(Angel’s POV)
Nakahiga ako ngayon sa kama habang si Nathan nakaupo sa gilid ng kama. Naglolotion. Sabi niya kailangan daw yun para hindi maging dry yung balat niya. Pero ngayon ko lang narealize na pati yung kili-kili kasama sa dapat nilo-lotionan. Nakita kong nilalagay niya na yung face mask niya sa mukha niya. Napakavain talaga nito. Samantalang yung mukha ko sabon lang naeexperience. Humiga na ito sa tabi ko.
“Nathan.”
“Hmmm?”
“Diba gusto mo ako.” tumingin ito sa akin.
“I said I’m starting.”
“Considered na rin yun. Kasi nandun ka na sa phase na yun.”
“Sabi mo eh.” sabi niya. Tumahimik yung buong paligid. Parang may anghel na dumaan.
“We’re so near right now but why do I feel we’re far away.” sabi ko habang winawagayway yung kamay ko sa ere. Tinitignan ko lang lang yung mga kamay kong pinaglalaruan sa hangin.
“Pasensya na.” bigla kong naibaba yung mga kamay ko sabay tingin sa kanya. Seryoso yung mga mata nito.
“Bakit?”
“Hindi ko kasi mapigilang umiwas.”
“Ha? Bakit naman?”
“Natatakot lang ako. Natatakot na kapag napalapit ka sa akin marealize mo na hindi pala ako deserving diyan sa pagmamahal mo. Masyadong pang fairytale ang features mo. Hindi bagay sa hindi naman pang knight in shining armor na tulad ko.”
“Ayiiieee. Concern siya kung deserving ba siya sa pagmamahal ko.” tukso ko sa kanya.
“Pero kung ganun yung sitwasyo natin, handa akong umalis sa fairytale ko makasama ka lang.” tumawa lang siya.
“Can I have a favor?”
“Ano yun?”
“Don’t leave until I told you to do so.” tumango naman ako sa kanya.
“ I’m just afraid to be left again. Because the last time it happens I almost gave up. It breaks me to bits. I mean, mahalaga ka sa akin. I don’t want another person walk away in my life.”
“Hindi naman kita iiwan diba. Depende na lang kung sasabihin mo. I mean, yung talagang mini-mean mo na.” pareho kaming tumawa.
“Tulog na tayo.” sabi niya sa akin. Lumapit siya sa akin sabay kiss sa noo ko.
(Sandra’s POV)
“Hoy! Bakit ganyan ang mga itsura niyo?” sigaw ko sa dalawa.
Pano ba naman pagpasok ko doon sa apartment ni Nathan eh nakahilata itong si Angel sa sofa na parang mag-aagaw buhay na sa sobrang pagod. Ito namang si Nathan hindi ako kinakausap. Pag may gusto siyang sabihin inaact niya lang. Nung una akala ko nagsha-sharades kami kaya natuwa ako kaso ngayon seryoso na ‘to. Hindi na nakakatuwa. Ang hirap kaya manghula.
“Sinayaw ko lahat ng kinanta ni Nathan!” masayang sabi ni Angel habang bumabangon. Mukhang narecover niya na ang mga lakas niya.
“At bakit niyo naman naisipan yan?”
“Hmmmm. Boring kasi.” sagot ni Angel. Tumango naman si Nathan.
“Ewan ko sa inyo. Punta lang ako 7/11. Babalik din ako. Kagutom eh.” tinignan ko kasi yung cupboard nila. Walang laman. Kung kelan ka gutom saka naman walang malamon.
“Sama ako!” taas kamay na sabi ni Angel.
“Ikaw Nathan?” umiling nalang ito. Ayan kanta pa. Buti nga sa’yong napaos ka. Mean bestfriend, I know. Hahaha.