surprise

7.8K 181 13
                                    

ELLIE

"Babe ang tagal mo namang bumaba kanina pa kaya ako dito"reklamo ni landi habang pinagbubukasan ako ng sasakyan. Always a gentlewoman.

"Bakit sinabi ko ba sayo na hintayin mo ako?" Maynakita ko isang tangkay ng red rose sa upuan. Kinuha ko un at inamoy. Lagi naman sya nagbibigay ng rose sa akin since ligawan nya ako. Tiningnan ko sya habang papunta sa driver seat.

"Hindi. Pero tinanong kita what time ka pupuntang office."sabi nya pagkaupo at instart na ang car.

"Sinabi ko 7 ang alis ko ng bahay. Hindi ko sinabi pumunta ka dito at sunduin ako."

"Babe given na yun. Pupunta ako at susundo at ihahatid kita, ikaw kaya magiging future girlfriend ko. Nanliligaw ko remember?"tanong nya pero sa daan nakatingin.

" dapat pala next time sa unit mo na ako maghihintay habang nagbibihis ka" dagdag pa ni Martinez.

"At bakit sa unit ko?"taas kilay kong tanong.

"Bakit hindi? Dapat paakyatin mo na ako dun. Ang hirap kaya maghintay sa lobby"reklamo nya.

"Private ang unit ko. Safe haven ko yun. Hindi pwede ang malalanding katulad mo dun. Madudumihan." Wala pa kasi talaga akong dinadala sa unit ko. If ever want ko yung taong mahal ko.

" ala sya, grabe. Babe ikaw na nga lang ang lalandiin ko. Babe seryoso ako sayo."

"Ikaw ang alam ko na nanliligaw na  madaming reklamo. Kung ayaw mo na eh di wag mo na ito gawin." Deadma ko na lang last na sinabi nya.

"Eh babe, 2 weeks na akong nanliligaw sayo. matagal naman na ata masyado."reklamo nya.

Tinapik ko sya sa balikat. "Alam mo martinez napaka mo. Nanliligaw ka ba talaga?"

"Hindi pa ba halata?"

"E bakit atat?"

"Kasi naman alam ko na like mo ko bakit mo pa pinapatagal. Kung dun din naman ang punta"

"Wow! Ikaw na kaya ako?"

"Babe alam ko naman na kinikilig ka. Ikaw ba naman ligawan ng isang dyosa na gaya ko.hahaha"

"Alam mo martinez. Ang kapal ng mukha mo. Dapat pala hindi na lang ako pumayag na magpaligaw sayo eh. Sakit ka sa ulo" sabay hilot sa sintido ko.

"Hindi ka magpapaligaw kung wala ka feelings for me babe, right?"tumingin sya saglit sa akin.

"Whatever. Focus on the road"tanging nasabi ko na lang. Narinig ko syang tumawa.

Wala na kaming imikan hanggang makarating sa office.

-*-*-*-*-*

"Ellie hindi ka pa ba uuwi?" Si jay, nakasilip sa pinto.

"Not yet. Pasok ka."

"Sabay ka na sana sa akin" sabi nya pagkaupo sa harapan ko.

"Una ka na jay,maytinatapos pa ako."

"Hinihintay mo lang ata si Alex" nakangiting sabi nya.

"Hmmmm... pero maytinatapos pa talaga ako. And yeah hinihintay ko nga si alex, maypupuntahan daw kami."

"Haha... i know..sinabi nya rin sa akin kanina. Biro lang yung ayain kitang sumabay sa akin...anyways..."

"Yeah?"

"Take care of your heart."seryosong sabi nya.

"I am jay."tipid ngiti kong sabi. Alam naman nya feelings ko kay landi.

"And take care of her heart too"

Tumango ako."Don't worry, ok?"

" minsan lang magmahal yung bata Ellie."

I Don't Fall (Girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon