"I wanted to tell you that wherever I am, whatever happens, I'll always think of you, and the time we spent together, as my happiest time. I'd do it all over again, if I had the choice. No regrets."
Abby POV
Hindi ko alam kung saan magpapasama sa akin si Ana dahil wala naman siyang binabanggit na lugar, except dun sa meeting place namin. Sumulyap ako sa digital watch ng sasakyan, it's ten to two in the Friday afternoon. Tiyak ang init init niyan sa labas.
Katulad ng sinabi niya sa akin kanina, I just wore a simple clothes. Manipis na white shirt and faded ripped jeans and paired it with sneakers. Okay naman na siguro itong outfit ko though hindi ko alam kung saan siya magpapasama o kung anong event yun.
Kumunot yung noo ko ng mamataan ko na si Ana na nakatayo sa harap ng napakalaking STAR CITY signage. Iginilid ko yung sasakyan at tsaka bumaba.
"What are you doing here?" Takang tanong ko sa kanya ng lumapit ako. Hindi siya sumagot sa akin, pero ngumiti siya at saka may dalawang tickets na itinaas. "Ana?"
Unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin at di nawawala yung ngiti sa mga labi. "Di ba nasabi mo minsan na gusto mo mamasyal na parang ordinaryo na tao?"
I bite my lower lip at pinipigilan ko talaga yung emosyon ko ng mga sandaling iyon.
"So here we are." She said as she spread her arms wide. "Welcome to the Star City!"
Agad ako lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. I missed her so much. Na-miss ko yung amoy niya, yung init ng katawan niya. Isinubsob ko sa crook ng leeg niya yung mukha ko.
"Hey," Sabi niya at pilit akong inilalayo. "Abby, nasa gilid tayo ng daan." Natatawang sabi niya sa akin.
"Thank you." I uttered in awe.
"Wag ka muna mag-thank you, di pa tayo nagsisimulang mamasyal." Saka niya ako sinipat ng tingin. "Kahit ano pa rin pala talaga isuot mo mukha ka pa ring mayaman na mayaman." Biro niya sa akin.
Tumawa naman ako ng mahina at tsaka kinuha na yung kamay niya. "Let's go." Saka ko siya hinila papasok ng amusement park.
"Abby saglit lang." Sabi niya at nilingon ko naman siya. "Yung kotse mo park muna natin."
"Ay oo nga pala." Natawa na ako ng tuluyan.
Sa sobrang excitement ko na makapasyal sa loob at makasama si Ana nakalimutan ko na yung kotse na nasa gilid lang. Buti di ako sinita nung guard dun.
Nasa entrance pa lang ako ng Star City para na akong batang namamangha. First time ko talaga makapasok sa ganitong lugar. Though nakapunta na kami dati sa Disney Land sa Paris pero iba kasi dito, mas simple lang pero mukhang masaya.
"Saan mo una gusto sumakay?" Nakangiting tanong sa akin ni Ana habang magkahawak kamay kami.
"Gusto ko dun!" Turo ko sa Frisbee.
"My God!" Bulalas ni Ana. "Iba din yung trip mo eh. Extreme ride agad di ba puwedeng --- Woah!"
Hindi na niya naituloy yung sinasabi niya dahil hinila ko na siya papunta dun. Nakakatawa lang yung itsura niya nung sumakay kami dun. Nakakapit siya sa braso ko. We were swung to our dizziness while outwardly facing seats as we spin off. Panay ang tili niya. Ako yung first time dito kaya lang siya yung nag aact na ngayon lang siya nakasakay dun.
"Nanlalambot yung mga tuhod ko." Nanghihinang sabi niya sa akin at napahawak pa sa dalawang tuhod niya.
"Akala ko ako lang ang first timer dito." Nakangiting tukso ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's Out of My League
RomantikAbegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the time a brat. Mataas ang standards niya sa lahat ng bagay. Hindi uso sa kanya yung 'pwede na' lang...