"Eventually, you'll end up where you need to be, with who you're meant to be with and do what you should be doing."
Abby POV
"Good morning, ma." Bati ko sa aking ina sabay halik sa pisngi niya.
Kadarating ko lang kahapon galing Paris. Bukas na kasi yung binyag ni baby Ashley. Anak nina Danielle at Camille. My first niece kaya di pwedeng wala ako dun. Isa pa, magiging ninang din daw ako. Tita na, ninang pa! Iba rin trip nung mag-asawang yun eh.
"Good morning too, hija." Bati din niya sa akin ng maupo na ako sa opposite niya. "Kumusta ang tulog mo?"
Tanong niya sa akin habang kumukuha ako ng tinapay. Sinalinan din ng katulong yung tasa ko ng kape at sa tabi ay fresh orange juice.
"Good." Tipid kong sagot sabay ngiti sa kanya.
Sa totoo lang parang namahay ako dito sa bahay ng parents ko sa Batangas. Di naman kasi ako nagpupupunta dito kahit noon pa. At dito ako tumuloy pagkagaling ko ng Paris para bisitahin na din si Alexandra mamya.
"Where's dad?" Tanong ko sa kanya at nagsimula na akong kumain.
"Para namang hindi mo yun kilala." She rolled her eyes. "Di pa yata tumitilaok yung manok nakalabas na ng bahay."
My mom is a half Filipina half Scottish. Pero mas nanaig yata sa dugo niya ang pagka-Scottish niya kaya naman pati sa akin ay naipasa niya. Her blue eyes and stance. Pero hindi yung kulay ng buhok niyang kulay itim. Namana ko yung kulay ng buhok ko sa dugo ng Montalban. Parang signature na yata namin iyon.
"I'm going to Alexandra's place later and then sabay na kami babiyahe papuntang Pasay to attend baby Ashley's christening." Paalam ko sa kanya.
Naibaba niya yung kutsara't tinidor niya sa narinig. "Hija naman kadarating mo pa lang tapos aalis ka na agad?" Parang may hinampong sabi niya sa akin. "Mahigit isang taon din na di kita nakita at nakasama."
"Ma..." Lambing ko sa kanya.
"Abegail..." Parang alam ko na kasunod kapag ganung tinatawag niya ako sa buo kong pangalan. "Hija, di ba pwedeng dito ka na lang ulit tumira sa Pilipinas?"
Sabi na eh. "Ma naman, how many times do we have to talk about this?" Sa tuwing tatawag yata ako sa kanya nung nasa Paris ako, yan lagi inuungot niya sa akin.
"Para namang wala na akong anak niyan..." Malungkot na sabi niya.
"That's not true!" Bulalas ko sa kanya. "And you know how much I wanted this. You know I've dreamed of this and now it's all coming into reality."
"Di ba pwedeng mag-extend ka ng stay kahit three months lang?" Pakiusap niya sa akin she even touched my hand na nasa ibabaw ng lamesa.
I sigh. "Alright."
Napangiti na siya sa isinagot ko kahit papaano. Hindi naman sa ayoko silang makasama, pero heto na yun eh. Yung pangarap ko. Nandito na, natutupad na lahat lahat. Ngayon pa ba ako bibitiw?
Pagkatapos ko maligo at magbihis, kumuha ng ilang gamit since may damit pa naman ako sa condo ko sa Makati, umalis na ako ng bahay at pumunta na sa hacienda.
Agad akong pinapasok ng mga guard ng nasa bukana na ako ng hacienda. Wala pa ring pinagbago ang loob nito. Ganun pa din. Pero tiyak yung taong dadatnan ko ang may malaking ipinagbago simula ng magpasya siyang lubayan si Arabella.
Napailing iling ako habang paliko papunta sa mansiyon. Kung gaano kasaya si Danielle ngayon sa kanyang buhay pag-ibig ay ganun naman kalungkot ang kay Alexandra.
![](https://img.wattpad.com/cover/87893741-288-k742090.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Out of My League
RomanceAbegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the time a brat. Mataas ang standards niya sa lahat ng bagay. Hindi uso sa kanya yung 'pwede na' lang...