"I hate how everything you do makes me want you more."
Abby POV
"What??!!" Sabay pang bulalas ng dalawa kong pinsan na kadarating lang dito sa Paris, ng marinig yung ipinagtapat ko sa kanila.
Nang pumasok kasi sila sa kuwarto ni Ana, umaga yun ng Sabado, agad ko silang kinausap at sinabi ko nga sa kanila na sinabi ko kay Ana na asawa niya ako. Well, hindi pa naman talaga kaya pina rush ko kay Giovanni lahat ng kailangan para pagkalabas ni Ana dito pakakasal kami bago umuwi ng Pilipinas.
"Are you out of your mind, Abegail?!" Ang lakas ng boses ni Alex.
"Lower down your voice baka marinig tayo ni Ana." Saway ko at napatingin sa pintuan ng kuwarto ni Ana.
Gising siya ngayon at nasa loob nanonood ng TV. Hinayaan ko na lang siya para may paglibangan.
"Abby, hindi namin gusto 'tong pinaggagawa mo ha?" Sabi naman ni Danielle na hindi naitago ang pagkadismaya sa akin.
"Hindi ko siya hahayaang magpakasal dun sa lalaking yun." Paliwanag ko naman. "Ako ang mahal ni Ana. She was supposed to break up with him."
"Wait, there's something you need to know." Sabi naman ni Alex at naghalungkat sa backpack na dala niya. Isang brown envelop ang inilabas niya mula dun saka binuklat at ibinigay sa akin ang isang papel. "Here. Read that."
Kunot noong tiningnan ko iyon, isa iyong report at ang subject ay si Edison. Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko kung anong nilalaman nun.
"He has a liver cancer?" Gulat na tanong ko kay Alex.
Tumango si Alex sa akin. Nagtatakang kinuha naman ni Danielle sa akin yung papel saka binasa yung nilalaman nun.
"Where did you get this?" Kunot noong tanong ni Dani sa kanya.
"From Emmit." Alex answered. Tukoy niya dun sa private investigator ng pamilya Montalban.
See? You can't keep a secret from a Montalban.
"Why did you do that?" Takang tanong na naman ni Dani sa kanya.
She rolled her eyes. She has never done that to us, not until she met Arabella.
"Mayron kasing butas dun sa kwento ni Ana dito kay Abby eh. Kilala mo ako, malakas ang instinct ko. To think na she said she loves Abby and kakausapin na niya si Edison for a possible break up tapos bigla bigla na lang niya sasabihin na ikakasal na siya kay Edison? If in the first place, she wanted to marry Edison nag yes na sana siya dun mismo sa harap ng mga empleyado mo. Pero hindi eh, at may mali dun sa eksena." Paliwanag ni Alex. "Ang galing ko 'no?" Parang proud pang sabi ni Alex sa amin.
"Thanks, Alex." Sabay kindat ko sa kanya.
"Wait up." Napailing na sabi ni Dani. "That doesn't meant we're into this too. Mali pa rin Abby. Sinasamantala mo yung kawalan niya ng memories."
"Wait a sec." Ako naman ang nagsabi kay Dani. "Look who's talking." Patuyang sabi ko sa kanya. "Di ba ginipit mo din si Camille para magpakasal sayo nung una?" May pang counter attack kaya ako sa dalawang 'to. Hey, this is Abegail Montalban you're talking to. "Ginamit mo yung pagkakasanla ng lupa nila para pakasalan ka niya."
"Iba yung sitwasyon namin ni Camille nun at iba yung ---"
"What's the difference?" Putol ko sa sinasabi niya.
Parang nagpapatulong na tumingin naman si Danielle kay Alexandra. Magsasalita na sana siya kontra sa akin pero pinutol ko na agad iyon.
"Hep!" Putol ko sa sasabihin sana ni Alex. "Ginipit mo din naman si Ara para pagsilbihan ka at mapalapit pa sayo. At ginamit mo yung kaslaanan niyang panloloko sayo over her. You even had sex with her on your first encounter."
![](https://img.wattpad.com/cover/87893741-288-k742090.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Out of My League
RomanceAbegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the time a brat. Mataas ang standards niya sa lahat ng bagay. Hindi uso sa kanya yung 'pwede na' lang...