"If someone wants you nothing can keep them away. If they don't, nothing can make them stay."
Abby POV
Ilang beses na ba ako rumampa sa harap ng walk in closet ko na may four-wall mirror na kita yung buong katawan? Di kasi ako makapag decide kung anong isusuot ko sa date namin ni Ana ngayong gabi. And this is our very first date!
Naiinis na nagpalit ulit ako ng damit. I puffed out breath. I don't know what to wear!!!
Tsk tsk tsk... malala na 'to. I'm not like this before. I don't care what would my date think or say about my clothes or the way I carry myself. I wear whatever I want and according to my mood.
I let out a deep breath. I twitched my lips and slowly turned into a pout. Nakatingin ako sa hilera ng mga iba't ibang klase ng damit na nakasabit sa closet. Ngayon ko lang din napagtantong, ang dami dami ko pa lang damit. Di ko alam kung nasuot ko na ba yung iba o hindi pa.
Isang buntong hininga ulit ang aking pinakawalan. I end up wearing a simple yet classy black little dress that flows flirtly three inches above the knee. At kapag iikot ako, tiyak na magbaballoon ito. Sa may neckline ito that left my flawless shoulder bare.
Seven thirty ang usapan namin ni Ana, at susunduin ko siya sa kanila. Kinakabahan ako, feeling ko meet the parents ang gagawin ko. Parang pakiramdam ko first time ko makipagdate. Tinalo pa niya yung kaba ko ng unang launch ko ng mga products ng Absolut.
Six forty five ng lumabas ako ng condo. Medyo malayo din kasi ang Pasay. Isa pa, ayoko naman ma late. First rule ko, bawal ma late. Lalo na ngayon, dapat good shot.
Habang nagda-drive ako may tumatawag sa akin. It's Ana.
Bakit siya tumatawag? Don't tell me magba-back out siya sa date namin?
I put it on speaker and receive her call.
"Hi!" Pilit ko pinasigla yung boses ko ng inangat ko yung tawag niya. Kinakabahan talaga ako eh.
"Hi din." Mahinhin na bati niya sa akin. "Uhm... Abby? Nasa biyahe ka na ba?" Parang alanganing tanong niya sa akin.
"Yeah." Good heavens, wag naman sanang cancelled 'tong date na 'to. "Why?"
"Saan ba tayo pupunta?" She asked.
So she's asking where I'm going to take her for dinner. And it means, tuloy yung date namin? Yay!
"Uhm... okay." Parang bigla ako na excite. Para tuloy akong kitikiti sa may driver's seat. "It's a surprise." Ngiting ngiti na sagot ko.
"Pwede mo bang sabihin na lang kung saan?" Parang aburidong sabi niya sa akin.
"Hey, what's the problem?" Parang bigla ako nakaramdam ng inis. "Do you want to cancel this date?"
"Hindi naman yun ang ibig ko sabihin eh. Nagtatanong lang naman ako." Nahimigan ko yung inis sa boses niya.
First date away agad?
I sigh for the nth time this evening. "Fine." Wala namang pupuntahan kung mag aaway lang kami ngayon. "I'm going to take you to a French Resto near the bay." No choice at sinabi ko na lang.
Naisip ko kasi kanina pagkagaling ko kina Danielle at um-attend ng third month celeb ni Ashley, na dalhin si Ana sa isang class na resto. And I chose French Resto cause I want to take and show her my world.
"Satisfied?" Di ko napigilan yung inis sa boses ko dahil it should be a surprise. Now what?
"Galit ka?" Angil niya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/87893741-288-k742090.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Out of My League
RomanceAbegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the time a brat. Mataas ang standards niya sa lahat ng bagay. Hindi uso sa kanya yung 'pwede na' lang...