(Nathaniel’s POV)
Lahat ng tao may kinakatakutan. May mga taong takot sa multo. Meron naman sa ipis o sa daga. May mga sa masisikip na lugar, sa heights, sa manika at iba pa. Ako? Isa lang naman ang kinakatakutan ko. Ang makita ang pagmumukha ni Angela Haven Buenavista. Oh well, if your thinking na mala angel sya dahil sa kanyang pangalan. LECHUGAS! Para syang Sprawn from Hell! Nakakatakot sya especially when she’s annoying me. She really CREEPS ME OUT!
“Sandra! Itago mo ako. Paparating na ang Demonyita!” Sabi ko sa bestfriend kong si Sandra habang nagtatago sa likod nito. Bumalik na kasi to ngayon Pinas kaya ayan ako nanaman ang guguluhin.
“Nathan Calm Down! Lumiko na sya. Paranoid much ang lukaret? Iba rin ang alindog mong babaita ka ah!” Pang-aasar sakin ng bruhildang bestfriend ko.
“Yuck! Duh! As if namang pinangarap kong maglaway sakin yung Demonyitang yun. Haay. Bakit ba may mga mangyang naligaw dito sa syudad na hindi alam ang salitang THIRD SEX.”
“Wow lang teh ah. Pasalamat ka nga at may nagtyatyaga pang magkandarapa pa sayo noh! Choosy pa?!”
“CHE! Mas hihilingin ko pa na walang magkagusto sakin kung ganun lang noh. Naiimbyerna ako. Nakakasira ng beauty ha.”
“Pero honestly ha, bagay kayong dalawa ah.”
“Over my DEAD SEXY BODY!” Emphasizing every word with conviction. Natawa naman ang lokaret.
“O sya. Layas muna ako. May next class pa ako. See you mamayang uwian.”
“Yeah. Whatever! Shoo! Pasok na din ako.” Pumasok na ako sa classroom namin. Last week lang nagsimula ang pasukan at ito ang first meeting namin sa Statistics namin.
“Goodmorning class” Bati samin ni Sir Dimalanta.
“Since first meet up natin to hindi muna ako magtuturo. First, I’ll arrange you alphabetically para mas madaling mag attendance at mag ayos ng grades. And in my subject I have this buddy rule. You must be with your buddy always. Kayo ang tatanungin kung asan sya or reasons why he or she is absent. And most of my activities is by partner so your buddy will also be your partner for the whole sem. Yung makakatabi nyo yung magiging buddy nyo. Alright?” Nakatayo lang kami sa gilid ng classroom at hinihintay na tawagin ang mga pangalan namin. Medyo matagal kasi nasa mga 150 kaming lahat.
“Mr. Buenaventura dun ka sa pinakadulo sa right side.” Ayun. Sa pinakadulo. Ayos to. Hindi mahahalata na natutulog ako sa klase.
“Ms. Buenavista, dun ka sa tabi ni Mr. Buenaventura.” Haanudaaaw??!! Kaklase ko sya? Katabi ko sya? And worst, Kabuddy ko sya??!! What the freaking hell?
“Woaah!Look who’s here. Ang lovelife ko. Hi CRUSH! And. Uhhm. BUDDY?!” Tumawa pa ang demonyita na parang kontrabida sa isang telenobela.
“Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo. At patahimikin mo yang bunganga mo!”
“Why so cold to me my dear huh? After all this year di pa rin nagbabago yang treatment mo sakin.” Umarte pa ang babaita na maluha-luha with punas pisngi pa na wala naming luha. Arte much ah.
“And after all this year, hindi mo pa rin ako tinatantanan. What the hell is with you ha?”
“Don’t you get it? 10 years ko ng pinauulit dyan sa kokote mo yun ah. Pero dahil malakas ka sakin I’ll repeat one it more time. Beacause I real-“
“You really really like me!” Ako na ang tumapos sa sasabihin nya. At pumalakpak pa talaga sya ha. Haay. I think this day would be mess. A BIG MESS!
(At Sandra’s House)
“HAHAHAHAHA. So I think she have a reason na to be with you. No stalking anymore” Pang iinis sakin ni Sandra.
“Whatever Sandra! I’m totally pissed off so please wag mo ng dagdagan pa ha!”
“Fine! Pero grabe ha. She’s too persistent to have you. Look, 10 years ha. Gusto ka na talaga nya kahit nung mga panahong lugain at uhugin ka pa.”
“WHAT THE HELL Sandra! Hindi ako naging lugain at uhugin noh! Sya nga yun galisin at puro kuto nung bata kami noh!”
“O sya, tulungan mo na lang ako dito sa mga student list ko. Hirap talaga maging University President.”
“Dami naman kasing ek ek ng school natin eh. May pa government government pang nalalaman. Tsk!”
“Landi mo! Tumulong ka na lang!”
“Fine! Whatever!”
(Angel’s POV)
Ayun sikat na ako. Nagka POV lang sikat na agad? Assumming much? Eh care nyo ba. Good Vibes ako today. Know why? Syempre may class nanaman kami ng Statistics today. Sinisipag tuloy akong mag-aral. HAHAHA. Well, inspired ang lola mo. Di ko lang naman classmate at seatmate si Nathaniel Buenaventura noh. He’s also my BUDDY! Yeah baby. Pagpasok ko ng classroom, ang gwapong mukha agad ni Nathan ang bumungad sakin. Mas lalong Good Vibes! :”>>>>
“Goodmorning!” Masiglang bati ko sa kanya. Inirapan ba naman ako ng lukaret.
“What’s good in the morning? Fezlak mo pa lang biyersanto na araw ko.”
“Sungit naman ata ngayon ng CRUSH ko.”
“Whatever! Just shut up and stop that kind of smile. Hindi ka nag eendorse ng Colgate.”
Nakinig ako buong klase. Nagsulat pa nga ako ng notes sa sobrang Good Vibes ko. Tinignan ko pa si Nathan na natutulog. He’s so gwapo talaga! Panira lang yung hair clip sa buhok nya. Pero ayos lang gwapo pa di sya. Kilig much ako dito. Pwede bang magsuka muna ako ng rainbow dito. Yiiieeeee. :”>>>>>
Natapos ang buong klase na tulog si Nathan samantalang ako naman ay todo kilig este kinig pala. Kumpletong kumpleto pa ang notes ko. Ngayon nga lang ako nag take down notes kasi baka maghanap ng mahihiraman ng notes si Nathan syempre dapat laging handa. Batang Bonakid. Well, ganun talaga! Hahaha. Papalabas na ng room si Nathan ng habulin ko sya.
“Nathan, uuwi ka na ba?”
“Ay hindi! Papasok pa lang ako! Nakita na ngang palabas na eh”
“Whatever! Sabay na tayo umuwi” Yaya ko sa kanya sabay kapit sa braso nya.
“No Freaking Way!! Saka lumayo ka nga sakin. Para kang linta makakapit eh! Umuwi ka mag isa mo! Para san pa yang paa mo kung di mo gagamitin.”
Haay. Dahil pakipot ngayon yung CRUSH ko umuwi ako mag-isa.
(Sandra’s POV)
Nakita kong nag-uusap itong si Nathan at itong si Ms. Stalker nya. Mukhang imbyerna nanaman yung bruhildang yun sa stalker nya ah. Umalis na si Ms. Stalker. Okaay. Eentra na ako sa Eksena. Hahaha. Well, dakilang extra ako dito eh. Care nyo ba?
“Having GOOD time with Ms. Stalker huh?” Pang iinis ko. Umirap pa ang baklita! Aba aba. Nagtataray ah.
“GOOD your face Sandra. Tsaka nandyan lang yan para imbyernahin ako. Grrrrr. Bakit ba kasi yan umuwi ng Pinas eh. Dapat nabagsakan na lang yan ng Eiffel Tower dun sa Paris. Nakakayamot ang pagdating nya dito.”
“Asus. O sya umuwi na nga lang tayo”