(Nathan's POV)
“Asan si Angel?” tanong ni Sandra pagpasok nya sa apartment ko. Tinawagan ko kasi sya na pumunta dito.
“Date” emotionless na sagot ko. Nanlaki naman yung mata ni Sandra
“Really? Congratulations! Kaya mo ba ako tinawagan para sa party?”
“Wala akong pera para mag party party. Saka nag-aalala na nga ako sa demonyitang yun eh. Hanggang ngayon wala pa. Kukurutin ko singit nun pag uwi eh”natawa naman si Sandra sa sinabi ko. Tell me, nagjojoke ba ako? Psh.
“Hanggang ngayon kuripot ka pa rin. And you sound like a mother na sobrang nagaalala sa anak nya”
“Seryoso ako dito Sandra” medyo inis na sabi ko. Nagagawa nya pa kasing tumawa samantalang ako nag-aalala na sa kalagayan nung babaeng yun. Biglang sumeryoso yung mukha ni Sandra
“Tell me, do you already like Angel?” nanlaki yung mata ko sa tanoong nya. Hindi ko alam yung isasagot ko.
“Hindi ah! Kadiri naman yang sinasabi mo”
“Don’t be afraid of showing your feelings. Be afraid of regretting it when you don’t”
Ewan ko pero bakit natamaan ako doon sa sinabi ni Sandra. Hindi pa naman sure ah. Bakit ba masyado nila akong pinepressure. Pinepressure ba nila ako? O baka ako lang yung pumipressure sa sarili ko. Ewan basta ang alam ko hindi ko sya gusto! HINDI. Eh ano tong pinaglalaban ko? Wala naman pala. Ano ba ang baliw ko. Tama naman diba. Wala naman talaga kasi akong feeling na dapat ipakita. Bakit masyado kong binabother yung sarili ko. Sinundan ko na lang si Sandra sa kusina. Nagluluto pala sya ng popcorn. Manonood daw kasi kami ng Adventure Time. Dinamay pa ako.
Nakatulog na si Sandra sa panonood ng Andenture Time pero wala pa din si Angel. Napano na kaya yun. Magpablotter na kaya ako sa pulis. Ipa-xerox ko na kaya yung selfie nya dito para ipaskil sa mga poste na missing. Calm down Nathan, safe si Angel. Inhale. Exhale.Calm down! Calm down eh wala pa sya. Safe ba yun?! Nakarinig ako ng maghinto ng engine ng sasakyan sa tapat ng apartment. Pumunta ako sa may tapat ng pintuan para makita kung sino yun. Nakita ko si Angel at Keith na masayang nagkukwentuhan. Hindi ko alam pero bigla na lang nag-init ang ulo ko. Dala siguro ng pagod at stress dulot ni Sandra. Sakit naman talaga yan sa ulo eh. Umakyat na lang ako sa kwarto at iniwan si Sandra na nakadapa na parang starfish sa may sala. Bahala siya sa buhay niya. Wala akong time para sa kanya. Naiinis ako.
(Angel’s POV)
Pagpasok ko nakita ko si Sandra na nagpaplanking sa may sala. Nilapitan ko sya. Tulog pala. Sinubukan ko syang tapikin sa braso pero ayaw nyang magising. Kinurot ko ang hita nya pero ang sarap pa rin ng tulog nya. Sinampal ko na sya pero wala pa ring effect. Pag-akyat ko sa kwarto nakita ko si Nathan na nakahiga na doon sa kama. Itong dugyot talaga na to ang maldita. Iwan ba naman yung bestfriend doon sa sala.
“Dugs, iakyat mo si Sandra dito. Parang palaboy doon sa baba” nakapamewang na sabi ko. Hindi siya sumasagot. Nilapitan ko na siya. Tulog na din. Bumaba na lang ulit ako at binuhat si Sandra paakyat. Grabe ang bigat naman nitong babaeng to. Overfeed ba to ngayong gabi. Bakit parang ako na si Atlas at buhat ko na ang mundo. Inihiga ko na lang siya sa tabi ni Nathan at bumaba na. Siguro sa sofa na lang ako matutulog. Pinoposisyon ko na ang sarili ko sa sofa nang humiga sa may carpet sa sala si Nathan.