Chapter 13 I Can't Let You Go

34.2K 867 78
                                    

"I love our story. Sure it's messy but it's the story that got us here."

Ana POV

Nang makita ko si Abby sa labas ng gate, ay mabilis akong bumaba at lumabas ng bahay. Pagbukas na pagbukas ko pa lang nung gate ay agad na itong pumasok. Halatang kagagaling lang nito sa kung saang event dahil naka business suit pa ito..

"Ano bang problema mo ha?!" Angil ko sa kanya ng pabalyang isinara ko yung gate at hinarap ang umuusok yata ang ilong na si Abegail.

Nakamaywang na nakatayo siya sa harapan ko at ang bigat ay nasa kanang paa.

"Ako ba talaga ang may problema dito Ana?!" Singhal din niya sa akin.

"Ikaw itong bigla bigla nanunugod sa dis oras ng gabi!" Naiinis ako sa kamalditahan niya. Gulung gulo na nga yung utak ko dadagdagan pa niya.

"Kung sinagot mo na lang sana yung tawag ko, wala sanang nanunugod dito sa bahay mo!"

Maang na tumingin ako sa kanya. "Pasensya ka na mahal na reyna kung di ko nasagot ang tawag mo." Sarkastikong sabi ko sa kanya. "Hindi ko alam na obligado pala akong sagutin yun."

Mas lalo yatang umusok yung ilong niya sa galit. Sasagot na sana siya ng may sumigaw mula sa kapitbahay namin.

"Magpatulog kayo!" Sigaw ng isang lalake na di ko makilala yung boses kung sino.

Naningkit naman yung mga mata ni Abby at akmang susugurin kung sinuman yung taong yun pero agad ko soyang pinigilan.

"Pwede ba Abby!" Hinawakan ko siya sa braso at hinila papasok ng bahay.

"Who's that?!" Tukoy niya sa lalakeng nanigaw.

"Ma at pa!" Sagot ko sa kanya.

"What?!"

"Malay ko at tsaka pakialam ko!" Nakakainis na 'tong babaeng 'to eh. "Kasalanan mo din naman eh nagpunta punta ka dito para mang away."

Pumikit siya ng mariin. Nakita ko kung paano tumaas baba yung dibdib niya sa inis. Sa totoo lang di ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya sa di ko pagsagot sa tawag niya. Maybe, may pagkakamali ako pero chang, ang OA naman po nung reaksiyon niya. Kulang na lang pumatay siya ng tao!

Okay sige, di yun totoo. Para lang niya akong gustong tirisin.

"Don't you get it?" Medyo kumalma ng konti yung boses niya kaya lang magkasalubong pa rin yung kilay niya. "Nag aalala ako sayo, Ana!"

Kung nag aalala siya sa akin, kailangan pa talagang bumiyahe siya mula Makati na kulang isang oras ang babaybayin makarating lang dito sa bahay at away awayin ako?

"Kahit na, dapat ba kailangang awayin mo ako?" Naiinis pa din ako sa kanya.

At siguro dahil na rin sa ginugulo niya ang isip at puso ko.

"Kung sinagot mo na sana yung tawag ko agad agad hindi na sana ---"

"Dahil naguguluhan ako, Abby!" Di ko napigilang ibulalas sa kanya. "Ginugulo mo yung isipan ko!"

She was taken aback. I saw her eyes winced and napaawang ang kanyang labi.

Napasuklay ako sa mahabang buhok ko at nakapikit na napahilot sa sentido ko dahil sa pagkalito. Sumasakit yung ulo ko sa kanya. Ang tagal ng lumipas na sandali na walang nagsalit sa amin. Nakatayo lang kami dun at parehong nakatulala.

"Halos mamatay na kasi ako sa pag aalala sayo eh." Narinig kong sabi niya sa mahinang boses. "Alam kong mag isa ka lang dito and I got so damn worried about you."

She's Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon