"I want to wake you up with kisses. Drowned in lips pressed against your skin. Shoulders. Collarbones, neck and across your ears."
Ana POV
Napapangiti ako mag-isa habang nagda drive patungo sa office. Pagkagaling ko kasi sa bahay ni Abby umuwi muna ako para makapaghanda patungong opisina. Tiyak na AWOL (Absent Without Official Leave) ang kakalabasan ko nito. Pero okay lang kasi worth it naman. Though I still don't know kung ano kami ni Abby. Isa pa, may boyfriend ako.
Biglang nabura yung ngiti ko. Naalala ko si Edison. Technically, I cheated on him. I sigh. Paano ba? Sasabihin ko ba sa kanya yung tungkol sa amin ni Abby? Makikipaghiwalay ba ako sa kanya? At tsaka, ano ba kami ni Abby? Ano ba ako sa kanya?
Kay Edison, I'm sure what we are and what we have. Kay Abby... well, hindi ko pinagsisisihan yung nangyare sa amin kagabi becuase I want it too. And I am happy na ginawa ko yun though nakokonsensya ako para kay Edison.
Torn between two lovers tuloy ang drama ko ngayon.
Iwinaksi ko ang isiping iyon. Di ba napag-usapan na namin ni Abby na wag na lang namin yun isipin muna sa ngayon? Enjoy the moment na lang. And I know she's not here to stay. One of these days baka bumalik na siya sa Paris. I don't know if next week, next month? I don't even know when. Or kung kailan ulit kami magkikita after.
But I... I like her? No. I don't know actually. It's more than just like. There's something more pero di ko maipaliwanag o mawari kung ano yun. She fills something inside me. And last night, the best moment of my life.
Naalala ko, tatawagan niya pala ako. Pero mamya ko na lang hanapin yung cellphone ko sa bag. Mahirap na baka mahuli ako gumagamit ng cellphone while driving. Pagka-park ko sa kotse ko sa parking lot ng building ng Media.Com, agad na akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng building.
Agad naman akong binati ng guard. Nang makapasok ako sa elevator at mai-punch yung floor ko, hinalungkat ko yung bag ko para hanapin yung cellphone ko. Nakita ko na yata lahat ng bulsa ng bag ko pero wala yung cellphone.
"Saan ko ba yun nailagay?" Bulong na tanong ko sa sarili. I snapped my fingers when I remember kung nasan yun. Naiwan ko sa living room ni Abby, nagchacharge kagabi. Hay naku naman!
Napakamot ako sa sarili. Nang marating ko yung floor ko, agad ako nagtungo sa opisina ko. Pagkalapag ko ng bag ko sa maliit na lamesa sa may gilid, lumabas ulit ako at pumunta sa cubicle ng Human Resource Officer at humingi ng application for leave. Pagka-fill out ko nun agad na akong nagpunta sa office ni Dani para mapapirmahan ko yun.
"Si ma'am Dani?" Tanong ko kay Ate Menchi.
"Nasa loob." Sabi niya saka tinuro yung office ni Danielle.
Pagkatapos ko magpaalam kay Ate Menchi ay kumatok ako tsaka pumasok sa opisina ni Danielle. Pero nagulat ako ng makita ko na di pala nag-iisa si Dani dun. Kasama niya si Abby na agad tumingin sa akin ng makahulugan ng makita ako.
"Oh, Ana. Why?" Agad namang tanong ni Danielle sa akin ng makita akong dumungaw sa may pinto niya.
"Ah, eh." Bakit bigla akong kinabahan ng makita ko si Abby? "May papapirmahan sana ako sayo. Balik na lang ako mamya." Naiilang na ngiti yung nabigay ko sa kanya.
"No. Come in." Pilit niya sabay senyas na pumasok ako.
Napabuga ako ng hangin bago tuluyang pumasok sa opisina ni Danielle.
"Have a seat." Sabi ni Danielle sa akin.
"Hindi na." Tanggi ko. Di ko alam pero bigla akong nailang kay Abby na nakatingin lang sa akin. "Di naman ako magtatagal eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/87893741-288-k742090.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Out of My League
RomanceAbegail "Abby" Montalban - one of the most promising young entrepreneur of her generation. She's loving, caring, sweet, protective... and most of the time a brat. Mataas ang standards niya sa lahat ng bagay. Hindi uso sa kanya yung 'pwede na' lang...