"I want to know where to touch you, I want to know how to touch you. I want to know how to convince you to design a smile just for me. Yes, I want to be your friend, your lover, your best friend and your partner for life."
Abby POV
Pagkatapos ng kasal nila Alex at Ara, kinabukasan ay bumiyahe na din kami ni Ana pabalik ng Pasay. Dito kasi kami tumuloy pagkagaling namin sa Paris ni Ana four days ago. At nakiusap sa akin si Ana, na asawa ko na ngayon, na kung pupwede sa bahay muna nila kami umuwi. Ayaw daw niyang iwan mag-isa yung mama niya. Okay lang daw sana kung may kasama siya sa bahay nila, pero wala eh.
Ako na lang siguro mag-a adjust sa aming dalawa. Isa pa kailangan din ng may mag-aalaga kay Ana habang nasa work ako.
"Ma." Bati ni Ana sa mama niya ng bumaba siya ng kotse pagkatapos ko mai-park yung sasakyan ko sa tabi ng kotse ni Ana sa may garahe nila.
Di naman ganun kalaki yung garahe nila kaya maingat kong pinagkasya yung sa akin dun.
"Ay Diyos ko anak!" Nabigla ang mama niya ng makita yung gasa sa ulo ni Ana at tsaka yung nabenda pa niyang kamay.
Agad itong napasugod ng yakap kay Ana at umiiyak pa yata siya dahil sa nangyare sa anak. Bumaba ako ng kotse at lumapit sa kanilang dalawa. Napangiwi si Ana sa akin dahil sa reaksyon ng kanyang mama. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya indicating it's okay.
"Ma, okay na ako." Sabi naman ni Ana dito at kumulas ng yakap sa ina.
Muli siyang sinipat ng tingin ng ina. "Yang kamay mo kumusta na? Bali pa ba yan anak? Naman Ana! Bakit di ka nag-ingat doon? Di ba sabi ko, kabilinbilinan ko sayong mag-iingat ka dun!"
Ako naman ang napangiwi sa narinig ko. Kapag ganyan ka OA si mommy sa akin hay naku baka kung ano na nasabi ko sa kanya.
"Ma, ang importante okay na po ako at tsaka nakauwi na kami ng Pilipinas." Paliwanag naman ni Ana sa kanya. "Kasama ko po si Abby, ma."
Lumingon naman ang kanyang mama sa akin. "H-hi po. Magandang hapon." Parang bigla akong nahiya sa mama ni Ana.
"Oh Abby, ba't di ka man lang nagsasalita diyan? Kanina ka pa nakatayo diyan?" Baling niya sa akin.
Busy po kayo sa pag-eemote. "Hindi naman po. Kakalabas ko lang po ng kotse." Yun na lang sinabi ko.
"Salamat sa pag-aalaga mo dito sa anak ko ha?" Saad ng kanyang ina sa akin. "At tsaka yung napagkasunduan natin na magkakaroon ng proper wedding dito, wag mo kalimutan yun."
Hindi ko alam kung ngiwi o ngiti yung naibigay ko sa kanya. "Sure po yun. Don't worry po."
"Aba'y kung ganun, sanayin mo na yang sarili mo na tawagin akong mama." Sabi niya sa akin.
"Sige po, m-ma." Naiilang na sambit ko.
Niyakap ako ng mama niya at naiilang na gumanti din ako ng yakap sa kanya. Nangingiti lang si Ana sa likod niya.
"Kailan ko pala makilala ang mga balae ko?" Tanong sa akin ni mama Janet nung kumalas siya sa akin ng yakap.
"Ha ah eh..." Buti na lang nasabi ko na kina mom and dad na kasal na ako dito kay Ana nung kasal ni Alex. "Sabihin ko na lang po sa kanila na bumisita dito minsan."
"Ay mabuti pa nga para mapag-usapan namin yung magiging kasal niyo dito ni Ana ko." Wika niya.
"Ma, pwede sa loob na lang tayo mag-usap usap?" Di na napigilang sabad ni Ana sa usapan namin ng kanyang mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/87893741-288-k742090.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Out of My League
RomanceAbegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the time a brat. Mataas ang standards niya sa lahat ng bagay. Hindi uso sa kanya yung 'pwede na' lang...