Chapter 32 Loyalty Test

47K 868 237
                                    

"Never look for a good face, it will turn old one day. Never look for a good skin, it will wrinkle one day. Never look for a hot body, it will change one day. Never look for a nice hair, it will turn white one day. Instead, look for a loyal heart that will love you every day."

Ana POV

"Abby?" Tawag ko sa kanya minsan isang umaga habang nagbibihis siya.

"O?" Tumingin siya sa akin habang naglalagay siya ng hikaw. "Bakit?"

Nakaupo ako sa kama at nakasandal sa headboard ng kama at pinagmamasdan ang bawat galaw niya sa loob ng kuwarto. Pansin ko lang, hindi naman siya naka-business suit today. Naka black na tank top shirt siya at saka blue fitted jeans tapos flat shoes (on media).

"Pangit na ba ako?" Nakalabing tanong ko sa kanya.

Pakiramdam ko kasi ang pangit pangit na ng mukha ko tapos ang taba taba ko na. Five months na kasi yung dinadala ko, at ang laki na nung tiyan ko. Para ngang bigla bigla lumubo eh. And sabi ng OB Gyne ko malamang kambal daw yung baby namin. Natuwa naman kami ni Abby dun sa balita niya. Pero co-confirm pa daw niya sa next na ultrasound ko baka namali lang.

"Of course not!" Bigla siyang lumapit sa akin at saka naupo sa tabi ko. Inipit pa yung ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko saka hinawakan yung mukha ko. "Ikaw yata pinakamagandang buntis eh."

"Hmp!" Inirapan ko siya. "Niloloko mo naman ako eh." Saka ako lumabi.

She plant a soft kiss on my lips. "Honey, it's true. You're still beautiful." Malambing na sabi pa niya sa akin.

"Talaga?" Di pa rin naniniwalang sambit ko.

She smiled at nodded twice. "And I love you so much." And she kissed me again and she moved her lips on mine. "Don't ever think you're less than perfect in my eyes." She said wholeheartedly as she stares straight through me.

"I love you too." Tagal na namin nagsasama pero nandoon pa rin yung kilig ko sa kanya kahit sa mga simpleng bagay lang o salita niya sa akin.

"I have to go." Dismayado pang sabi niya saka tiningnan yung relo.

"Bakit hindi ka yata naka-business suit ngayon?" Naalala kong tanong sa kanya.

"Ah eto?" Saka tiningnan yung outfit. Ang sexy niya talaga nakakainggit huhuhu. "Wala trip ko lang today." She said with a proud smile on her face.

Mas lalo naman akong nagtaka. Di ko din maiwasang magduda sa kanya ngayon. Pero pilit ko iyon iwinaksi. I know I can trust Abby. Hindi ganun ang asawa ko.

"Sige na alis na ako." Saka niya ako hinalikan sa noo. "Be good okay? And sabi pala ni mama sa akin kahapon ang tigas tigas daw ng ulo mo. Sinabi ng wag ka masyado sa malamig eh." Sermon pa niya sa akin.

"Lahat na lang kasi bawal eh." Reklamo ko naman sa kanya. Napaka-insecure ko ngayon promise.

"Para sayo din naman yun at sa baby natin." Sagot niya. Saka ngumiti. "Babies pala natin." Though hindi pa sure na kambal nga talaga yung dinadala ko ngayon.

"Oo na." Labag sa kalooban na tugon ko. Ewan ko ba bakit ganito kababa ang self esteem ko ngayon.

"I'll call you later." Sabi niya saka inilagay na sa balikat yung bag at binuksan na yung pinto. "Bye. Love yah." Saka kumindat at sinara na yung pinto.

Napabuntong-hininga na lang ako ng mag-isa na naman ako sa kuwarto. Ang boring din kaya yung ganito walang ginagawa. Di naman ako pinapayagan magbabad sa tv o maglaro sa cellphone yung radiation daw masama sa bata. Ang daming bawal. Nabasa ko na yata lahat ng libro dito sa bahay, minsan nga pati biblya gusto ko na din patusin sa sobrang boredom na nararamdaman ko.

She's Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon