Chapter 12 More Confusion

32.1K 840 54
                                    

"When someone loves you, she didn't have to say it. You can tell ot by the way they treat you."

Ana POV

Paggising ko kinabukasan, wala na si Abby sa tabi ko. Nakangiting nag inat ako at tsaka bumangon. Nagtuloy ako sa banyo to do my morning rituals.

Actually, wala namang nangyare sa amin ni Abby kagabi. And seryoso siya nung sinabi niyang she won't take advantage of our situation. Natulog lang kami na magkayakap that's all. And I admire her more for that.

Nakangiting napailing iling ako sa sarili ko habang nasa shower ako. Never in my whole life or even in my wildest dreams na I'll end up admiring Abegail Montalban. When we first met, nung pumunta siya sa office namin and sign a contract with the Media.Com, wala naman akong kakaibang naramdaman sa kanya. As in wala naman akong naramdaman na special sa kanya. Siguro nagandahan ako sa kanya pero yung ganito ngayon na nalilito ako kung ano ba talaga yung true feelings ko for her? Wala. Nil. Zero.

Maybe nagbago lang talaga lahat when I kissed her dun sa cr, and when she kissed me back. Hanggang sa mga pasaringan namin nun pa. Hanggang nga sa umalis siya ng Pinas at nagtungo ng Paris. Namiss ko talaga siya. Na miss ko yung mortal enemy ko. And when she came back, dun na nagsimula na naman ang lahat. Or should I say, natuloy yung naudlot?

Agad ko ng tinapos yung pagligo ko at lumabas na ng banyo. Nagbihis na at nagmamadaling bumaba papuntang kusina. Nagkape lang ako tsaka kumain ng tinapay. Pero pag andito si mama, di pwedeng di ka kumain ng breakfast papasok sa trabaho.

Nang biglang tumunog yung phone ko. It's Edison. Hindi ko alam kung bakit ako nadismaya. Iwinaglit ko yung nararamdaman ko at sinagot yung tawag niya as I put it on speaker.

"Hey, my labs." Bati niya sa akin. "Magandang umaga."

"G-goos morning too." Pilit ko pinasigla yung boses ko. "Napatawag ka?"

"Di mo nasagot tawag ko kagabi." Ay oo nga pala. "Well, gusto ko sana ipaalala sayo yung dinner dito sa bahay mamyang gabi."

"Huh?" Parang biglang na blangko yung memories ko. Dinner?

"Birthday ni mama." Nakalimutan ko! "Sunduin na lang kita?"

"O-okay sige." Mayang hapon na lang ako mag eempake pagdating ko sa bahay para bukas sa outing namin nila Abby.

"Papasok ka na ba?" Tanong niya sa akin.

"Yes." Sagot ko sa kanya. "Pwede mamya na tayo mag usap?" Nakagat ko yung ibabang labi ko. Maybe I'll talk to him mamyang gabi. "Nagdadrive kasi ako eh and malapit na ako sa office."

Hindi siya agad nakasagot sa akin. "Okay, sige. I love you."

Ako naman yung biglang natigilan. I sigh. "S-sige Edison. Bye."

Narinig ko yung malalim na paghigit niya ng hininga. "Bye, Ana."

Yun lang at in end ko na yung tawag niya. Pagkapark ko ng sasakyan ay agad ako pumasok sa loob ng building. Agad naman sumunod s akin yung assistant ko dala dala ang mga papales na pipirmahan ko para sa project funds.

Pagkapirma ko nun ay ako na mismo ang nagbigay kay Dani para na rin magpapirma ng leave application.

"So Abby told you already?" Di ko alam pero parang may nahimigan akong panunukso sa tono niya.

"Yes." I replied. "Okay lang ba talaga na sumama ako?"

"Ana, you're a part of this family already. Matalik kang kaibigan ng asawa ko and I know parang kapatid na turingan niyo sa isa't isa." Paliwanag niya sa akin. "Isa pa, I heard there's something going on between you and Abby."

She's Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon