"If you were torn between two lovers, choose the second one. Because you will not fall in love with the second if you really love the first one."
Ana POV
Ilang araw ko na bang iniiwasang makausap si Abby? At ilang beses na ba akong nahuli ni mama na nakatulala lang? Ilang beses ko na din bang tinanong ang sarili ko, idamay mo na yung puso kong salawahan kung bakit ako na fall kay Abby?
Ilang beses ko ba pinaalalahanan yung sarili ko na may boyfriend na ako? Ang tigas kasi ng ulo ko eh. Hinayaan ko lang na madarang ako sa nagbabagang apoy.
Yes, I am in love with Abegail Montalban. Na confirm ko yan sa ilang beses kong pagtanggi sa mga alok niyang dates at pagkatapos ko ibaba ang telepono, ay bigla bigla na lang tutulo yung luha ko dahil nasasaktan ako sa tuwing gagawin ko yun?
Gusto ko ding makausap si Edison, pero sa tuwing gagawin ko yun, nawawalan ako ng lakas ng loob magsabi sa kanya. Oo na. Ako na ang duwag!
Okay na kasi yung buhay ko nun eh. Bumalik pa kasi siya... Pero mas ang dapat sisihin ko ay yung sarili ko dahil nagpatangay ako.
Kahapon, nagulat ako kasi bigla na lang ako binisita ng mama ni Abby at kinumusta yung pinag usapan namin nun sa resort nila sa Batangas. Gusto niya kasing pigilan ko si Abby na bumalik ng Paris. Pero paano ko yun gagawin? Isa pa, kung yun talaga makakapagpasaya kay Abby, kahit pa na gusto ko siya mag stay dito sa Pilipinas para makasama ko pa, pero ayoko naman siyang ikulong. I will let her go, fly and soar high. Hindi ko siya kailanman puputulan ng mga pakpak para lang makasama ko siya.
Hayun nga, pinakiusapan niya ako nun na gumawa daw ako ng paraan para wag na siyang umalis. Ang sabi ko naman nun na wala naman po akong karapatan na pigilan siya. She thought daw kasi na girlfriend ako ng anak niya. And ngayon lang daw kasi may ipinakilala si Abby sa kanila na karelasyon niya. Natuwa naman ako sa loob loob ko dahil ako pa lang pala ang naipakilala niya sa mga magulang, pero naisip ko din na baka dahil sa kaibigan ko na siya at ng pamilya Montalban.
Hindi na niya ako pinilit pa na pakiusapan si Abby na wag ng umalis at dumito na lang. At yun nga, nandito na naman siya sa opisina ko, sinadya na niya talaga ako mismo at pakiusapan na naman. Dahil anytime soon, aalis na si Abby pabalik ng Paris dahil tatlong buwan lang daw hiniling niya dito na mag stay.
Sinabi ko na sa kanya yung totoo na I'm in a relationship right now, na my boyfriend ako. Ikinagulat niya yata yun. Hindi pa nga siya agad nakapagsalita. Tapos, sinabi na lang niya na birthday pala ni Abby nung isang araw. Ako naman yung nagulat kasi hindi ko alam. Bigla din akong nakonsensya dahil ng araw ding iyon ay tinanggihan ko siya.
Pagkaalis ng mama niya, napaisip ako kung paano ako makakabawi sa kay Abby. Naisip ko yung sinabi niya nun sa Batangas, yung sa truth or dare namin. Her wildest dream daw.
Sa totoo lang, kung isa kang ordinaryong tao at narinig mo yung sinabi ni Abby nun? Matatawa ka kasi parang ang dali dali lang nun gawin eh. But she's not an ordinary person. She is Abegail Montalban, pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Hindi siya yung basta basta lang. Na pwedeng pwede mong dalhin kahit saan.
Kaya naman ngayon, napagpasyahan kong tuparin yung ika nga niya eh wildest dream niya. Nag leave ako ng opisina, yup paubos na yun sa dami ng leave ko pero okay lang kasi si Abby naman yan. Maaga ako nagpunta ng Star City, mas malapit kasi kaysa sa Enchanted Kingdom, nag commute pa talaga ako kasi nga coding yung sasakyan ko. Dun ko na lang siya hinintay hanggang two in the afternoon. Kapag kasi Mondays through Thursdays, 4PM nagbubukas yung amusement park, pero since Friday ngayon, til Sunday yun, 2PM sila magbubukas. Mas maaga ng konti at mas madami kami pwedeng mapuntahan at masakyan.
BINABASA MO ANG
She's Out of My League
RomanceAbegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the time a brat. Mataas ang standards niya sa lahat ng bagay. Hindi uso sa kanya yung 'pwede na' lang...