawa dahil aagawin ko sa kanya si Nathan. Iniwan niya eh. Napabuntong hininga ako sa mga naiisip ko. Pumunta ako sa gallery niya. Dinelete ko yung picture ni Katrina na wallpaper niya.
“Sandra, picture-an mo ako.” inabot ko sa kanya yung phone ni Nathan.
“Bakit?”
“Basta!” lumayo na ako sa kanya. Puwesto ako sa tabi ni Jollibee. Nagpeace sign din ako. Nang matapos akong picture-an ay lumapit na ako sa kanya. Inaabot naman niya sa akin yung phone ni Nathan.
“Anong gagawin mo?” tanong nito habang dungaw sa kinakalikot ko. Inilayo ko naman yung phone sa kanya para hindi niya makita yung ginagawa ko. Ginawa ko kasing wallpaper yung picture ko.
“Basta! Uwi na tayo.” nilagay ko na sa bulsa ko yung phone ni Nathan.
- - -
“Angela, wag kang maglakas loob bumalik sa pamamahay kong buntis ka na ah. Malilintikan ka sa akin. Kukurutin ko yang singit mo!” hindi yan tatay ko. Si Nathan lang ‘yan. Kanina pa niya ako sinesermunan. Mapapatay daw siya ng tatay ko kapag may masamang nangyari sa akin.
“Hoy! Bakit black nail polish yung nilalagay mo?” minamanicure at pedicure niya kasi ako. Walang magawa ngayon dito eh.
“Para magmukhang patay na kuko ‘yang mga nails mo. Ewan ko na lang kung makalandi ka pa doon.” tumawa pa ito ng maarte.
“Sige na nga! Basta kumpletuhin mo yung nail polish ah. Nung nakaraang lingo isang paa lang yung nilagyan mo ng nail polish eh.”
“Arte-arte pa? Nagbabayad ka teh?” bigla ko naalala yung cellphone ni Nathan. Kinuha ko iyon sa bulsa ko.
“Ano yan?” tanong niya habang nakalahad sa harapan niya yung cellphone niya.
“Naiwan mo kila Sandra.”
“Ah.”
“Buksan mo!” excited pa na sabi ko. Nakita kong kinalikot niya yung phone niya.
“B-bakit wala na dito yung picture niya?”
“Ako muna yung papalit sa mukha ni Katrina habang hindi ko pa siya napapalitan dyan sa puso mo. One step to moving on din yan. Mahirap umasa sa taong alam mong kahit kelan hindi ka na babalikan.” seryosong sabi ko sa kanya. Alam ko bipolar ako. Kanina excited ngayon seryoso na. Ganun ako eh. Bakit ba.
“Sinabi ko ba sayong palitan mo yung picture niya?!” medyo pasigaw na sabi niya. Napatayo pa ito sa maliit na upuan. Tumayo na rin ako. Magkaharap kami. Nagsusukatan ng tingin.
“Hindi. Pero sa tingin ko tama yung ginawa ko.”
“Tama? Kelan pa naging ikaw ang magpapasiya ng tama. Bakit ba hindi ka makapaghintay ha? Ganyan ka na ba kaatat mahalin ko.”
“ Hindi makapaghintay? Apat na taon. Apat na taon na ang nakalipas Nathan! At oo. Atat na atat na akong mahalin mo. Ano pang sense ng pagdedeny diba. Sa sobra kong atat handa na ata akong hukayin si Katrina para lang makuha yang puso mo sa kanya!” tinuro niya ako gamit yung hintuturo niya. Kitang kita sa mga mata niya ang galit.
“Hindi mo alam yung nararamdaman ko kaya wag kang mangielam!” ang paglabas niya sa apartment ang naging hudyat ng mga luha kong bumuhos sa mukha ko. Naiwan akong mag-isa sa apartment niya. Humihikbi. Luhaan ang mukha. Nasasaktan ang damdamin. At kulang ng tatlong nail polish.