"Anyone can make you happy by doing something special. But only someone special can make you happy without doing anything."
Ana POV
Masayang masayang nakahilig ako sa balikat ni Abby habang nagda-drive siya papuntang Lian, Batangas.
Kagagaling lang namin kasi sa Boracay at dun nag spend ng isang linggo na kami lang magkasama. Umalis kami ng umaga ng Sabado at kakauwi lang namin kahapon, Biyernes. At ngayon nga papunta kami ng Batangas dahil matagal na ding inuungot ng mama niya na dalawin naman daw namin siya at nalulungkot na.
"Ano iniisip mo?" Tanong niya sa akin.
"Wala." Sabi ko kahit na ang lapad ng ngiti ko.
Ang saya lang kasi nung one week namin na yun ni Abby. Nag island hopping kami, snorkeling, nag sun bathing at madami pang iba. At ang labas eh parang yun na yung naging honeymoon namin ni Abby. Makasama ko lang siya masayang masaya na ako.
"Inaantok ka ba?" Tanong pa niya sa akin.
Pakiramdam ko mas lalo pa siyang naging extra sweet sa akin ngayon.
"Hindi." Agad na sagot ko sa kanya. "Masaya lang ako kasi kasama kita the whole week."
Tumawa siya ng mahina. "Minsan kasi wag ka na nagpapakipot pa sa akin." Tukso niya. "Ah!" Sigaw niya ng kinagat ko yung braso niya pero di naman yun madiin. "Dapat layuan mo si Itsumo nagiging kaugali mo na eh." Dagdag na biro niya.
"Sobra ka naman." Kontra ko sa sinabi niya. "Nang aasar ka kasi eh."
"Ang sarap mo kasi asarin minsan. Ang dali mong mapikon." Sabay tawa pang sabi niya.
"Hmp!" Sambit ko pero nakahilig pa rin ako sa balikat niya.
Masaya ako masyado ngayon para mapikon. Alagang-alaga talaga ako ni Abby. Kaya naman kapag magkasama kami, pinagluluto ko siya tsaka pinagsisilbihan din.
"Abby?" Tawag ko sa kanya mayamaya.
"Hmm?" She hum.
"Gusto ko ding magka-baby." Sabi ko sa kanya at napangiti.
"I want it too, hon." Sagot naman niya sa akin. "But," She paused at napaayos ako ng upo saka siya tiningnan. "Maybe now is not the right time for that."
"Bakit naman?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Dahil hindi ka pa nga lubusang magaling." Saad niya at bahagyang lumingon pa sa akin.
"Eh di ikaw magdala." Agad na sabi ko.
"What?!" Nagulat na sabi niya. "No way!"
Napairap ako sa kanya. Kung makatanggi naman ito parang ang sama sama ng gagawin.
"Sige ako na lang." Wika ko.
"Hindi ka pa nga magaling." Inulit pa niya.
"Magaling na ako. At kaya ko na magbuntis." Nakasimangot na sabi ko. "Memories lang naman nawala sa akin hindi yung matris ko!" Asar pa na sabi ko.
Tinawanan ba naman ako ng malakas. "Hindi ko naman sinabing wala ka nun!" Tatawa tawa pang sabi niya.
"Hmp!" Asar na sambit ko. "Hindi kita kakausapin!"
Natawa na naman ulit siya. "Para ka talagang bata." Iiling iling na sabi niya.
"Wag mo akong kakausapin!" Napaismid ako sa kanya saka sa labas ng bintana tumingin.
Ang ganda ganda ng araw ko tapos bigla na lang masisira. Eh sa gusto ko talaga magka-baby kami ni Abby. Nakakainis! Ano naman tingin niya sa akin, abnormal? Walang kakayahang magbuntis?
BINABASA MO ANG
She's Out of My League
RomanceAbegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the time a brat. Mataas ang standards niya sa lahat ng bagay. Hindi uso sa kanya yung 'pwede na' lang...