Chapter 29 In The Name of Love

33K 724 63
                                    

"If my love were an ocean, there would be no more land. If my love were a desert, you would see only sand. If my love were a star-late at night, there's only light. And if my love could grow wings, I'd be soaring in flight."

Abby POV

Nandito kami ngayon ni Ana sa MOA namimili ng mga gamit kapalit nung mga errr nabasag ko sa condo nung minsang nag away kaming dalawa at umuwi ako dun.

Ikaw ba naman ang sabihin na punta na lang ako sa iba dahil kaya nilang ibigay kung anuman yung mga pangangailangan ko. Masakit kaya yun. Lalo na kung yung nagsabi sayo yung taong mahal na mahal mo at siya lang talaga ang gusto mo wala ng iba.

Anyways, tapos na yun. Mga two days na nakakalipas simula nung nagkabalikan kami ni Ana.

Mas pinipili ko na lang kasi ilabas sa mga gamit ko yung galit ko kaysa dun sa taong mahal ko. Kasi yung mga gamit pwede mo yang palitan kahit sampung libo pa, pero yung mga di magandang salitang nabitawan mo or mabibitawan mo at yung sakit na dulot nun dun sa taong mahal mo, you can never take it back once you've said those words.

Nasa may appliances section na kami kasi pati yung flat screen tv ko sa living room nabasag... na naman.

"Abegail?" Isang boses lalake ang tumawag sa pansin ko.

Nilingon ko siya mula sa bandang kaliwa ko at tumambad sa akin ang isang matangkad at guwapong lalake na di pamilyar sa akin. Di ko alam kung saan ko siya nakita o nakilala.

"Abegail Montalban, it's really you!" Masayang sabi niya saka lumapit sa akin at akma akong hahalikan sa pisngi pero umatras ako.

"Who the hell are you?" Mataray na tanong ko sa kanya.

Para namang bigla itong nagulat na di ko siya nakilala. "It's me, Mikael Espinosa."

"Sorry but I don't know you." Magkasalubong ang kilay na sagot ko.

"Really, Abby?" Nanunuyang sambit niya. "Ganun na ba kadami ang naging flings mo at di mo na kilala yung iba?" May malisyosong ngiti sa kanyang mga labi at parang gustung gusto ko iyon burahin.

"Could be." Nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya.

"We had a wonderful night at your product launch two years ago." He grinned at me.

Eh gago pala siya dalawang taon na ang nakakalipas sa sinasabi niyang wonderful night na ewan kung totoo o hindi!

"I really don't remember and who knows?" Nakataas pa rin ang kilay na sambit ko. "You're fabricating things. Or worst, they're just in your imaginations."

Naningkit yung mga mata niya sa narinig. Hindi siya kumibo pero nakita kong napakuyom siya ng kamay. Nasagi ko yata yung ego niya.

"Well, if you'll excuse me? I have other important things to do." Saka naglakad papunta kay Ana na namataan kong nasa may bandang gilid at abala sa pagtingin tingin ng brand ng tv na bibilhin namin.

Lalagpasan ko na sana siya pero bigla niya akong hinablot sa braso. Ako naman ang nabigla sa ginawa niya.

"Let go of my arm." May pagbabantang sabi ko as I death glare at him. Mas matangkad lang siya sa akin ng two inches or so.

"Not so fast babe." Nakangising sabi niya.

Pilit niya akong hinila pero bago pa niya ako matangay, tinuhod ko yung ano niya.

"Argh!" He crouched down in pain with two hands covering his groin.

"Never under estimate me, Mr. Whoever You Are." I said.

She's Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon