Chapter 27 Lots of Issues

29.8K 727 123
                                    

"Everyone says that love hurts but that's not true. Loneliness hurts. Rejection hurts. Losing someone hurts. Everyone confuses these things with love, but in reality love is the only thing in this world that covers all the pain and makes us feel wonderful again."

Ana POV

Magdadalawang linggo na mula ng makauwi kami galing Paris at isang buwan na din ang nakalipas simula ng maaksidente ako. Magaling na yung mga galos ko at yung sugat sa ulo ko ay pagaling na din. Kaya naman nandito kami ni Abby ngayon sa St. Benedict Hospital kung saan naroon yung kaibigan na doktor ng pamilya Montalban para sa weekly check up ko.

"Naghilom na pala yung sugat dito sa ulo mo eh." Masayang balita sa amin ni Doctor Rodriguez ng tinanggal nito yung gasa sa may ulo ko.

"Mabuti naman kung ganun, Tito Rafael." Nakangiting sabi ni Abby na nasa tabi ko.

Lagi namang ganun eh. Sinasamahan niya ako para sa weekly check up ko at di niya ako iniiwan mag isa. Lagi lang siya sa tabi ko. Sinabi ko din kasi sa kanya na wag niya ako iiwan. Takot kasi ako sa dugo.

Oo na ako na ang duwag.

Pinalitan ng doktor yung gasa pagkatapos nilinis yung sugat. Kailangan pa rin daw kasi linisin para di lapitan ng mikrobyo at di mainfect kahit pa sabihing naghihilom na siya.

Sumunod naman na tinanggal niya ay yung benda ng kanang kamay ko.

"May nararamdaman ka ba hija?" Tanong ng doktor ng may ipinatong na malamig na bagay sa may kanang braso ko na natanggalan ng benda.

"Opo. Meron po dok." Sagot ko naman.

Muling in x-ray yung kanang braso ko upang makita yung dating na dislocated na buto. Okay na naman yung result nung xray. Hindi na ibinalik yung benda sa kanang kamay ko dahil magaling na naman daw yun. Kaya lang wag na daw muna pupwersahin para di mairita yung muscles at yung buto dahil nga matagal na di naigagalaw.

Medyo may kirot pa ng iniangat ng doktor yung kamay ko tsaka parang in exercise para di ma stuck yung mga ugat at masanay na naigagalaw ulit. Pero at least magaling na ako. Yun nga lang di pa bumabalik yung memories ko.

Tumitingin nga ako sa mga pictures dati sa bahay baka sakaling makaalala na ako pero di pala yun ganun kadali. Oo may bits and pieces na bumabalik pero kulang pa yun eh. Kumbaga sa puzzle, iisang piece pa lang ang nandun kaya kahit hint wala ka pa.

"Continue your medication, especially the vitamins I gave you." Payo sa akin ng doktor. "But except for the pain reliever. Saka ka na lang iinom nun kung di mo na talaga kaya yung sakit. But if it is still bearable, iwasan mo munang mag take nung gamot."

Tumango lang ako sa kanya habang mataman akong nakikinig sa mga payo niya sa akin. Gusto ko na din namang gumaling eh.

Pagkatapos namin sa check up ay umuwi na kami ng bahay. Inihatid lang pala ako ni Abby, dahil may afternoon meeting pa siyang pupuntahan. Lagi na lang siyang nagmamadali pumasok sa opisina, minsan pag uwi may dala pang mga papeles at itinutuloy sa bahay yung di natapos.

Naaawa na din naman ako sa kanya minsan, lalo na kapag pagod na pagod siya tingnan pagdating sa bahay. Malayo din naman kasi mula dito sa bahay hanggang sa opisina niya, aabot din siguro ng forty five minutes or thirty minutes pag di traffic, which is, impossible.

Kaya naman napagpasiyahan kong kausapin si Ate Grace na kung pupwede dito na lang sa bahay tumira yung anak niyang babae na fourth year high school. Di bale ng ako na lang bahala sa pag-aaral nung bata basta lang may kasama si mama dito sa bahay. Pag-iisipan muna daw niya yun tsaka kakausapin niya si Jenny kung papayag yung bata. Pero yun lang, kapag bumalik na ako sa trabaho. Naka indefinite leave kasi ako ngayon dahil nga sa nangyare sa akin. Hindi pa ako pwede bumalik sa trabaho.

She's Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon