"For once I don't have to try to be happy because when I'm with you, it just happens."
Ana POV
Hindi ko man maalala kung ano yung naging relasyon namin ni Abby nun bago ako maaksidente, sigurado ako sa sarili ko na mahal ko siya. Isa pa, hindi ko siya susundan dito sa Paris para magpakasal sa kanya kung hindi ko naman talaga siya mahal.
And one more thing, paanong di ka mafo-fall sa kanya? Ang sweet sweet niya sa akin, alagang-alaga niya ako dito sa hospital at ni minsan hindi niya ako iniwan dito. Lagi lang siya sa tabi ko kahit na alam ko na may business at iba pang mga bagay siyang dapat asikasuhin. Pero mas pinili niyang manatili sa tabi ko at asikasuhin ako.
Familiar din sa akin ang kanyang mga halik. Pamilyar din sa akin yung amoy niya, yung init ng katawan niyang dumidikit minsan sa balat ko. At yung paghawak niya sa kamay ko. Lahat lahat ng mga pinaparamdam niya, pamilyar sa akin.
Sabi ni Abby, naaksidente ako sa araw sana ng kasal namin. Pero yun nga mali daw ako ng inisip ng makita ko sila ni Giovanni sa di kaaya-ayang ayos at tumakbo ako palayo sa kanya ng hinabol niya ako para magpaliwanag. Tama nga yata yung kasabihang 'Nakakamatay minsan ang maling akala'. Kaya naman, kahit di ko maalala yung part na yun, naiinis pa rin ako kay Giovan. Kahit pa sinabi sa akin ni Abby na gay siya at may boyfriend. Lalaking lalake kasi siya tingnan at wala kang makikitang inidikasyon na bakla siya.
Hindi ko alam pero ito yung di pamilyar sa akin. Yung magselos. Malakas yung pakiramdam ko na ngayon ko lang ito naramdaman. Kaya di ko maiwasang magsungit kay Giovan kapag nandito siya. Pinipilit ko ngang magpaka-civil sa kanya para na din kay Abby dahil sa naging matalik niya itong kaibigan dito sa Paris.
"Abby?" Tawag ko sa kanya habang abalang nag-eempake siya ng mga gamit namin dito sa hospital.
Pagkatapos ng mahigit isang linggong pagka-confine ko dito, sa wakas pinayagan na din akong umuwi ng doktor ko. Okay naman na daw lahat ng test results. Yung benda ko sa ulo, gasa na lang ngayon. Pagaling na din yung mga galos ko sa kaliwang braso at nakabenda pa rin yung kanang braso ko. Pero hindi pa rin niya ako pinayagang mag travel pauwi ng Pilipinas. Balik daw ako for check up after three days. Kapag okay yung result nun, papayagan na daw niya akong umuwi, kasama si Abby, para umattend ng kasal ni Alex.
Ang harot pala ng dalawa niyang pinsan. At pakiramdam ko din na matagal ko na silang kilala. Bestfriend ko daw yung asawa ni Danielle na si Camille na minsan kong nakausap through phone. Parang feeling ko nga kapatid ko siya eh. Alam mo yung parang lukso ng dugo? Parang ganun yung naramdaman ko kay Camille the moment na nakausap ko siya. Di na rin nagtagal sila Dani at Alex dito kasi bukod sa kasal nung huli, may iba pa silang inaasikaso at pinagkakaabalahan. Dinalaw lang daw talaga nila ako dito at saka binati sa nalalapit na kasal namin ni Abby.
Matindi din ang pag-aalala sa boses ng mama ko ng makausap ko siya sa phone nung pangalawang araw ko ng gising. Sinabi ko naman na okay na ako, though hindi ko sinabi na wala ako maalala sa nakaraan ko, para di na siya masyado pang mag-alala sa akin. Nasabi din namin ni Abby sa kanya yung balak naming magpakasal pagkalabas ko ng hospital. Natuwa naman siya at masaya daw siya para sa akin. Pero di daw siya papayag na walang magaganap na proper wedding dun sa Pinas kung saan maiimbitahan niya lahat ng mga kamag-anak namin at masaksihan din daw niya yung espesyal na yugto ng buhay ko na yun.
Masaya namang pumayag si Abby sa gusto ni mama. Hindi ko alam na magkasundo pala talaga sila ni mama.
"Bakit?" Tanong sa akin ni Abby na pansamantalang itinigil ang pag-eempake at may pag-aalalang lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko. "Are you okay?"
Nakaupo kasi ako dito sa gilid ng hospital bed dahil ayaw naman niyang tulungan ko siya sa ginagawa niya.
"I'm fine." Sagot ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/87893741-288-k742090.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Out of My League
RomanceAbegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the time a brat. Mataas ang standards niya sa lahat ng bagay. Hindi uso sa kanya yung 'pwede na' lang...