Chapter 7

208 4 1
                                    

(Nathan’s POV)

Naglalakad kami ngayon ni Angel pauwi sa bahay. Gabi na natapos ang play namin. Wala masyadong dumadaan dito sa kalsada na nilalakaran namin ngayon. Puro talahib yung gilid ng kalsada. Naglalakad kami ngayon sa may sidewalk kahit wala namang sasakyang dumadaan. Syempre safety first noh!

“Thank you” naalala ko kasi yung attempted rape sa akin ni Danica.

“Para san?” badtrip painosente pa ituuu.

“Sa pagliligtas sa akin mula sa mga mapangsamantala”

“Hindi ako tumatanggap ng thank you. Lahat ng bagay may kapalit”

OMG! Is she gonna kill me? Rape me siguro. Seryoso tudamax ang fesi nya. Mukhang hindi siya nagjojoke. Lumapit siya sa akin. Mga 3 inch na lang ang pagitan na bodies natin. Nilagay nya yung kamay niya sa likod na bulsa ng pants nya at may binubunot siya.

She’s going to kill me na! What am I gonna do? Lord help me! Hindi na po ako aabsent sa simbahan. Waaaaah.

“Tulong! Waaaaaaaaaaaaah” sumigaw na talaga ako noh. I will not let na mamatay na lang ako ng walang ginagawa noh. At least nasabi ko na sumigaw ako baka ako madeads noh.

“Waaaaaaaa-“ naputol ang paghingi ko na saklolo dahil tinakpan niya yung bibig ko. Wait! Hindi pala. Kiniss nya ako. Kiss lang pala kala ko naman kung a- WHHHHHHHHHHAAAAAAAAT? She kissed me! Nawasak na ang virginity na iniingatan ko ng ilang taon. Nasira na ang mga pangarap ko na unti-unti kong binuo. Nalamatan na ang pagkatao ko na inaalagaan ko pa sa papaya soap.

Nakatulala pa rin ako dito sa daan samantalang wala na si Angel. Tumakbo siya matapos niya gawin ang pagwasak sa buhay ko. Ganyan talaga ang mga criminal, mabilis imiskapu. Napagtanto ko na rin maglakad. Nadevirginize lang naman ako, hindi naman ako naputulan ng mga paa noh.

Paguwi ko sa bahay ay tulog na sya. Langyang yan. Nagawa pa nyang makatulog matapos gumawa ng krimen. Naghilamos muna ako at nagtoothbrush. Tinagalan ko ang pagtoothbrush para makasigurado na walang bakas ni Angel ang matitira. Pati nga labi ko binrush ko na eh.

Nahiga na ako sa kama. Nagulat ako ng biglang napaharap sa akin si Angel. Automatic na napatitig ako sa lips nya. BIglang nagflashback sa akin ang pagsasamantalang naganap. Waaaaah! Di ko na to kaya. Marungis na ako.

(Sandra’s POV)

Saturday ngayon. Kahapon yung play nila Nathan. Nandito ako ngayon sa Quiapo. Naghahanap ako ng ballet shoes. Kailangan kasi namin para sa isang recitation namin at ang pagsayaw ng ballet yun. Bongga db. Kaso ang masaklap eh hindi ko alam kung saan makakabili. Pati nagtitinda ng damit tinanong ko na. Pati yung nagtitinda ng baboy na interrogate ko na din. Hanubayan!

Hagardo Versoza na ako pero hindi pa din ako makahanap ng sapatos. Tatambay muna ako sa quiapo church. Pagpasok may nakita akong lalaking papalapit sa altar habang nakaluhod. Familiar kasi sa akin yung built in ng katawan nya eh.

I can’t fight this feeling anymore kaya ayun nilapitan ko na itong si familiar guy. Kinalabit ko sya at nung humarap sya ayun nakakita ako ng zombie. Familiar nga sa akin pano ba naman bestfriend ko kaya yung naglalakad ng nakaluhod at maleta na ata yung eyebags nya eh. Pagkakita nya sa akin agad syang tumayo at binuka ng sobra yung kamay nya para yakapin ako. OA talaga nito kahit kelan.

“Anyare sayo? Kelan ka pa naging deboto dito sa quiapo?”

“Bongol. I’m just cleansing myself”

“Cleansing ka pang nalalaman. Hoy! Kahit kelan hindi tatanggapin ang tulad mo sa langit”

“You’re so mean” nag pout pa sya

“Ang kaderder mo ah! At bakit ganyang yang pagmumukha mo? Zombie lang teh?”

“It’s a side effect of trauma. How can you sleep when you’re being devirginized?”

Lumaki bigla ang beautiful eyes ko. Mahuhulog na nga ata yung eyeballs ko eh. Si Nathan di na virgin! OMGEEEEEEEEEEE. Asan na yung morals na itinuro ko sa baklitang ito? Asan ? Asan?!ASAAAAAAAAAAAAAAN?! Okay tama na OA na masyado.

“Yuck! You know ba it’s bad to commit pre-marital sex?”

“Shunga! I mean my lips was raped”

“Raped lang naman pala eh. ANO?! Sinong lapastangan gumawa nyan?”

“Yung demonyita” nagsad face pa sya

“Si Angel lang pala eh. Btw, may alam ka bang mabibilhan dito ng ballet shoes?”

“Meron. Pero kain muna tayo. Kagutom din kayang mag ganito”

“Ok fine pero can you please take off that knee pad first?”

A Gay's Love Story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon