(Nathan’s POV)
“Ako nga dyan sa kanan eh! Ang kulit mo!”
“Ayoko nga sa kaliwa! Di ako makatulog pag dun akong side!”
“Leche! Layas!”
“Aray! Kelangan nanunulak?!” Tinulak ko kasi sya. Ayun nasa lapag na ang demonyita. Pumwesto na ako dun sa kanang part. Hati kasi kami sa kama. No choice eh iisa lang kama ko dito. Oi wag kayong ganyan wala naman akong gagawing masama dyan. As if naman! Yuck lang ha! Disturbing images. Ang sarap na ng pagkakahiga ko. Patulog na ako eh ng may dumagan sakin.
“Anak ng teteng ANGGGEL! Ang bigat mo!”
“Yah! Yah! Yah!” At di lang nakuntento sa pagdagan sakin. Ako naman ang tinulak!
“Lechugas! Magsama kayo ng kamang yan! Saksak mo yan sa baga mo! Imbyerna! DEVIL GIRL!”
“ARRRRRRRGH!” Nagwalk out na ang beauty ko. Bwisit talaga yun. Sofa tuloy ang peg ko. Ayoko nang bumalik doon para kumuha ng unan at kumot. Sobrang naiirita ako sa kanya ngayon. Sya na nga nakikitira dito, ako pa ang sa sofa! Nakngpupu lang ah! Ilang oras na akong nakahiga dito sa sofa pero di pa rin ako makatulog. Duduwangin ko nga muna yung demonyitang yun dun sa kwarto. Pag silip ko sa kwarto, ang sarap na ng tulog. Kahiya talaga sa kanya! Bumalik na lang ako sa sala pero di ko na sinubukang matulog.
Nagising ako na may kumot na ako. Siguro yung demonyitang yun yung naglagay nito sa akin. Mukhang gising na sya kasi may naamoy na akong mabango dun sa kusina. Sakto! Gutom na ako eh. Pumunta na ako dun sa kusina. Nagluluto nga sya dun.
“Hoy Devil Girl ano yan?”
“Pagkain. Bulag ka ba? Bobo much ah!”
“Bwiset! Alam kong pagkain yan. I mean, anong pagkain? Common sense naman ”
“Sorry ah! Wala ata ako nun! Ikaw lang ata pinagkaluoban eh. Pasalamat ka crush kita!”
“Hoy! Ang aga-aga wala pa akong nakakain pinapaumay mo na ako!”
“Kilig ka lang eh! Sige na punta ka na dun. Tapos na to. Ihahanda ko na”
Nauna na syang pumasok sa akin. 8 AM kasi pasok nun ako naman mamaya pang 10. May mga subjects din naman kasi kaming hindi magkaklase eh. Kaya pag wala sya, good riddance. Hahaha. Mga bandang 9 nung umalis ako ng apartment ko.
THURSDAY
Isa lang masasabi ko sa araw na to. STRESSING! Hapit ang schedule. Malapit na kasi kami mag Pre-lims eh. Ang daming chu chu dito, ek ek doon. Sinabayan pa ng mga mahaderang linta dyan na sumusunod sa akin. Akala mo mga Barbie ang itsura kung makapagpacute sa akin. EH SI CHUCKY NAMAN KAMUKHA! Saka di ba obvious na mas maganda pa ako sa kanila? Nagsusumigaw na nga yung mukha ko sa kabadingan, di pa rin magets? Mangyan lang. Buti na lang good pet ngayong araw na to si Angel. Missing in action sya today. Didiretso na ako ngayong umuwi kasi sobrang pagod ko. Pagpasok ko ng apartment. Aba ang tahimik ah. Didiretso na ako sa kwarto. Pagpasok ko sa kwarto.
(O.O) < tsura ko
Pano ba naman si Angel nasa gitna ng kama. Nakatayo kasi sya sa taas nito. At may hawak pang latigo habang sinasabayan yung kanta ng Maroon 5 na Kiss. Grabe lang ah. Nangseseduce ba to? Napatingin sya sa side ko at nakita ako. At imbis na mahiya sa ginawa, ngumiti pa to na parang nang aakit at mas lalong sumayaw.
Parang nasemento naman ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong uunahin kong gagawin. Tatakbo at hihingi ng tulong? Sasabunutan sya? Tatawanan sya kasi mukha syang tangang sumasayaw? Wala sa mga yun ang ginawa ko. Nakatayo lang ako dun at pinapanood ang pagsayaw nya. Unti- unti syang lumapit papunta sa akin. Ako steady pa rin. Palapit na sya ng palapit. Ayan na! OMG! Bibigay na lang ba ako ng ganito- ganito lang. tao lang din naman ako ah! Marupok din. Malapit na sya sa akin. Mga 1 meter away na lang kami. Ayan na!
Biglang syang nag curtsy. Tapos na pala yung kanta. Next song! Kiss You ng One Direction. Nagkatinginan pa kaming dalawa. Mga 20 seconds seguro kaming ganun. Hanggang sa may unti- unting nabuong ngiti saming dalawa. Nag unahan pa kami sa pagtakbo sa kama.Ginawa namin? Ayun nagtatatalon na parang baliw dun habang sinasabayan yung kanta. Naghehead bang pa kaming dalawa. Party party na kami!
Nagkabatuhan pa kami ng unan. Medyo amazona pala tong babaeng to. Ang sakit ng hampas ng unan sakiin eh. Hampasan lang kami ng hampasan hanggang sa pareho kaming nahulog sa kama. Pareho na lang kaming natawa sa nangyari. Maya- maya umayos na sya ng upo sa kama. Sumunod naman ako sa kanya. Nakaupo kaming dalawa sa kama.
“Devil girl”
“I told I’m not devil”
“Whatever! I just want to ask you something”
“What’s it?”
“Why are you keep on sticking on me?”
“Because I want to be appreciated by someone. And that someone is you”
“Drama mo! Tulog na nga lang tayo”