Chapter 16

224 5 3
                                    

Dalawang araw na matapos nung confrontation namin ni Nathan. Dalawang araw na walang kibuan. Dalawang araw na walang pansinan. Kahit nasa iisang bubong lang kami, halatang ilag kami sa bawat isa. Hindi naging mahirap sa amin ang pag-iwas. Madalas siyang wala sa bahay at gabi na umuuwi samantalang madalas naman ako kila Keith para sa pagrereview sa kanya dahil malapit na ang exam namin. Hindi ko lang sure kung may natutunan nga si Keith sa akin dahil halos harutan lang ang ginawa namin. Kahapon nga ay nagawa naming batis yung kusina nila eh. Pano ba naman hagisan daw ako ng isang timbang tubig. Syempre hindi naman ako magpapakabog kaya ang naging ending, may mini pool sa kusina nila. Medyo napagsabihan tuloy kami ng mama niya at bilang kaparusahan ay nilampaso namin yung baha gamit ang cotton ball. Imaginine niyo na lang kung anong oras kami natapos kung tig isang cotton ball lang ang pang punas namin. Sabi ng mama ni Keith dapat daw kami matuto ng leksyon. Ang laki laki na daw namin parang bata pa rin kami umasta. Ayun literal ginabi ako ng uwi.

Napabuntong hininga ako bago buksan yung pinto ng apartment ni Nathan. Hanggang kelan kaya siya magagalit sa akin. Hindi naman ako makapagsorry kasi iniiwasan niya ako saka natatakot din ako. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakaupo si Nathan sa sala habang nanonood ng TV. Maggagabi na pero maaga itong uwi ko na to kesa noong mga nakaraang araw kaya nakakapagtaka na nandito na siya. Madalas kasing nauuna akong makauwi sa kanya.

Dire-diretso lang ako sa banyo para maligo. Ang lagkit na kasi ng feeling ko eh. Pagbaba ko ay nakahain na ang dinner. Nasa may sink si Nathan habang nagtitimpla ng juice. Napatingin siya sa akin na papunta sa sala. Nakita ko pang nilapag niya sa table yung juice na kanina ay tinitimpla niya. Medyo lumapit siya sa akin pag upo ko sa sofa.

“Sabay na tayo. Lalamig na yung pagkain mamaya.” medyo napatigil ako sa sinabi niya. Sa loob ng dalawang araw ay ngayon niya lang ako kinausap ulit. Napatango na lang ako sa kanya at sinundan siya sa may kusina.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tanging ang pagtama ng kutsara at tinidor sa plato ang maririnig. Natapos ang hapunan namin na ganun lang. Kanya kanya din ng hugas. Hindi uso ang toka toka tulad ng dati pero ayos lang dahil ako dapat ang maghuhugas this week kaya menos hugasin din. Dumiretso si Nathan sa sala. Mukhang manonood pa siya. Ako naman ay umakyat na para makapagpahinga. Nakakaubos din ng pagkatao ang pagtututor noh. Nakaharap ako sa may bintana ng kwarto. Ibig sabihin kung nakahiga sa tabi ko si Nathan, nakatalikod ako sa kanya. Nakapikit na ako pero hindi pa rin ako makatulog. Ganyan ako ng mga nakalipas na araw. Buong gabi iisipin kung kalian kaya ni Nathan makakalimutan si Katrina. Kung makakalimutan nga ba niya. Kung naghihintay lang ako sa wala. Unti-unti na kasi akong nawawalan ng pag-asa. Nakakatawa lang isipin na ang makatatalo pa sa akin ay yung taong wala na. Sanay kasi ako na ako yung angat. Ako yung lamang. Ako yung apple of the eye. Lahat yun taliwas sa mga paningin ni Nathan. Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko. Antok na antok na ako pero hindi pa rin ako makatulog. Napatigil ako sa pag-iisip sa insomnia insomnia-han ko ng maramdaman kong may gulaw sa may kama. Si Nathan yun. Matutulog na siguro siya. Nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa likuran. Ramdam ko yung init ng katawan niya. Nararamdaman din ng likuran ko yung abs niya.

“Sorry. I just lost my sanity. Ayoko ng ganito. Ayokong nag-iiwasan tayo. Nakakapanis ng laway eh. Oi bati na tayo.” napangiti ako sa sinabi niya. Ang saya lang na siya yung hindi nakatiis sa amin. Tumalikod ako kaya nagkaharap kami. Nakayakap pa rin siya sa akin.

“Sorry din. I crossed the line but I’m not regretting what I say and did.” bahagya siyang ngumiti at pinisil ang ilong ko.

“Naughty girl.” pareho kaming natawa. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin kaya mas lalo kaming napalapit sa isa’t isa.

“Bati na tayo ah.” tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Napangiti naman siya sa sagot ko. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. At hinalikan niya ako. Sa noo.

“Matulog na tayo. Goodnight debs.” napangiti ako dahil bigla ko namiss yung tawag niya sa akin. Ironic right. Alam kong nilalait niya ako pero natutuwa ako. Siguro ganun talaga ang epekto ni Nathan.

“Goodnight Dugs.” hindi ko alam pero bigla na lang ako nakatulog. Siguro nakakawala ng insomnia yung yakap ni Nathan.

- - - - -

Nasa cafeteria kami ngayon ni Sandra habang nagrereview para sa long quiz namin mamaya. Ako yung magtatanong tapos sasagutin niya pero simula kanina ay wala pa siyang nasasagot ng tama. Kanina pa din yan nakasimangot.

“Sandra, yung totoo, mag-aaral tayo o sisimangot ka lang dyan buong araw?” napatingin naman siya sa sinabi ko. Nagsalungbaba pa siya habang suot suot ang simangot niyang mukha.

“Aanhin ko pa ang edukasyon kung ang aking inspirasyon ay nagpapractice na sa graduation.”

“Hoy! Kung makapagdrama ka dyan kala mo ang tagal mo ng nakilala si Kuya David. Nung isang linggo mo lang  yun nakilala noh.” dahil sa sinabi ko ay napatayo siya sabay palo sa mesa.

“Love moves in mysterious way noh. Bakit ba? Saka kamukha niya talaga yung bida sa isang Korean movie na napanood ko. Kaiinis nakalimutan ko yung pangalan nung lalaki dun.” hinila ko yung kamay niya para makaupo ulit siya. Pinagtitinginan na kasi siya ng mga tao dito sa loob ng cafeteria. Yung mga tingin pa nila ay parang nakakita sila ng isang psychopath sa isang normal day nila.

“Kung yung lesson kaya natin yung alahanin mo imbes na yung pangalan ng koreanong artista na yan ha.” inirapan niya lang ako sabay agaw ng libro sa akin. Grabe naman yung impact ng A Moment To Remember sa kanya. Kaya pati si Kuya David pinepeste niya dahil kalokalike niya yung bida doon sa movie na yun. Last month lang namin napanood yun pero nakalimutan niya na agad yung title nung movie. Sira talaga si Sandra. Naalala ko todo iyak sila ni Nathan sa movie na yun. Nasingahan pa ni Sandra yung boxer ni Nathan na pakalat kalat dahil sa sobrang iyak niya. Hindi tuloy ako nakaiyak kakatawa sa kanila.

“Hoy! Bukas na pala ang trip to Boracay mo ah.” sabay baba niya sa librong binabasa niya.

“Oo nga noh. Hindi pa pala ako nakakapag ayos.” nakalimutan ko na yung photoshoot dahil masyado akong nakafocus doon sa naging away namin ni Nathan.

“At bakit kailangan mag ayos? Ha?” nilapit pa nito ang mukha niya sa akin na parang sinusuri ang buong pagkatao ko. Nilayo ko naman ang mukha ko sa kanya sabay lapat ng palad ko sa mukha niya. Ang lapit niya kasi eh.

“Ang sinasabi ko lang, hindi pa ako nakapag impake.” umayos ito sa pagkakaupo.

“Mabuti. Akala ko nagpapacute ka kay Keith eh.” kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Sandra.

“Hindi ako aso para magpacute. At ano namang connect ni Keith dito?”

“Duh. Siya kaya yung photographer.”

“HA?” hindi ko na napigilang mapasigaw sa loob ng cafeteria sa sobrang gulat.

A Gay's Love Story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon