Prologue

64.3K 1.2K 131
                                    

Abby POV

After I pried at my cousin Dani's lovelife, I feel the urge to pee. Paano kasi nakakakilig silang dalawa ni Camille. I know how much my cousin love her. She even bought this company for God sake!

Anyways, they deserved each other. Both smart, pretty, hot, kind, loving, sweet etc.

Eh ikaw? Paano? Wala pa ring lovelife? Yeah, umeksena na naman yung isipan kong walang confidence minsan sa puso ko.

I will find her. The love of my life... soon. Pangako naman yan ng puso ko.

Hindi ko pa kasi nae-encounter yung babaeng magbibigay ng sparks sa buhay ko. My mom told me that... spark thingy. Ang sabi niya, nung na-meet daw niya si dad, she felt this connection between them. And nung nag-kiss daw sila, hayun na yung spark.

Napangiti ako sa isiping iyon. My mom is a hopeless romantic. Well ako, sabi niya mataas daw kasi masyado ang standards ko. Who doesn't like to be perfect? At the top means you are great. You are the predator.

At the top means you are lonely in the inside! Not you again, brainy.

Pumasok na ako sa comfort room dito sa kompanya ni Danielle. May tatlong cubicle dun. I tried the first one, naka-locked yata. Baka may gumagamit. So I tried the second one, pero may naka-lagay sa labas na out of order.

Oh I forgot, nagpapa-repair pala itong ai Danielle sa ibang office dito at pati na rin yata comfort rooms. And lastly the third one. Yes, parang bukas okay 'to. Kanina pa talaga ako weewing wewee eh.

Pero gosh, muntik na akong maihi sa panty ko ng makita ko dun yung isang babae na nagtataas ng underwear niya!

"What the hell?!" Sigaw ko dito.

"Ano ba?" Singhal nito habang nagtataas siya ng underwear.

Well, I can't help not to stare. Pervert!

"Hoy, don't stare!" Angil pa niya sa akin. "Hindi ka ba marunong kumatok?"

"Hindi ka ba marunong mag-lock?" Tinakpan ko yung pagkapahiya ko ng inis because I stare at her uhmm whatever.

"H-hindi." Sagot naman niya.

Ngayon ko lang siya napagmasdan. Now, I remember her. Siya pala ang VP ng Finance, Anastacia yata ang pangalan niya. Well, I'm not interested. All I know is bestfriend siya ni Camille... my sister in law.

"Then it wasn't my fault!" Mataray na angil ko sa kanya.

"Ang tapang mo ah!" Para itong maton sa kanto kung umasta. Ang liit naman ng mga braso niya. Dinuro pa ako.

She's around 5'6 maybe. Mukhang kagalang-galang ito sa suot na business suit.

"Hoy, bubwit wag na wag mo akong dinuduro ha!" Inis kong sabi dito. "Baka hindi mo alam kung sino yung binabangga mo?"

"Ah..." Parang bigla naman niya akong nakilala. Napataas ang kilay ko sa kanya. "I don't care kung pinsan ka ni Dani or ikaw ang pinakamalaking client namin ngayon." Nabigla ako sa matapang na tinuran niya at lumapit pa sa akin at dinuro na naman ako. "Basta ang alam ko, manyak ka!"

"Anong sinabi mo ha?" Naningkit naman ang mga mata ko sa kanya. "Ako manyak? At ikaw yung pinagnanasaan ko?" Saad ko na inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. "Sa pangit mong yan? Excuse me!"

"Pangit pala huh?" Inis na sabi niya at naningkit din yung mga mata niya. "Gusto mo ipagkalat ko na napaka-manyak mo?"

I leaned back and crosses my arms across my chest. "Go ahead." Hamon ko sa kanya. "Hindi kita pipigilan." Mataray kong sabi.

Naglakad na siya papuntang pintuan. "Sasabihin ko talaga!"

"Okay." Sabi ko naman. "Ipagkakalat ko din na bukod sa di ka marunong mag-lock ng pinto ng cr, di ka pa nagshe-shave ng ano mo."

Natigilan ito sa paglalakad at nakaawang ang bibig na humarap sa akin. I smirked at her reaction.

"The ugly Anastacia who doesn't know how to shave." Tuya ko pa.

Pero isang bagay ang di ko inaasahan mula sa kanya. Ang bilis ng mga hakbang niyang lumapit sa akin at walang anu-anong isinalya ako sa pader saka hinalikan sa labi. Ang diin ng pagkakahalik niyang iyon sa akin.

When her lips meet mine, para akong na-petrified. Di ako makagalaw at nanlalaki yung mga mata ko. Di ako makapag-react. Hanggang sa pinakawalan niya yung labi ko.

"Wala bang nakapagsabi sayo na sa lahat ng ayaw ko, yung binubuo yung pangalan ko?" Ang pula ng mukha niya sa inis. "At pangit pala huh?" May pang-iinsultong sabi niya.

"Y-you...!" Dinuro ko naman siya.

Wala pang kahit na sinuman ang nagkalakas loob na gawin yun sa akin. Siya pa lang! Ang bubwit na to!

"Ano?" Hamon niya sa akin na nilapit pa ulit yung mukha niya.

Di ko na tuloy napigilang mapatili. Pero tinakpan niya yung bibig ko gamit ang mga labi niya. Di na naman ako makagalaw. Naramdaman ko yung kamay niya na humawak sa beywang ko for support. Nakadikit na ng tuluyan yung katawan niya sa akin.

At nagulat ako sa parang electricity na dumaloy sa buong katawan ko the moment she invaded my mouth. Her tongue explored my mouth.

Damn! She's... nah! Whatever! Ang sarap lang niyang humalik at tsaka ang lambot ng kanyang mga labi. She's an expert, I must say.

Di ko namalayan na sinusuklian ko na din pala yung mga halik niya sa akin. I even heard myself moan. And then... there... that spark!

Gosh, sparks? Kay Ana?

Agad ko siya itinulak palayo sa akin at nagamit ko yata ang buong lakas ko para mailayo siya sa katawan kong ewan.

I can't believe this! Of all people, sa kanya ko pa yun naramdaman?! That spark! Hindi ko yun matanggap.

"I... hate... you!" Yun lang ang sinabi ko at walang lingon likod na tinungo ko ang pintuan at lumabas.

Nanginginig pa yung katawan ko sa... errr... halikan namin. Paano na lang kapag di ako natauhan? May mangyayare sa amin sa loob ng cr? At kay Ana pa?!

Damn! No! This is impossible! This is not happening! This is ridiculous!

Napakuyom ako ng palad sa sobrang frustration na nararamdaman ko para sa sarili ko.

Stupid! Sisi ko sa sarili ko na nagpadala.

I hate that woman! Damn her! Damn her for that spark I felt towards her! This is not real! This is just a bad bad dream!!!

She's Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon