Chapter 3 The Cousins

40.5K 907 91
                                    

"I am very indecisive and always have trouble picking my favorite anything. But, without a doubt, you are my favorite everything."

Abby POV

I moved back here in Makati where I used to live. Pero palagi ko namang dinadalaw si mom sa Batangas if I have time para di na naman magtampo. Ganun na ba talaga ang mga tumatanda? Nagiging matampuhin?

Anyways, back to business. I am busy right now reviewing all the new designs of my products. I rejected all those designs that didn't pass my criteria and standards. After that, pinatawag ko si Benjie, my designer.

In just a moment, may narinig na akong kumatok sa pintuan. It's a one way full glass office actually. Para makita ko kung sinong di nagtatrabaho sa mga tauhan ko. If they're not doing their job seriously, I'm gonna fire them in just a split second. Bakit ba? Madami pa naman diyang iba na naghahanap ng trabaho.

"Come in." I said.

"Pinapatawag niyo daw po ako ma'am?" Para itong maamong tuta na nagtanong.

Dalawa lang naman kasi ibig sabihin kapag ipinatawag kita sa office ko, either may kailangan ako sayo or you're fired.

"Sit." Tipid kong sabi sa kanya.

Agad naman itong tumalima at naupo sa harapan ng table ko. Hindi ito makatingin sa akin ng diretso at halatang kinakabahan. Kinuha ko yung folder ng new sets of designs na siyang may gawa at inilagay sa harapan niya.

"Do you have personal problems right now Benjie?" Seryosong tanong ko sa kanya as I crossed my legs at nangalumbaba gamit ang kanang kamay ko saka pinagmasdan siya.

"W-wala po ma'am." Naiilang na sagot niya sa akin.

"Then why?" I asked.

"Po?" Alanganing tanong niya sa akin.

Para siyang isang nerd gay guy. Ang kapal pa yata ng lenses ng eyeglasses niya. I'm not sure if he's twenty eight or twenty nine but he looks so old with his thick eyeglasses. At pang ilang designer ko na ba siya? Ten? Twelve?

I closed my eyes and leaned back to my swivel chair. Ayokong maubusan ng pasensya.

"You're fired." Mahinang sabi ko saka nagmulat ng mata.

Parang bigla itong nataranta. Nanlaki pa yung mga mata niya sa narinig.

"W-what?" Nabibiglang sambit niya. "Ma'am nagagawa ko naman po ng tama yung trabaho ko. Isa pa, ang tagal ko na po dito sa kompanya mo."

Kinuha ko ulit yung folder saka binuklat at ipinakita sa kanya. "Then what are these?" Malapit na akong maubusan ng pasensya. Para itong naiiyak na tumingin sa akin. "Anong ginagawa ng aso diyan sa design ng damit ko?" Kulang na lang sumigaw ako.

"Ma'am kasi sabi mo po parang dalmatian yung theme." Katwiran niya.

"Yes! But I didn't say na lagyan mo ng aso yung mga designs ng damit! That's stupidity!" Napasigaw na ako.

"P-pero m-ma'am..."

"Get out of my office and take all those trash with you!" Bulyaw ko sa kanya.

"Ma'am please po, wag niyo po ako tanggalin. Ang dami pong umaasa sa akin." Naiiyak na pakiusap niya sa akin. "Promise po gagawin ko po ang lahat ng gusto niyong design babaguhin ko po lahat 'to ma'am."

"Stacey!" Sigaw ko at inis na pinindot yung intercom. "Come over here."

Agad namang pumunta si Stacey, yung assistant ko. "Bakit po ma'am?"

"See to it that Mr. Alejar will get his separation pay from the company." Sabi ko na kay Stacey nakatingin habang si Benjie ay nakikiusap pa rin sa akin.

She's Out of My LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon